"HINDI KA na ba papasok?" tanong niya kay Gael matapos siya nitong pagbuksan ng pinto ng sasakyan sa labas ng gate ng bahay nila. "Hindi na, Ally. Mas kailangan mong magpahinga. Look, ang tamlay mong tingnan. Ayokong magkasakit ka." Nasaktan na 'ko, eh. "Nanibago lang ako sa biyahe. Ah, sige, mag-iingat ka, ha? Magpahinga ka na rin. Saka mo na muna isipin ang trabaho. Hindi ka pwedeng magkasakit. Marami ka pang responsibilad sa bayan," pabirong sabi pa ni Ally sa kabila ng bigat sa kanyang dibdib. "I will," nakangiti namang tugon ni Gael. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at malutong siyang hinalikan sa noo. "I'll see you soon. Wait for me. We'll talk about us, Ally. Aayusin ko lang ang lahat. " "N-nandito lang ako." Tumikhim si Ally para alisin ang barang namuo sa lalamunan n

