Maagang nagising si Lance at bumaba agad sa restaurant para magbreakfast. Sinalubong naman siya ni Guia at binati. “Good morning sir.” Bati nito at tumango lang si Lance. “Nakababa na ba si Janine?” tanong niya. “Hindi pa po sir.” iling naman ni Guia at Kasalukuyan namang palabas ng elevator si Janine at napatingin sa kanya ang manager ng marinig ang cue ng elevator. “Andito na po pala siya.” Dugtong ni guia at napalingon sa kanya si Lance. Natulala naman siya sa kagandahan ng dalaga. Suot nito ang kanyang faded blue jeans at Red v-neck shirt. Simple lang ang kanyang suot pero lumulutang pa rin ang kanyang kagandahan. Hanggang sa makalapit si janine ay nakatingin pa rin sa kanya ang binata. “Good morning sir.” Bati ng dalaga. Bumalik naman sa kanyang ulirat ang binata at tinanguhan lang niya ng konti ang dalaga saka tumalikod. Salubong naman ang kilay ni janine na nagtataka at Napatingin siya kay Guia. “May problema ba si sir?” nilingon naman siya ni Guia at nagkibit balikat. “hindi ko alam. Parang balisa siya kanina pa.” Tugon naman nito. Ano kaya ang problema nun? Sa isip ko. “Sige maiwan na kita.” Paalam naman ni Guia dahil aasikasuhin niya pa ang ibang trabaho. Nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko ng lumapit sa akin ang isang staff. “Excuse me Ma’am Janine, Magbe-breakfast na daw po kayo.” Sambit ng staff. “Ah sige..” mabilis naman akong humakbang papunta sa restaurant at lumapit sa table ni Sir lance. Napaangat naman ng tingin si lance sa kanya. “Umupo ka na Ms. Perez kakain na tayo.” Utos niya at umupo na rin ako. Habang kumakain ay napansin ni Janine na mukhang stress at di nakatulog ang kanyang boss. “Sir ok lang po ba kayo?” napahinto naman sa pagkain si Lance at napatingin sa kanya.. “Of course! bakit?” nakatingin din naman siya sa kanyang boss. “Mukha po kasi kayong puyat. Hindi po ba kayo nakatulog kagabi?” natigilan naman si Lance sa tanong nito. Oo hindi ako nakatulog kagabi dahil sayo! di ko alam kung anong meron sayo at hindi ka mawala sa paningin ko. sa isip ni lance habang nakatingin sa kanya at gusto niyang sabihin iyon sa dalaga pero gumawa na lang siya ng ibang dahilan. “May tinapos akong papers kagabi kaya late na ako nakatulog. May pupuntahan ako mamaya, business meeting pero hindi ka na sasama. Dito ka na lang sa hotel.” Sambit niya at tumango naman ang dalaga. “Yes sir.” Pagkatapos nilang kumain ay saglit lang na nagpahinga ang kanyang boss at umalis na ng hotel para makipagkita sa ka-meeting. Naiwan namang nakaupo si Janine sa lobby. Walang magawa si Janine sa kaya nagpasya na lamang siyang tulungan ang mga staffs sa restaurant. Sanay din naman siya sa pagiging waitress kaya tumulong siya sa pag serve sa mga guest sa hotel. kanina pa siya pinipigilan ni Guia dahil baka magalit ang boss nila pero hindi nagpaawat si Janine. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa at naaaliw sa kanya ang mga customers. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay nag-uumpisa namang dumami ang kumakain sa restaurant ng hotel at masayang nakikipagkulitan naman si Janine sa mga staffs. Nakikipag-asaran siya sa isang lalakeng staff ng hotel ng dumating si Lance at pumasok sa restaurant. Kitang-kita ni Lance kung paano makipagtawanan at makipag-asaran si Janine sa mga ito. Bigla namang dumilim at nagsalubong ang mukha ni Lance sa nakikita. Lumapit siya sa mga ito at hindi nagsasalita. Napatigil naman sila sa pagtawa ng mapansin nila ang kanilang boss at napayuko ang mga staffs. “Oras ng trabaho nakikipagtawanan kayo. Ganito ba ang ginagawa niyo dito araw-araw? Hindi ko kayo binabayaran dito para makipagtawanan.” Takot naman at nahihiyang napayuko ang mga staffs. “Sorry po sir.” Paumanhin ng mga ito at saka bumalik sa kani-kanilang pwesto. Nilingon naman ni Lance ang dalaga. “And you too. Hindi kita isinama dito sa Hotel para makipaglampungan sa mga male staffs.” gulat namang nakatingin lang sa kanya ang dalaga. Hindi na nagsalita pa ulit si Lance at lumabas na ng restaurant at umakyat sa kanyang kwarto. Napakunot-noo naman si Janine at nagulat sa inasal ng kanyang boss. “Ang sungit naman nun! Lampungan agad? Hindi ba pwedeng nagkakatuwaan lang kami? Ano’ng gusto niyang gawin ng mga staff niya, sumimangot buong maghapon? Naku.. kung hindi lang kita boss, makakarinig ka talaga sa akin.” Bulong ni Janine sa kanyang sarili. Napapailing na lang siyang umakyat sa kanyang kwarto. Dinner na ng bumaba si Lance sa restaurant para kumain at umupo sa kanyang table. Mabilis namang inilapag ng mga staff ang kanyang pagkain. Ilang sandali pa siyang naghintay at napatingin sa kanyang relo. Napahinga siya ng malalim dahil naiinis na ito sa paghihintay sa kanyang assistant hanggang sa tinawag niya ang waiter at inutusang tawagan sa kanyang kwarto si Janine at bumaba na. Mabilis namang tumugon ang waiter. Ilang sandali pa ay lumapit na ulit ito kay Lance. “Excuse me sir. ang sabi po ni Mam Janine ay hindi daw po siya kakain dahil wala po siyang Gana.” Sambit nito at napalingon naman sa kanya si Lance. “Okay. Thank you.” Napanguso naman si Lance sa inis because that was the first time he patiently waited for someone else. He did not do that to anyone. Kinuha na lang niya ang table napkin at nag-umpisa ng kumain. Pagkatapos niyang kumain ay umakyat din agad sa kanyang kwarto si Lance para magpahinga at i-check ang kanyang email tungkol sa pinaplano nitong bilhin na resort. Habang si Janine naman ay nakaupo lang malapit sa glass window at nakatingin sa malayo. Nalulungkot siya at namimiss niya na rin ang kanyang ate at pamangkin kaya wala siyang ganang kumain. namimiss na rin niyang kumain kasama sila. Kahit silang tatlo lang ay masaya pa rin silang kumakain hindi katulad ngayon na seryoso ang kasama niya at hindi makausap.. “Kamusta na kaya sila ate?” bulong niya sa kanyang sarili. nanatili lang siyang nakatingin sa bintana at Makalipas ang isang oras ay biglang tumunog ang kanyang tiyan at napahawak siya dito dahil nakaramdam na siya ng gutom. Minabuti niyang lumabas ng kwarto at naghanap ng makakain sa baba pero pagbaba niya ay pasarado na ang restaurant ng hotel kaya lumabas na lang siya at naghanap ng makakain. Naalala niyang may karenderia malapit lang doon kung saan niya pinakain ang dalawang matanda kaya pumunta siya doon at bumili ng makakain. Bumili siya ng siopao at maiinom saka siya bumalik sa hotel pero sa pool area muna siya tumambay at doon kumain. Bigla namang nagbukas ng bintana si Lance para magpahangin ng makita niya si Janine na nakaupo sa gilid ng pool at kumakain. Nakaharap sa pool area ang kwarto ni Lance kaya natatanaw niya ito. Napangiti na lang siya ng makita niyang kumakain si Janine doon. “Magugutom ka rin pala.” Sambit niya at napailing na lang siya. Nakalusob naman sa pool ang paa ni Janine habang nakaupo siya sa gilid ng pool at kinakain ang kanyang biniling siopao. Pero biglang napatigil sa pag-nguya si Janine ng napatingin sa tubig at naalala ang batang lalake na sumagip sa kanya noon at napabagsak siya ng balikat. “Asan na kaya siya ngayon? sana dumating ang panahon na magkita pa kaming muli.” Wika ni Janine nang bigla siyang gulatin ni Guia. “Huuuuy!” sabay hawak ni guia sa kanyang balikat. “Ay tipaklong!” gulat niya at napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at muntik ng mabulunan. “Ano’ng ginagawa mo dito Janine? Gabing-gabi na ah.” tanong ni Guia at umupo