Love Shot Ep3

2952 Words
Agad kong pinasok ang gate at tumungo sa putukang iyon, hanggang sa makita ko na ang mga taong naka-itim na nakatalikod. Pinagbabaril ko iyon nang walang mintis, at agad namang nagsitumbahan iyon. Ang bahay ay napuno ng mga taong nakahiga na wala ng buhay. Mga katawang duguan na nakahandusay sa sahig. Si Sky naman ay natatanaw kona kasama ang ilang body guard nitong nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. Maya-maya pa' y nagsitumbahan nalang ang mga body guard nito dahil sa lakas ng pwersa ng kalaban. Pinulot ko ang high power gun na Vltor ts3 carbine rifles na nagaling sa tumbang kalaban. Agad ko silang inunahan nang putok noong makita kong malapit na sila sa kinaruruunan ni Sky. Sa tuwing matatamaan sila ng bala ko ay nagsisiyawan ang mga ito bago matumba sa sahig na wala ng buhay. Nilibot ko pa ang aking mga mata sa paligid upang siguraduhing wala nang kalaban. " Sky,? Ayos kalang?," tanong ko sa binatang namumutla sa kaba. "A-ayos lang, teka ba't nandito ka?." taka naman nitong tanong sa' kin. " saka ko nalang ipapaliwanag sa 'yo . Ngayon ay sumama ka muna sa' kin." Noong una ay ayaw nitong sumama , kinalaunan ay pumayag narin lang ito dahil sa banta sa kanyang buhay. Wala daw ang mga magulang nito sa pinas, Nasa ibang bansa daw ito dahil sa bussines trip. Iniwan namin ang mansion sakay sa kotse ko at tinungo ang lugar kong saan ako pinanganak yon ang Albay. Nandon ang aking lola at mga kapatid, Tahimik ang lugar na iyon at payak ang pamumuhay. Habang si Sky ay malalim parin ang iniisip, dahil siguro sa mga nangyayari, naguguluhan parin ito . Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ito. Alam kong tinitignan nito ako dahil nakikita ko sa reflection ng wind shield. "Baka matunaw ako n' yan.?" sambit ko sa kanya na binaling n' ya naman agad ang tingin sa harapan. "Maganda no?, nag iisa lang tong muka sa mundo." dugtong ko pa na ikinatingin n' ya sa' kin. Pero iniba nito ang usapan dahil siguro sa nahiya ito na nahuli ko itong nakatingin sa' kin. "ahm.. Di pa pala ako nakakapagpasalamat". Pagbali nito sa usapan namin. "Salamat, teka! Ba' t nandon ka sa bahay? , sa mga oras na' yon?. Anong ginagawa mo don?." sunod- sunod naman na tanong nito. Sa totoo lang ay hindi ko masagot ang mga katanungan nito. Kaya tumahimik muna ako nang saglit at nag-isip ng isasahot. " Ahm.. Sisingilin ka!, tama sisingilin dapat kita noong mga oras na 'yon. Diba ako nagbayad ng hospital bill mo?. " Pagpapanggap ko sa kanya. Wala na kasi akong ibang naiisip na palusot . "Ah, eh panu 'yan wala akong pera?, naiwan yong wallet ko at credit card sa Mansion." Sagot nito sa' kin na nakatanaw sa malayo. "Ahm, saka mo nalang ako bayaran, kapag naka-uwi na tayo sa maynila. Basta ngayon wag kana munang maraming tanong." Ngiti kong saad sa kanya. "Grabi!, ang dami na talaga akong utang sayo. Hindi ko alam kung panu ako makabayad sayo Eh. " Natatawa ito habang nagsasalita sa 'kin. Ilang beses ko na daw kasi nailigtas ang kanyang buhay. Kulang daw ang kayamanan n 'ya, upang makabayad. Pero sa totoo lang ay subrang yaman naman n 'ya talaga. "Dahil kulang ang yaman ko, pwede bang sarili ko nalang pambayad ko sa 'yo?." Mga salitang dugtong nito na nagpagulat sa 'kin. Napa-apak tuloy ako sa prino sa gulat, at kilig na agad naman nitong hawak sa dibdib nito dahil sa kaba noong biglang tumigil ang sasakyan. Loko-loko bato?, s 'ya pambayad?. Pwede 'rin. "Ano kaba!?, hihimatayin ako sayo eh. Bat ba tumigil ka bigla ?." "A-ah eh. . Na-iihi ako eh, pwede bang ihi lang ako saglit?, d 'yan lang sa unahan ng damuhan." Rason ko sa kanya. Buti nalang ay hindi n 'ya na halata na kinikilig ako sa sinabi n ' yang iyon. _______ "Lola si Sky, kaibigan ko . Sky Lola ko at dalawa kong kapatid." Agad kong pakilala sa kanila noong pagkadating namin sa probinsya. Sabi ko kay lola ay babakasyon lang kami saglit at babalik din agad kami sa maynila . Ekenwento ko rin na nanganganib ang buhay ni Sky. "Pagkagwapong bata naman nito iha. Sa tingin ko bagay na bagay kayo." Wari ni lola na nagpangiti kay Sky. Ako naman ay nahihiya na pilit iniiba ang kwento. Pero si lola ay ubod ng kulit, dinugtungan pa talaga . "Bilis bilisan mo iho, maraming manliligaw n 'yan dito sa 'min. Ikaw din baka maunahan. Maganda naman 'tong apo ko mana sa lola." dugtong ni lola na lalong ikinahiya ko. "Yaan mo po lola, pagsinagot na po ako ni Maya , bibigyan agad kita ng apo sa tuhod." ngiti nito at agad tumingin sa 'kin. "baliw!." Agad kong siko sa kanya , na agad naman umaray sa ginawa ko. Sa totoo lang ay gusto ko 'yong mga sinabi 'nyang iyon. Kaso ngalang mahirap umasa. Alam ko namang biro lang iyon. "Aray!. Natamaan ko kasi yong sugat nitong pagaling na. Na ako din naman ang may gawa. Panu na pala kapag nalaman n 'yang, ang taong pinagkakatiwalaan n 'ya ngayon, ay yong tao din palang bumaril sa kanya, at mutik n 'ya nang ikinamatay. Panu na?. _____ "Ang ganda pala dito sa inyo no?." Wari nitong nagpabalik sa 'kin sa ulirat. Nakatanaw ito sa malawak na palayan habang nakasandal sa bukas na bintanang gawa sa tabla. "Ang sarap ng simoy ng hangin at ang sarap sa mata ng mga punong kulay green na sumasayaw-sayaw pa sa ihip ng hangin." Dugtog pa nito "Ganun talaga dito, sariwa ang hangin 'di gaya sa maynila na mausok at kulay itim na ng hangin." Sagot ko kay Sky na nakatingin sa malayo. Tahimik lang kaming dalawa habang dinadama ang hangin na humahawi sa samin. Doon ko lang napagtanto na subrang gwapo nga talaga ni Sky. Ang amo ng muka. Pakiramdam ko ay s 'ya yong tipo ng lalaking minamahal. Yong bang iingatan ka sa lahat ng bagay. Kaso ngalang sa tuwing naaalala ko yong ginawa ko sa kanya ay ganun na lamang ang pagkalungkot ko. Nangangamba akong baka isang araw ay malaman nito ang aking sekreto. Baka darating sa punto na kamumuhian n 'ya ako. "Ate Maya , kuya Sky kakain na daw ng hapunan sabi ni lola." Ang kapatid kong bunso. Agad naman kaming sumunod ni Sky sa baba at naghugas na ng kamay. Nagdasal mo na kami saglit, at agad ng kumain. Napatigil nalang kami ng kain noong may marinig kaming koskos ng gitara at kanta. Noong dungawin ko sa bintana ay , tama nga ang aking hinalang si Robert ang sa baba. Nanghaharana na naman ito , kasama ang mga kabarkada nitong lasingero. Nakasuot pa ito ng polo na nakatock in, at maong na pantalon. Meron din itong Rosas at malaking teddy bear, at may pa Chocolate pa. Si Robert ay kababata ko. Mula pa noon ay nanliligaw na talaga ito sa 'kin. "Sino yan.? " tumatawa na tanong ni Sky. Natatawa ito dahil mukang mga baliw daw iyong mga nasa baba, na kumakanta na tunog lata. Natawa din naman ako sa sinabi nito, ayaw ko din naman kasi kay Robert . Bukod sa adik ay sugarol pa. Lahat na ata ng bisyo ay sa kanya na. "Aba! Tinatawan ka pre oh!." Salitang galing sa kasama nitong may hawak na gitara. Bakat sa pagmumuka nilang apat ang inis sa tawa ni Sky. " Hindi naman ho!, natutuwa lang ho! ako dahil sa inyo." Sagot naman nitong si Sky . "Sino bayang asungot nayan Maya?, at sabat ng sabat , baka gusto n 'yang matamaan sakin?" Galaiti ni Robert Alam kasi ni Sky na ayaw ko kay Robert. Ekwenento ko kasi iyon sa kanya kanina habang kumakain. Kaya siguro ngayon ay inaasar nito. Dahil sa kakilala naman namin iyon ni lola at mga kapatid ko ay pinatuloy na namin sila sa bahay. Nag usap kami sa sala ni Robert. " Grabi Maya walang kupas ang ganda mo parin. " Pambobola ni Robert sa 'kin. Nakita kong hiniram ni Sky yong gitara sa kasamahan ni Robert. Wala s 'yang ginawa kundi koskosin iyon sa tuwing magsasalita na si Robert sa 'kin. Kaya tuloy nasisira ang deskarte ng kababata kong si Robert. Na dahilan na ikainis nito. "Mukang sinasadya mo ata Tol ah!?." wari nitong may halong galit na kay Sky. "Ay sorry ho. Tenetesting ko kasi . Binagay ko lang yong tono ng string. Mukang hindi naayos eh." Ganti nito kay Robert, at agad na namang kinuskos iyon. Maya-maya pa' y napanganga nalang kami noong lumabas sa bibig ni Sky ang napakagandang boses sa kantang Perfect ni Ed sheeran. Kasabay ng pagkoskos nito ng gitara ay ganun din ang pagbigkas nito ng lyrics ng kanta. Hindi ko akalain na ganun pala ito ka galing kumanta, lalong gumwapo ito sa pagkantang ginagawa n 'ya ngayon. Napatahimik nalang ang apat at sina lola, pati ang mga kapatid ko sa Boses na mala anghel ni Sky sa pagkanta. "Wow! Kuya Sky walang sinabi yong kanta ni Kuya Robert sa boses mo." Si bunso na naman ang nagsalita habang pumapalakpak pa. Baliw talaga tong kapatid ko bakit n 'ya pa ikinumpara yong dalawa, eh kahit hindi naman sabihin eh , ang layo-layo ni Sky sa kanilang apat. Napatayo nalang ang apat sabay hablot ng gitara kay Sky ni Robert, Halatang naiinis ito. Dahil siguro sa napahiya ito ay nagdesisyon nalang silang umuwi. Bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay may binulog pa ito kay Sky, na narinig ko naman. Ang sabi nito ay hindi pa daw s 'ya tapos. Mag-iingat daw si Sky sa kanila. Noong tuloyan nangang umalis ang apat ay, ngumiti si Sky na para bang nagtagumpay ito sa plano n 'yang pang aasar sa apat. Tumawa narin ang dalawang kapatid ko at pati narin si lola. Manghang-mangha parin sila sa boses ni Sky. Ang sabi nito ay minana n 'ya raw iyon sa side ng dad nito. "Aba!, akalain mo nga namang marunong kang kumanta." Wari ko sabay tayo sa kinauupuan ko. "Ano?, ayos ba yong boses ko?." Sagot nitong nakangiti sa 'kin. "Ahm.. Pwede na 'rin . Pasado na." tumatango-tango pa ako habang sinasabi ang mga bagay na 'yan sa kanya na nakangiti. "Eh ako pasado na ba?." doon ay nagsitilian ang mga kapatid kong mga baliw dahil sa tanong na iyan ni Sky. Ako naman ay parang tangang pinipigil ang aking kilig. " Baliw, hindi!. D'yan nanga kayo matutulog na ako." Sabay talikod ko sa kanila at pinakawalan ko ang aking kilig na kanina pa gustong-gustong kumawala, sabay ngiti nama'y indak sa aking mga puso. Bakit kasi ang gwapo n 'ya eh, hindi dapat ako ganito. Isa akong assasin isa akong mamatay tao tapos ganito ako kung kiligin. Natatawa na naiiling ako habang humahakbang paakyat sa second flor ng bahay. Dumaan ang mga araw na lagi kaming magkasama ni Sky sa lahat ng bagay. Lalo akong na iinlove sa mga banat nitong nakakakilig . Kaso ngalang hindi ko alam kong yon ay totoo, baka kasi likas na talaga sa kanya na magpa-aliw at magpasaya ng babae. Baka kasi wala lang sa kanya 'yon. Baka kasi para sa kanya biro-biruan lang ang lahat . Maraming bakang katanungan sa aking isip ang nabuo. ______ "Kaya pa ba?." natatawa kong bigkas kay Sky. S 'ya kasi ang pinabitbit ko ng pinamili naming mga kailangan sa bahay . Yong tipong pati hinliliit n 'ya sa kamay ay bamimilipit sa bigat ng kanyang dala. "Kaya pa, sus ito lang.? Wala to ang gaan nga eh. Wala naba,? Kulang pa to eh. Sumampa ka kaya sa 'kin." Pagyayabang nitong sagot sa 'kin . Halata naman kasing nahihirapan na ito . Lumalabas na kasi ang mga ugat nito sa noo at tagaktak na rin ang mga pawis nito. Ayaw nito kasi akong pabibitbitin ng mga pinamili namin , kaya ayon hirap na hirap s 'ya tuloy. Sabi kasi nito babae daw ako kaya dapat hindi daw ako pinapadala ngga ganito. "Wait!. Pwede ba tayong magpahinga saglit.? " nakangisi ito na para bang inaamin nang mabigat nga at hindi nito kayang bitbitin lahat. "Oh, kala ko kulang payan, akala ko sasampa pa ako.?" "Ambigat pala!. " natatawa ito habang binababa isa-isa ang mga dala nitong dilata at kung ano-ano pang pinamili naming nakaplastick. Nilakad lang kasi namin ito gawa ng malapit lang naman sa bahay, at yong sasakyan ko 'di ko na ginamit , baka kasi may makapansin sa kotse at masundan pa kami ng mga humahabol sa 'min. Noong malapit na kami sa bahay ay sakto namang makasalubong namin ang grupo ni Robert. Halatang mga lasing na naman , pasuray-suray na kasi silang apat kong maglakad at nauutal pa. " Deyba ikaw shee Shakay." Sambit ng lasing na si Robert " Nag keyta 'rin t-tayo uli. Dyeba shabi ko 'di pah tayoo taposh?" sinisinok-sinok pa ito habang nagsasalita. "At i-ikaw, Mayalisha kababata kong ubod ng ganda. Sha na ba pinagmamalaki mo.?" sabay turo nito kay Sky . "Teka-teka, mabuti pa umuwi na kayo at matulog, lagi nalang kayong lasing." pagsasaway ko sa kanila. " H-hindi naman ako maglalasing kong hindi mo sinaktan tong puso ko eh. Ang sakit-sakit Maya." drama pa nito na kunwari ay nasasaktan talaga. "Mula naman dati pa lasingero kana eh. Ang bata-bata mo pa Robert puro sa 'kit sa ulo nalang binibigay mo sa mga magulang mo. Magbago kana habang hindi ka pa malala." Mula sa mga bibig kong pangaral. Kahit papanu kasi ay naging mabuti ding kababata sa 'kin si Robert . "Panu ka sasagutin kong lagi kang naglalasing." Mula naman kay Sky. Doon ay lalong naasar si Robert dahil sa mga sinabi ni Sky. Loko-loko din kasi tong isa eh, ayaw nalang manahimik, talagang nang-aasar pa talaga. "Alam mo ikaw .." sugod ni Robert kay Sky na hinarangan ko. Galit na galit na kasi ito kay Sky. "Sige hayaan mo Maya, " hawi nito sa 'kin na tila bang kakasa na sa laban. "Matagal-tagal naring hindi nakatikim ng suntukan to eh. Hayaan mong mabugbug s 'ya sa 'kin . " banggit nito na nagyayabang na naman. "Sigurado ka.? Oh sige , hahayaan kita." Hinayaan ko nalang dahil sa mapilit itong si Sky. Noong handa na ito makipagsuntukan ay bigla nalang sinuntok ni Robert ito ng malakas , hindi ito naka-ilag at napatumba, ayon napuruhan nawalan ng malay. Pagkagising nito