Kinabukasan ay maagang nagpa-alarm ng kanyang cellphone si Janine para makapaghanda. Naligo na rin siya at agad na bumaba sa lobby at dumiretso sa restaurant. Sakto namang wala pa doon si Lance at siguradong tulog pa iyon. Pumasok siya sa kitchen at inabutang nagluluto ng breakfast ang chef kaya nagpasya siyang tulungan ito. Naging close naman sila ng mga nagtatrabaho sa restaurant sa galing niyang makisama sa mga ito at dahil na rin sanay siya sa trabaho sa restaurant kaya madali lang niyang naging kaibigan ang mga nagtatrabaho doon. Tapos na rin silang maghanda ng breakfast at naka-prepare na sa table ng bumaba si Lance at pumasok sa restaurant. “Good morning sir.” masayang bati naman sa kanya ni Janine pero tango lang ang tinugon ni lance sa kanya at diretso ng naupo. Napanguso naman si Janine at napabuga na lang ng hangin. Ang sungit! Sa isip niya at umupo na rin siya sa kabilang upuan dahil baka magalit na ito kapag hindi siya sumabay kumain. “Did you prepare your things?” tanong sa kanya ni lance at mabilis siyang napatingin dito. “Yes sir.” sagot niya at nagpatuloy naman sa pagkain si Lance. “Good. We need to arrive in manila before 12 noon. I have a meeting at 1pm.” Sambit ni lance at huminto sa pagkain at tumingin sa kanya. Nagsalubong naman ang kanilang mga mata kaya biglang nailang si Janine at una siyang umiwas dito. Tumingin na lang siya sa kanyang plato at ang-umpisang kumain. Nanatili namang nakatingin sa kanya si Lance ng ilang sandali bago ito nagpatuloy ulit sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik ulit si Janine sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang gamit at bumaba rin siya agad. Nakita niyang kinakausap ni Lance lahat ng empleyado at may binibilin sa mga ito. Maya-maya pa ay humarap si Lance sa gawi niya at nakita siya. “Let’s go.” Wika ni lance at dali-dali naman siyang lumapit. Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos sa mga naging kaibigan niya kaya kumaway na lang ito at sumenyas na tatawag na lang siya. Nakuha naman niya lahat ng numero nila dahil hiningi niya ito para kahit bumalik sila ng maynila at makakamusta niya pa rin ang mga ito. Mabilis siyang lumapit sa sasakyan ng kanyang boss dahil nakaupo na ito sa drivers seat at hinihintay siya. Tinulungan na lang siya ng guard na ilagay ang kanyang gamit sa likod ng sasakyan. Pumasok siya agad at naglagay ng seatbelt. Pagkatapos niyang mag seatbealt ay bumusina ang kanyang boss hudyat na aalis na sila. Kumaway naman sa kanila ang ilang empelyado ng hotel at tinugon naman iyon ni Janine. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ang kanyang boss. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya dito. Naka-focus lang sa kanyang pagmamaneho si Lance kaya hindi niya napapansin ang pagsulyap sa kanya ni Janine. Nilingon ulit ni Janine ang kanyang boss at tinitigan ang seryoso nitong mukha. Ibang klase! kahit seryoso na ang mukha niya guapo pa rin siya. Paano na lang kaya kung ngumiti pa siya. No wonder maraming nagkakagusto sa kanya. Salubong naman ang kilay ni janine habang ini-eksamina ang mukha ng kanyang boss hanggang sa lingunin siya ni Lance at nakita nito ang pagtitig ni Janine sa kanya. “What’s wrong? May dumi ba ako sa mukha?” tanong ni Lance at taranta naman siyang napaayos ng upo. “Wala po sir. sorry po.” Sagot niya at napalingon siya sa kabila at napapikit sa sobrang hiya. “Ano ba naman yan janine..” bulong niya sa kanyang sarili. Ilang minuto ulit silang natahimik ng biglang magsalita si Lance. “I have a meeting at 1pm. Idadaan lang kita sa condo at didiretso muna ako sa company. You take a rest today.” Sambit ni Lance at napatingin naman siya dito. Nagtataka siya kung bakit hindi siya isasama sa company pero hindi na rin siya nagtanong pa. “Yes sir.” sagot na lang niya at tahimik na lang ulit sila. Makalipas ang isang oras ay nakatulog si Janine sa biyahe. huminto muna si Lance sa isang convenience store para bumili ng maiinom ng makita niya ang natutulog na dalaga. Pansin niyang nakatagilid ang ulo ni Janine kaya nilapitan niya ito para ayusin ang kanyang ulo at ibinaba niya ng konti ang backseat para makatulog ng maayos si Janine. Nagulat naman siya ng biglang ilipat ni Janine ang kanyang ulo at nakaharap ang kanyang mukha kay Lance. Napaatras ng konti si Lance pero nanatili lang siyang nakatingin sa dalaga. “Why is it she looks familiar to me? Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. And her face.. i can’t refrain myself from staring at it. She’s so beautiful.” Bulong ni Lance sa kanyang sarili at napapangiti na lang siya. “She’s like a sleeping angel.” Dugtong pa niya. lababas na sana siya sa sasakyan para bumili ng maiinom ng biglang magsalita habang natutulog si Janine. “Madalas ka ba dito?” sambit ni Janine at napalingon agad sa kanya si Lance. “Sana magkita pa tayo ulit. Hihintayin kita.” Sambit pa niya at napakunot-noo naman si Lance. “Nagsasalita siya kahit tulog? Pambihira!” natatawang wika ni lance at biglang napaisip. “Who is she talking about? Sinong hinihintay niya? boyfriend niya?” tanong niya sa kanyang sarili pero napailing na lang siya at hindi na lang pinansin iyon. Bumaba na lang siya sa sasakyan at pumasok sa convenience store para bumili ng maiinom dahil nauuhaw siya. mabilis lang siya at bumalik din siya agad. Bumili lang siya ng burger, water and canned juices para sa kanila dalawa. Pagbalik niya ay himbing na natutulog pa rin si Janine kaya hinayaan na lang muna niya ito at agad na inistart ang sasakyan at nagpatuloy na sa biyahe hanggang sa marating nila ang Maynila ay tulog pa rin si Janine. Nasa harapan na sila ng condominium building nang gisingin ni Lance ang dalaga. “Wake up Ms.Perez. we’re here.” sambit niya at unti-unting gumalaw si Janine at dumilat. Mabilis namang napaupo si Janine ng makitang nasa harapan na sila ng condo at napalingon siya sa kanyang upuan dahil bahagyang nakababa ang backseat. Nahihiya naman siyang napalingon sa kanyang boss at napansin naman ni Lance iyon kaya napabuntong-hininga na lang siya. “Kunin mo na ang gamit sa likod para makapasok ka na sa loob. Doon ka na lang matulog ulit.” Wika ni Lance at tumango naman si Janine at mabilis na nagtanggal ng seatbelt at bumaba sa sasakyan. Kinuha niya agad ang gamit sa likod at mabilis namang lumapit ang security sa kanya ng makitang nahihirapan si Janine na ibaba ang gamit at tinulungan ito. Napataas naman ng kilay si Lance ng makita ang mabilis na paglapit ng security at ang pag-ngiti nito sa dalaga. Napangisi na lang siya at napapailing. Ganoon pa man ay nakaramdam siya ng inis sa ginawa ng guard kahit na trabaho naman talaga nila iyon. Huminga na lang siya ng malalim. Nang masiguro niyang naibaba na lahat ng gamit ay inistart niya ulit ang sasakyan at bumusina. Tumingin naman sa kanya si Janine at nginitian siya nito. Tinanguhan niya lang si Janine at agad na umalis. Hinatid na rin ng guard si Janine sa Unit ng kanyang boss at tinulungang ipasok sa pinto ang gamit. “Thank you sir sa tulong.” Wika niya habang nakangiti sa guard at tumango naman ito. “Walang anuman po mam. Mauna na po ako.” Tugon naman nito. “Sige po..salamat ulit.” Tumalikod na rin ang guard at bumalik na sa lobby at isinara niya na rin ang pinto. Una niya munang kinuha ang luggage ng kanyang boss at itinulak iyon sa labas kwarto nito. Bawal siyang pumasok sa kwarto ng kanyang boss kaya doon na lang niya iiwan. Binalikan niya ulit ang gamit niya at dinala sa kanyang kwarto. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot nitong kama. “Hayyyy! Nakakahiya..natulog lang ako sa buong biyahe namin. Oo nga pala..paano bumaba ng konti ang seatback ko kanina? Hindi kaya... siya ang bumaba non?” at bigla siyang napaupo sa kanyang naisip at napapanganga. “OMG! I’m Doomed! Nakakahiya..assistant niya ako pero naging pasanin pa ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya.” Padabog naman siyang napahiga ulit at pinapadyak sa hangin ang kanyang paa. Ilang sandali pa siyang nakahiga hanggang sa magpasya siyang magpalit ng damit pambahay at lumabas ng kwarto para tingnan sa fridge kung ano’ng pwedeng lutuin na ulam sa dinner. Mayroon pa siyang nakitang beef sa fridge. Kinuha niya ito at tiningnan kung hindi pa sira. “Okay pa ito. Siguro ay ito na lang ang lulutin ko mamaya para sa dinner. Ibinalik na muna niya ang beef sa fridge at kumuha ng tinapay at juice dahil ginutom siya. Umupo siya sa dining table at magsisimula ng kumain ng makatanggap siya ng text galing sa kanyang boss. ‘Sa mansyon na ako magdi-dinner. Huwag mo na ako hintayin mamaya. Magluto ka na lang ng para sa dinner mo and don’t forget to lock the door.’ Napanguso na lang siya ng mabasa ang message at napabagsak ng balikat. “hayss.. kakain akong mag-isa mamaya.” Sambit niya at napaupo siya ng maayos dahil naisip niyang bakit ang laki ng sweldo niya tapos wala naman pala siyang trabaho. Sinasama lang siya ng kanyang boss kahit saan magpunta pero hindi naman siya pinagtatrabaho nito. “Ano ba naman to. Ang laki nga ng sahod ko pero nakakabagot naman ang trabaho ko. namimiss ko na magtrabaho sa restaurant atleast doon kahit konti lang ang sahod ko nag-eenjoy naman ako.” Wika niya at napasandal na lang siya sa upuan. Maya-maya pa naisipan niyang tawagan ang kanyang ate pero nagri-ring lang ang cellphone nito at walang sumasagot. Siguro ay busy sa shop kaya hindi niya masagot kaya ibinaba na lang niya ang tawag at nagpatuloy na lang siya sa kanyang pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay nagligpit na rin siya at naglinis sa kitchen bago siya bumalik ng kanyang kwarto. Nanood na lang siya ng TV buong maghapon dahil wala naman siyang ibang gagawin hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras at alas sais na pala ng gabi.Nasa Mansyon na si Lance at patapos ng mag-dinner kasama ang kanyang ina at ama. Nag-uusap ang kanyang mga magulang kaya binuksan ni Lance ang kanyang cellphone na nakalagay sa table sa tabi niya at binuksan ang footage ng CCTV sa kanyang condo. Naka-connect sa kanyang cellphone ang CCTV ng condo kaya nakikita niya ang bawat galaw ni Janine maliban sa kanilang kwarto. Nagsalubong naman ang kilay ni Lance ng mapansin na wala si Janine sa kitchen. “What is she doing? It’s already six o’clock pero hindi pa rin siya nagluluto? Tulog na naman ba siya?” bulong ni lance sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang cellphone. Kakatapos lang nilang kumain at papunta sa veranda ang kanya ng parents ng magpaalam siya saglit dahil may tatawagan lang siya. Pababa na sana si Janine sa kanyang kama ng tumawag sa kanya ang kanyang boss at agad niya itong sinagot. “Hello sir..” “Bakit hindi ka pa nagluluto ng dinner mo? 6:30 na.” Wika ni lance at nagulat naman si janine sa sinabi nito. Paano niya nalaman na hindi pa ako nagluluto? Sa isip niya. “Ah kasi po sir..may ginawa lang ako sa kwarto ko at ngayon lang po ako natapos.” Pakiwari niya at dinig naman niyang bumuntong-hininga sa kabilang linya si Lance. “Okay. Lumabas ka na doon at magluto ka na. I’ll be home at 9pm.” Sambit nito at pinutol na agad ang tawag. Gulat namang napatingin sa kanyang cellphone si Janine. “Paano niya nalaman? Hindi kaya may CCTV sa buong bahay?” sambit niya at biglang nanlaki ang kanyang mata ng maisip na baka pati sa kwarto niya ay may CCTV kaya mabilis siyang nagpalinga-linga at tiningnan kong mayroon nga sa kwarto niya pero wala siyang nakita. “hay salamat! Akala ko pati dito sa kwarto ko meron.” At nakahinga naman siya ng maluwag. Agad siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina at hinanap ang CCTV pero hindi niya makita kong saan nakalagay hanggang sa mapagod na siyang maghanap. Tinamad na rin siyang magluto kaya kumuha na lang siya ng cup noodles at iyon na lang ang kanyang kakainin. Umupo siya sa Bar counter at Naglagay na siya ng hot water sa cup noodles at hinintay na lumambot ito. Ilang minuto lang ay kinain na niya ito at napapabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay sobrang lungkot ng buhay niya dahil mag-isa lang siya. “May trabaho nga ako pero mukha naman akong tambay sa sitwasyon ko.” wika niya at napabuntong-hininga. nagpatuloy na lang siya sa pagkain at pinipilit na aliwin ang kanyang sarili. Nagpatugtog na lang siya ng music nang sa ganun ay sumigla naman sa buong bahay.