Pagkatapos kumain ni Janine ay nagpahinga lang siya saglit sa living room at pumasok sa kanyang kwarto para maligo at makapagpahinga na. Pagod na rin ang katawan niya dahil galing sila sa biyahe at naupo lang siya maghapon. Kakatapos lang niyang maligo nang tumawag ang kanyang ate at naexcite naman siya ng makita ang pangalan ng tumatawag. “Hello ate..” “Kamusta ka na?pasensya ka na hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Busy sa shop eh! Absent kasi si Ruby dahil umuwi siya ng probinsya kanina at sa makalawa pa babalik.” Sambit naman ni Jade. “Okay lang yon ate. Kakamustahin lang din sana kita kaya ako tumawag. Andito na ulit kami sa maynila. May meeting kasi ang boss ko kaya napauwi kami agad. Nga pala ate..kamusta kayo ni sky jan sa bahay? Miss ko na kayo sobra.” Ani janine habang papaupo

