bc

Ally And The Grumpy Guy

book_age16+
855
FOLLOW
2.8K
READ
billionaire
opposites attract
arranged marriage
kickass heroine
CEO
drama
comedy
bxg
small town
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Ally was hopelessly in love with her bestfriend, Gino. Ang cliché, 'no? Ganoon nga yata talaga ang buhay. Ilang beses man niyang subukang kalimutan ang nararamdaman niya ay hindi talaga niya mauutusan ang puso niya. Meron nang babaeng minamahal si Gino. Ang kaso, hindi boto ang mga magulang ng babae sa kaibigan niya at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa. Dapat ay magsaya na si Ally dahil tila kampi sa kanya ang tadhana. Pero ayaw naman yatang magpapigil ng dalawa. Hayun, at nagkipagtanan si Gino sa nobya nitong si Ghia. Siya naman ngayon ang namumroblema. Dahil hindi naman siya pinapatahimik ni Gael, ang kuya ni Ghia na saksakan nga ng gwapo pero saksakan din ng sungit. Pinipilit siya nitong paaminin sa kung saan daw dinala ng magaling niyang kaibigan ang kapatid nito. Eh, sa wala talaga siyang alam!

Nagbanta pa ito na mapapahamak daw si Gino kapag hindi siya nakipagtulungan dito. Walang choice si Ally. Magkasama sila ngayon ni Gael na hanapin ang dalawa sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas. Gagawin niya iyon para sa pagmamahal niya kay Gino. Pero habang lumilipas ang mga araw, parang ibang pangalan na yata ang isinisigaw ng kanyang puso. Parang hindi na 'Gino'. Sounds like 'Gael' na.

chap-preview
Free preview
I.
CHAPTER ONE MAHIRAP ma-in love sa taong may mahal nang iba. Pero mas mahirap ma-in love sa bestfriend mo na may mahal nang iba. "Ay, ang gulo naman," napalatak na sambit ni Ally at mabilis iyong binura sa MS word. Hindi naman kasi iyon ang dapat na isulat niya kundi ang magandang feedback ng mga taong nagpunta sa gig ng banda ng bestfriend niyang si Gino—ang Tough Love. Trabaho niya iyon bilang publicist nito. Nagsimula bilang indie band ang Tough Love at ngayon ay nagsisimula na rin itong mag-penetrate sa mainstream matapos ang collaboration ng Tough Love sa mga kilalang banda sa bansa. Siya ang number one fan ng banda. At hindi pa man nabubuo ang Tough Love ay fan na siya ni Gino. Bilib na bilib na siya sa talento nito. Magaling na ngang kumanta, halos lahat ng musical instruments ay kaya pa nitong tugtugin. At hindi lang iyon, ubod din ito ng gwapo. Gino is an IT expert by profession pero mas matimbang dito ang passion nito sa musika. Dear Gino, pagkatapos nito, pangako, hindi na talaga kita mamahalin. Binura rin niya iyon. "Kalokohan." High school pa lang sila ay may nararamdaman na siya rito. Kapitbahay niya ito at schoolmate. Dalawang taon ang tanda sa kanya ni Gino. Bawat hapon, pinapanood niya itong tumugtog ng gitara sa labas ng bahay ng mga ito at siya naman ay pasimpleng nakikinig. Hindi sinasadyang mahuli siya nito. Nilapitan siya ni Gino at tinanong kung interesado ba siyang matuto. Doon na nagsimula iyon. Pero twelve years na silang magkaibigan, wala namang nangyari. Siya lang naman ang hopelessly in love dito. Papaano, nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Bale twelve years na rin niyang sinasabi sa sarili na titigilan na niya itong mahalin. Ang saya lang, 'di ba? Ang unfair nga naman kasi ng buhay. Iyong mga nababasa niyang story sa mga libro at online tungkol sa mag-bestfriend na nagka-in love-an, happy ending naman. Bakit hindi na lang din maging sila ni Gino? Para wala na siyang hingin pa sa buhay niya. Hindi nga siya nang-entertain ng mga manliligaw dahil umaasa siyang magbabago rin ang tingin sa kanya ni Gino. Pero mukhang nakatakda yata siyang maging nganga habang-buhay. Marami ang nagsasabi na maganda siya. Gino finds her beautiful, too. Pero alam niyang walang halong malisya iyon! Matagal na niyang pangarap na tingnan siya nito na may halong paghanga at sige na nga, ng kahit kaunting pagnanasa. Kaso ayon nga, malabo pa sa pagputi ng uwak ang posibilidad na mangyari iyon. "Nakatadhana yata akong maging nganga habang-buhay," hopeless niyang sabi. "Miss Ally, may dumating pong delivery para sa inyo," ang assistant niyang si Ninny. Siya ang nagma-manage ng printing press na pagmamay-ari ng pamilya nila. Dating nagsusulat para sa dyaryo ang tatay niya at nang magretiro ito ay iyon ang itinayo nitong negosyo. Ang nanay naman niya ay isang radio host ng isang sikat na drama anthology. Hindi na nakakapagtakang namana niya ang hilig ng mga ito sa media. "Ano na naman ba 'yan?" nakangiting tanong niya. "E di 'yong paborito n'yo na naman po. Galing kay Sir Gino," nakangising sagot naman ni Ninny. Mukhang nauna na nitong tiningnan ang nakasulat sa card. Kay Gino nga iyon galing dahil nakita niya ang handwriting nito sa maliit na card. Tinotoo nga nito ang pangakong susuhulan siya para sa paggawa niya ng article para rito. Ally! Thank you for this huge favor you've done for me and for Tough Love! Ililibre kita kapag nagkita na tayo. Ubusin mo 'yan, ha? You're always the best! Hindi niya alam kung mapapangiti ba siya o mapapasimangot. Kung hindi pa niya alam, pangalawa lang naman siya lagi sa girlfriend nito. Oo, meron nang girlfriend si Gino. Hindi naman na siya magtataka kung magustuhan ng bestfriend niya ang babaeng iyon. Half-Italian si Ghia at anak ng isa sa may-ari ng pinakamalaking telecommunications company sa buong Asya. She was his fan. At alam ni Ally na unang beses pa lang makita ni Gino ang babae ay nabighani na ito sa ganda ni Ghia. Na-insecure siya rito. Matagal na silang magkaibigan ni Gino pero ni minsan ay hindi siya nito tiningnan kagaya ng pagtingin nito sa nobya. Maganda na, mayaman pa. At siya? Habang-buhay nang simpleng si Ally na bestfriend lang ang papel sa lalaking lihim niyang minamahal. Mabuti na rin siguro iyong hindi na niya itinuloy ang pagtatapat noon kay Gino dahil baka pati pagkakaibigan nila ay nasira na rin. Darating din siguro ang panahon na kusa nang mapapagod ang puso niya at hihinto na rin itong mahalin si Gino. Binuksan na lang ni Ally ang ipinadala sa kanya ng kaibigan. Napangiti siya nang manuot sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy ng paborito niyang lechon manok. Pagsasaluhan nila iyon mamaya ng tatay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
383.0K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.6K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook