NALAMAN ni Ally na kamag-anak pala si RJ ng kasalukuyang may-ari ng The Ruins. Ipinasyal din siya nito sa mga katabing siyudad para makita pa ang ibang historical landmarks ng probinsiya partikular na ang mga heritage houses sa Silay City na napasyalan na rin ng kaibigang si Arnold dati. Akalain niya iyon? Ang Ruins lang naman sana ang gusto niyang makita pero nadamay na rin ang iba pang magagandang landmark sa probinsiya. Maswerte siya dahil hindi ito abala nang araw na iyon at masaya siya dahil mapagkakatiwalaang tao si RJ. Hindi lahat ng nagpapakita ng maganda sa iyo ay hindi ka na kayang gawan ng masama. Pero iba ang sinasabi ng instincts niya. Naikwento na rin niya rito ang sariling kadramahan. "Hindi pa rin 'yon sapat na rason para tigilan mo na siyang mahalin," sabi pa nito sa kan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


