The Sweetest Bite II
Chapter 3
"I am also the one who helped Robin when she was chased by a hunger vampire fifteen years ago. I am the vampire she was looking all this time."
Naibaba ni Alex ang kanyang mga kamay. Ito ang isa sa hindi niya inaasahan. She knew Robin was looking for the Vampire kid who helped her from a hunger vampire Fifteen years ago at hindi niya inaasahan na magpapakita ngayon ito.
"I was at the human world secretly protecting her ang Ama ko ang nagsabi sa akin ng tungkol sa Prinsesa na nasa mundo ng mga tao. Ako ang tumitingin sa seguridad niya sa Human World. Maraming mga Hunger Vampires ang noo'y gusto siyang makuha ngunit bago pa man iyon mangyari ay tinatapos ko na ang mga ito. " Sabi nito at tahimik lamang silang nakikinig ni Jackson.
"Ibig sabihin ay parang taga pangalaga siya ng Prinsesa?"
"Ang galing naman dahil noon pa pala niya alam ang tungkol sa ating Prinsesa."
"Bakit hindi niya kaagad sinabi sa hari ng verthron ang tungkol dito?"
Tiningnan ng masama ni Alex ang tatlong Diwata na nag-uusap kaya't nagtago ang mga ito sa likod ni Jackson.
"Ang sama ng tingin ng Hari ng mga Bampira."
"Baka kainin niya tayo,nakakatakot."
"Dito nalang tayo kay Jack mabait siya at hindi nakakatakot."
Hindi na lamang pinansin ni Alex ang bulungan ng mga diwata at nakinig ng muling magsalita si Mavis.
"Mahilig lumabas tuwing gabi ang Prinsesa upang bumaba sa bundok para panoorin ang mga bituin. Madalas niyang gawin iyon pero nagtatagal siya kapag kabilugan ng buwan. Natutuwa siya sa ganda ng mga bituin kaya't madalas siyang tumakas. Isang gabi lamang ang nakawala sa akin dahil kinailangan kong bumalik sa Lost World upang iligtas ang aking mga kauri sa kamay ng Black Witch. Muntik nang mapahamak si Robin sa kamay ng isang bampira kung hindi lamang ako kaagad nakatawid sa mundo ng mga tao."
Saglit na tumingin si Mavis kay Robin na nakahiga habang napalilibutan ng mga bulaklak.
"Namatay ang aking ama sa engkwentro sa Black Witch ay kay Gandalf. Mabuti na lamang nang gabing iyon ay nakaabot ako at nailigtas ko ang Prinsesa. Naalala ko pa na tinatanong niya ako kung ano ang pangalan ko ngunit ang kabilin-bilinan sa akin ay huwag akong magpapakita at dapat walang makalaam ng tungkol sa mga hunger vampires."
"Habang nilalabanan ko ang mga Hunger Vampires na gustong umatake sa Prinsesa ay walang kaalam-alam ang Prinsesa tungkol dito. Nang tumagal at nakita kong may magpoprotekta na sa kanya..
Tumingin si Maxis kay Alex dahil siya ang tinutukoy nitong magpoprotekta na sa Prinsesa.
"...ay bumalik na ako sa Lost World upang protektahan naman ang mga kauri ko. Hindi tumitigil ang Black Witch at si Gandalf sa kagustuhan nilang makuha ang Lost World kahit ang council ay walang magawa kung hindi protektahan ang maliliit na bayan sa Lost world."
"Ito ang kwintas na magpapatunay na hindi ako nagsisinungaling at lahat ng sinabi ko ay totoo."
Napatingin si Alex sa kwintas na taban nito. Iyon ang kwintas na suot-suot ni Robin. Iyong kwintas na sinabi ni Gaji na nagpoprotekta skay Robin upang hindi tablan ng mga itim na mahika.
"S-Saan mo nakuha 'yan?" Lumapit si Maxis kay Robin at inilagay nito sa tabi ang kwintas.
"Ako ang may gawa ng kwintas na ito, ngunit ang suot noon ng Prinsesa ay gawa ng aking Ama. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa Verthron Castle at isa siya sa mga Wizard na pinagkakatiwalaan ng Haring Calliesper at Reyna Caroline. Mismong ang Reyna Caroline ang nagpagawa ng kwintas sa aking Ama upang isuot ng kanyang Anak. Ang Prinsesa Zoe kasi ay walang kahit anong kakayahan nang ipanganak. Upang maprotektahan ito sa mga itim na mahika ay ipinsadya ng Reyna ang kwintas na magpoprotekta sa Prinsesa."
Tumingin si Maxis kay Alex at kay Jackson.
"Wala akong balak na hindi maganda. Ang gusto ko lang din ay makatulong sa inyo."
Umatras si Alex upang bigyan ng daan ito. Tanda rin na naniniwala siya sa sinasabi ng Lalake. Pumasok naman sa silid sina Prince Nathan, Meredith, Aleister, Alejandro at Xandro kasunod ng mga ito ang iba't-ibang klase ng nilalang na nag-aalala sa kalagayan ng Prinsesa.
"Sino siya?"
"Anong ginagawa niya dito saan siya nakapasok?"
Tanong ni Meredith.
"Nagpakilala siya sa amin bilang si Maxis. Isa siyang Damhpir. Siya iyong Black Wizard na makakatulong sa atin para malaman ang kalagayan ni Robin. Maaaring siya rin ang makakapagligtas dito." Sagot naman ni Jackson.
"Siya iyong sinasabi ng Matandang Wizard na taga North? Iyong dapat ay pupuntahan ninyo ni Alex?" Tanong ni Xandro kay Jackson. Tumango lamang ang huli at ibinalik ang tingin kay Maxis. Mukhang nagsasabi ito ng totoo dahil walang putol at diretso ang pagkukwento nito.
"Sana nga ay matulungan niya kami upang magising na si Robin. Marami ang naghihintay sa paggising niya at alam kong isa siya sa makakatulong upang mapabuti ang lahat ng nilalang sa Lazeu."
"Maaari niyo akong patayin ngayon kapag may ginawa akong kahina-hinala. Ngunit katulad nyo ay gusto ko ring matulungan ang Prinsesa. Hindi kaagad nakarating sa akin na nakaengkwentro ninyo ang isa sa tauhan ng Black Witch dahil sa pag-aaral ko sa iba't-ibang klase ng mahika. Hindi ko rin kaagad nabalitaan na nandito na sa Lost world ang Prinsesa. "
Tahimik lamang na nakatingin si Alex at binabantayan ang bawat kilos ng lalake. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng selos nang malaman na ito ang hinahanap ni Robin, iyong batang bampira na may gintong mga mata. Ang akala pa ni Robin ay siya iyong nagligtas dito noon dahil isa rin daw na bampira ang bata na 'yon.
I wish I knew you back then... Sana ay nakita ko ang paglaki mo. Sana nakita ko iyong maliit at sweet na Robin na tumatakas sa gabi para tumingin sa buwan at mga bituin. I miss you so much... Miss na miss na kita gumising ka na.
Pinalibutan muli ng itim na mahika si Robin, ang itim na mahika na iyon ay makakapagtanggal sa lason na kumalat sa katawan ng Prinsesa. Umatras si Jackson at ang iba dahil sa lakas ng pwersa na pumapalibot sa buong kwarto ngunit si Alex ay nananatiling malapit lamang kay Robin sakaling may mangyaring hindi maganda.
"Nakakamangha ang lakas ng mahika na ito."
"Siya nga siguro ang hinahanap natin na makakatulong sa Prinsesa! Magaling! HIndi na kailangan pang maglakbay ng Hari ng Bampira at hindi na malalayo sa atin ang mabait na si Jackson para lamang pumunta sa delikadong lugar ng North."
Wika ng isang diwata. Hindi sila makapahintay na muling magising ang Prinsesa. Pumikit ang tatlong diwata at naghawak-hawak ng kamay ang mga ito at yumuko para ipanalangin na maging matagumpay ang ginagawa ng Black Wizard.
"Panalangin para sa kaligtasan ng mahal na Prinsesa ng Verthron Castle."
Nang mawala ang itim na mahika na pumapalibot kay Robin ay lumapit si Mavis dito. Naglabas naman ng espada ang ibang mga tauhan ni Prince Nathan sakaling may gawin na hindi maganda ang lalake sa Prinsesa. Lahat sila ay inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Lahat sila ay nais na muling masilayan ang ngiti sa mga labi ng Prinsesa.
"Magigising na siya. Magtiwala lamang tayo." Wika ni Meredith.
Inilagay ni Mavis ang kwintas sa dibdib ng Prinsesa at kinuha niya ang kanang kamay nito. Nagliwanag ang kwintas at ang kamay ni Robin na taban ni Mavis ngunit sandali lamang iyon dahil bigla na lamang naputol ang kwintas sa tatlo na ikinagulat ni Mavis.
"Anong nangyari?" Tanong ni Jackson
"Naputol ang kwintas!" Sabi ng diwata
Muling sinubukan ni Mavis na tanggalin ang Lason ngunit hindi inaasahan ng lahat ang pagsuka nito ng dugo at pagluhod.
"Anong nangyayari?!"
"Hala..."
"Bakit siya sumuka ng dugo?" wika ng mga Diwata
Dinaluhan ni Alex si Maxis at tinulungan itong makatayo. Muling tinabanan ni Maxis ang kamay ni Robin at nang kaagad bumagsak ang mga balikat niya at napaluhod nang wala na siyang maramdaman roon.
Kahit ang kaluluwa nito ay hindi na rin niya maramdaman sa loob ng katawan.
"The Princess is no longer in the body."
Mahinang sabi ni Maxis.
"W-What do you mean?" Sa inis ay kinwelyuhan ito ni Alex. Kaagad namang lumapit si Jackson at pinigilan si Alex
"She's dead."
Parang malaking pagsabog at tumama sa lahat ng nasa silid na 'yon. Umiling ng ilang ulit si Alex at hindi siya makapaniwala sa narinig.
Sinuntok ni Alex si Maxis dahil sa galit. Hindi siya naniniwala dito! Hindi!
"Alex stop!" Awat ni Meredith sa Anak kaagad niyang nilapitan ito at si Aleister ay hinawakan sa balikat ang anak.
"Hindi pa patay si Robin! Nagkakamali ka lang!" Alex shouted.