sa tabi niya. “Nagutom kasi ako kaya naghanap ako ng makakain. Close na sa restaurant kaya bumili na lang ako ng siopao sa karenderia. Meron pa ako isa. Gusto mo?” tugon naman ni janine pero umiling naman si Guia. “No, thanks! Busog pa ako. Hinintay ka ni boss kaninang dinner pero ang sabi mo daw ay hindi ka nagugutom.” Sambit ni guia at napataas naman ng dalawa niyang kilay si Janine. “Talaga? Hinintay niya ako? Wala pa kasing akong ganang kumain kanina.” tanong niya at tumango naman si Guia. “Oo. Siguro ay 30 mins din siyang naghintay sayo o mahigit pa.” nagsalubong naman ang kilay ni Janine at hindi makapaniwala sa narinig niya. Akala ko ba ay pinaka-hate niya ang pinaghihintay siya pero bakit hinintay niya ako? Hindi ko maintindihan ang ugali niya. ang weird! Bulong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay tumayo na si Guia. “Sige, mauna na ako. Maaga pa ako bukas eh. Pasok ka narin pagkatapos mo d’yan dahil sobrang lamig na.” Wika nito at tumango at ngumiti naman sa kanya si Janine. Nagpatuloy lang siya sa kanyang kinakain at ilang sandali pang nanatili sa gilid ng pool. Inangat niya na rin ang kanyang paa at umupo sa upuan. Napatingin siya sa langit at napangiti dahil sa dami ng bituin na nakikita niya. “Ang ganda..” sambit niya at bigla siyang nilamig kaya napayakap siya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay naramdaman na lang niyang may biglang naglagay ng scarf sa kanyang likod. Napalingon siya dito at nakita ang kanyang boss. “Sir...” sambit niya at tumingin agad sa pool si Lance at nagpa-mulsa. “Hindi ka dapat tumatambay dito sa labas. Masyadong malamig dito pag gabi.” Wika ni lance at sinulyapan siya nito ng saglit. Nahiya naman at napayuko si Janine sa sobrang hiya. “And you don’t need to avoid me if you don’t want to eat with me. If you keep on pretending like this. you’ll starve to death.” Dugtong pa niya at napatingin sa kanya si Janine. magsasalita sana siya pero biglang tumalikod si Lance pabalik sa loob pero bigla itong huminto at nilingon ng konti si janine. “Sleep early..maaga pa tayo babalik ng maynila bukas.” Sambit niya saka siya tuluyang pumasok sa loob. Napabagsak na lang ng balikat si Janine at napanguso. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sinabi ng kanyang boss at napasabunot na lang siya sa kanyang buhok. “Hindi naman ako umiiwas. Wala lang talaga akong ganang kumain kanina.” Bulong na lang niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay tumayo na siya at bumalik na rin sa loob hawak ang scarf na nilagay ni lance sa likod niya. dumiretso na siya sa kanyang kwarto at umupo sa gilid ng kanyang kama. ilang sandali pa siyang nakaupo nang maisip niya ang scarf na inilagay sa kanya ni lance at napapatango na lang siya. “In fairness! May pagka-sweet din siya kahit madalas masungit siya. Or baka naman pakitang-tao lang siya. Ang sabi ni Hiro ay irritable siyang tao at hindi showy. Mahirap din kausap at paiba-iba ng mood pero mabait naman siya. Hay naku! Hindi ko pa talaga kilala ang boss ko. kailangan ko muna siyang kilalanin bago ako magtiwala sa kanya. Baka mamaya..pervert pala siya at pagsamantalahan ang kahinaan ko.” bulong ni Janine sa kanyang sarili habang hawak ang scarf at napayakap siya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay umupo siya ulit ng maayos. “Hayst! Ano ba yan..kung ano-ano na naman ang naiisip ko. tumigil ka Janine hindi naman siguro ganun ang boss mo.” Saway niya sa kanyang sarili at inilapag ang scarf sa kama at nagpasya na lang siyang ayusin na muna ang kanyang gamit dahil maaga silang babalik ng maynila. Pagkatapos niyang mag-empake ng gamit ay nagpasya na rin siyang maligo at nang makapagpahinga na.