“Come with me.” Wika ni Lance at agad na tumalikod. Napapikit na lang siya at itinulak ni Hiro. “Dali na..sunod ka na agad.” Takot naman siyang napalingon kay Hiro bago siya sumunod kay Lance sa may elevator. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makarating sila sa lobby at dumiretso si lance sa kanyang sasakyan at agad din siyang sumakay. Agad na inistart ni lance ang engine at umalis sila. Hindi naman alam ni Janine kung saan sila pupunta. Tahimik lang silang dalawa sa biyahe dahil na rin sa naiilang si Janine sa mga sinabi nito. Ilang sandali pa ay huminto sila sa harap ng isang sikat na Boutique at agad na nagtanggal ng seatbelt si Lance. “Let’s go.” Wika ni lance at mabilis din siyang nagtanggal ng seatbelt at bumaba. Sumunod na lang siya sa kanyang boss hanggang sa makapasok sila at