ay nasabaya na. "Anong nangyari.?" Agad nitong tanong sa 'min. " Ayon, Natulog kalang naman sa suntok ni Robert. Kala kasi sinong magaling makipagsuntukan eh." wari kong hawak-hawak ang yelo sa durog na binalutan ng tila. "Nakatsamba lang yon , tsaka pinagbigyan ko lang kawawa namanlasing eh." Pagpapalusot pa nito sa 'kin. "Asus.. Ang sabihin mo hanggang sa asar kalang. Ayan tuloy nagkablack eye ka. Akin nanga yan gamutin ko." "Aray! A-aray! . Dahan-dahan naman." "Aray ka nang aray wala panga eh. Lalaban-laban ka sa suntukan eh 'di panga magaling yang sugat mo." "Oh, ayan yelo ilagay mo sa mata mo ng humilom yang maga." dugtong ko pa. S 'ya naman ay tumahimik na 'rin at tumingin lang sa 'kin. Yong tingin na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita sa kanya. Tingin na para bang nanghihipnotize. Malalagkit na tingin na para bang may ibig ipahiwatig. Hindi ako maka-iwas sa mga tingin na iyon. Hindi ko manlang magawang makawala sa mga titig naiyon, na unti-unting lumalapit ang mga muka nito sa muka ko. Napapikit nalang ako at nagpa-ubaya sa kung ano man ang nais nitong gawin sa mga oras na iyon sa 'kin. Isang malabot na mga labi ang dumampi sa mga bibig ko noon at passionable pa ito. Hindi ko alam bakit gusto ko ang mga nangyayaring iyon, samantalang wala namang namamagitan sa 'min. "teka!." pagpatigil ko sa kanya noong akma nitong hubarin ang mga damit ko. "Ahm. . Hindi pa ako Ready eh." dugtong kong may pangamba. "ah eh , ganun ba.? Sorry Maya." "Ayos lang. Pareho naman nating ginusto, kaya wag kang magsorry. Maiwan na muna kita." napaalis ako dahil sa akward na ganap na iyon sa 'min. Nakakahiya na nakakagigil. Doon nalang mo na ako sa labas nagpahinga at nagpahangin. Papalipasin ko nalang mo na tong mga nararamdaman ko sa ilalim ng buwan at mga bituin. Gusto ko sanang picturan yong buwan kaso naiwan ko pala ang Cellphone ko sa Kwarto ni Sky. Nagdadalawang isip tuloy akong kunin iyon sa hiya. Pero kailangan ko iyong kunin baka kasi paki-alaman n 'ya iyon at malaman pa nito ang iniingat-ingatan kong secreto. Ngunit aakmang papasok palang ako sa bahay nang may marinig akong tinig ng isang lalaking seryuso. Yong tipong may nalamang balita. "Ito ba hinahanap mo Number 10 ?. " Yon ang Code name ko sa agency, numbet ten ang tawag nila sa 'kin. Gulat na gulat ako noon sa mga sinabi n 'ya. Yong may takot at pangangamba. " Bukod sa isa kang mamatay tao at sinungaling , ano pa yong talent mo.? Alam ko na ang lahat-lahat. Lahat-lahat ng tungkol sa 'yo. " gigil na sambit nito sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat isasagot ko sa kanya. Totoo naman kasi lahat ng mga sinabi nito . "Ano!?. Wala kang isasagot?. Nakakatakot ka . Ang taong pinagkatiwalaan ko, ay s 'ya din pala ang taong gustong pumatay sa 'kin. Yong taong akala kong ligtas ako sa mga kamay n 'ya ay , yong tao palang bumaril din sa 'kin." Yon ang tanging mga salitang katutuhang mga naririnig ko kay Sky. Galit na galit ito at mukang sinusumpa pa ako. Ano ang aking gagawin? Anong ang mga bagay na pwede kong gawin , upang makabawi sa kanya?, gayong alam na nito ang buong katutuhanan sa 'kin. Natatakot ako, sa totoo lang ay nasanay na ako na nandyan s 'ya sa tabi ko. Ano na ang mangyayari ngayong galit na galit ito sa 'kin.? P A A N O N A ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD