Love Shot ep.2

2068 Words
" Oh, bumalik ka?." pagkasabi nito noong mapansin n'ya ako sa pintuan. "a-ah. Oo, tatanong ko lang sana kong anong flavor ng Kape gusto mo. Diba nagpapabili ka?." tanong kong nauutal pa. Nakakainis tong feeling na namumuo sa loob ng dib-dib ko. "Caramel macchiato, yon nalang salamat," sagot nitong nakangiti pa. Bakit ba kasi lagi s'yang nakangiti, nakakabadtrip yong smile n'ya nakakabago ng desisyon. "Ahm- sige mauna na'ko," umalis na'ko noon ng hindi ko manlang nagawa ang pakay ko. Hindi ko magawa na bunutin ang aking baril at ipaputok sa kanya. Hanggang sa pagtulog ay s'ya ang tangi kong iniisip. Ang mga ngiti nito ang laging pumapasok sa utak ko , kasabay din naman ng t***k nitong puso ko. Ngayon lang kasi tumibok itong puso ko nang ganito. Hindi ako sanay sa mga nangyayari sa'kin. May kaba, may inis, at may tuwa din naman akong nararamdaman, Tuwa na pag s'ya ang aking nakikita. "kamusta Maya?." galing sa kabilang linya. "Ahm.. Masyadong marming nakabantay sa kanya sa Hospital sir. Kaya hindi ko magawa ang plano. Hindi matatapos itong linggo sir ,at magagawa ko'na to." sagot ko na nagpapaliwanag sa kanya. "Siguraduhin mo Maya, ano ba ang nangyayari sa'yo?. Dati isang araw lang tapos mo na agad. Bakit ngayon nahihirapan kana?." dugtong pa nito, na may halong inis. Hindi ko na iyon sinagot pa at binaba ko na ang cellphone ko. Kinabukasan gaya ng sinabi ko kay Sky, binilhan ko s'ya ng kape at agad tumungo ng hospital. Ngunit wala na ito sa kuwarto n'ya noong dumating ako. Ang sabi ng Nurse ay lumabas nadaw ito kanina-nina lang. Doon nadaw ito magpapagaling sa kanilang bahay. Alam n'yo sa totoo lang ang baril na lagi kong dala upang pumatay sa mga misyon ko ay, hindi ko dala-dala. Hindi ko iyon nakalimutan sadyang iniwan kolang iyon dahil sabi ng puso ko ay hindi naman misyon ang aking pupuntahan. Pero ang totoo ay misyon naman talaga itong gagawin ko. Nalungkot ako ng bahagya noong hindi ko ito naabutan. iwan kung bakit ganun ang aking naramdaman na hindi naman dapat. Hindi ko naman ito kilala at higit salahat s'ya ang misyon ko. Misyon na patayin ngunit parang may kung anong pakiramdam na pumipigil sa'kin, marahil ito ay awa lamang . Maya-maya pa'y tumonog ang aking phone, galing sa hindi familiar na number. Ayaw ko na sana sagutin kaso ngalang tawag ito ng tawag. "Hello?. " "Hi, miss Maya donacio," saad nito sa kabilang linya na parang nakangiti pa. "sino to?." tanong ko. " ako to yong gwapong dinala mo sa hospital, si Sky." pagkarinig ko noon ay napangiti ako . Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking naging reaction. Para bang may tuwa na gumising sa aking puso. "oh, ba't hindi ka makasagot,? Yong kape ko?, nasaan na.?" sunod-sunod pa na tanong nito sa'kin. "Ahm, heto dala ko nga eh, saan kaba?." pag-uusisa ko naman sa kanya. "dito sa bahay, pwede bang dito mo nalang ako dalawin. Sabi kasi ni dad mas makakabuti kapag dito na ako sa bahay magpagaling eh. Lalo na't nanganganib ang buhay ko." tugon naman nito na sinang-ayonan ko agad. Na pa oo ako ng hindi ko alam. Binigay nito sa'kin ang kanyang address at agad ko namang tinungo sakay ng aking kotse. Pagkarating ko doon ay namangha ako, hindi ko akalain na ganito pala sila ka yaman. Napakalaki ng gate na may mga bantay pa. Bumukas ito noong matapos nilang silipin kung sino ang sa loob ng sasakyan ko. Pagkatapos kong iparada ang aking sasakyan ay agad namang turo sa akin ng isang Guard doon kung saan ang kinalalagyan ni Sky. Agad naman ako nagpasalamat at tinungo nanga ang kinaruruunan ni Sky. Malayo palang ay natatanaw kona ito, naka-upo ito sa wheelchair habang nakangiti . Suot nito ay puting t-shirt at kulay itim na juger pants, at aaminin ko ang gwapo n'yang tignan sa ganoong kasimpling kasuotan. Ang mga mata nito ay kulay brown na binagayan naman ng kilay nitong makapal. Ang mga killer smile nitong laging nagpapalambot sa mga puso ko. "Oh, akin na kape ko," agad nitong tugon sa'kin. " Pasensya na malamig nato kanina pato eh. Teka, saan mo pala nakuha yong number ko?" pagtatakang tanong ko. "Sa nurse, ikaw yong nag fill up don eh, tapos nakalagay yong name mo dun at number ." ngiti uli nitong tugon sa'kin. "Ah. ." napatigil ako at nabigla dahil nailabas ko pala ang aking empormasyon ng hindi ko manlang naisip, na pwede ko iyong ikapahamak. Sa trabaho ko kasi ay dapat nag-iingat kami sa pagbibigay ng empormasyon namin. Baka kasi matrace kami ng kalaban o kapulisan. "Oh, napatigil kana naman, tara sa loob pakillala kita sa Mommy ko." pagyaya nito sa'kin sa loob ng bahay nila. Agad ko namang tinulang ang Wheel chair nito papasok ng bahay nila. "Mom, si Maya- " hindi pa natatapos ang sasabihin ni Sky noong magsalita na ang Mommy nito. "Ang ganda naman ng Girlfriend ng anak ko," sambit nito sabay lapit sa'kin at nag beso pa. "Halika iha, umupo ka, kamusta naman tong anak ko?' inaalagan kaba,? Baka naman sinasaktan ka ha?, sabihin mo lang at aawayin ko talaga to, at kailan n'yo balak magpakasal, excited na'ko magka-apo, dapat Babae panganay sunod lalaki ha.?" sunod-sunod na mga tanong ng Mommy nito sa'kin. Hindi manlang kami makapagsalita ni Sky. Natutuwa ako doon dahil ang gaan-gaan ng loob ko sa mommy nito. "Mommy naman eh, kung ano-ano pinagsasabi. Alam mo kasi mommy...." hindi na naman natapos iyong sasabihin ni Sky noong mag ring ang phone ng mommy nito. Agad itong nag excuse sa'min at lumayo at sinagot ang tawag na'iyon. Nagkatinginan nalang kami ni Sky na natatawa. Medyo nahiya s'ya noon ng bahagya dahil siguro sa mga sinabi ng mommy nito. Nailang din ako ng kunti dahil hindi ko akalain na ganun na lamang ang naging asal ng mommy nito sa'kin. Sa kabilang banda ay natuwa naman ako dahil boto pala ito sa'kin para sa anak n'ya. "Ahm, pasensya kana sa mommy ko ha?. Ahm medyo baliw kasi yon ." saad nito sabay tawa naming dalawa. "Grabi kanaman sa baliw sky, pwede bang excited lang talaga s'yang magka-anak tayo at magka-apo s'ya ... A-ah.. Eh.. Magka-anak kayo ng jowa mo i mean." doon ay napautal-utal ako sa mga sinabi ko kay Sky. Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga sinabi ko. Nahiya tuloy ako bigla, Ang awkward lang kasi na ganun ang nabanggit ko. "Pwede din naman." seryuso nitong tugon sabay tingin sa mga mata ko. Mga tingin na nakakatukso. Kong ano man ang mangyari noon ay nakahanda na ang bibig kong sumalo sa mga labi nito. Ang mga matang iyon ay nagsasabing pumayag ako. Nakaramdam ako ng kilig sa mga oras na'iyon. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko . " biro lang, "sabay tawa nito ng malakas. "Baliw!." doon ay nadisapoint ako, na kinainis kodin kung bakit ganun ang pakiramdam ko. Tawa ito ng tawa sa'kin, yong tawa na parang may pinagtripan kang bata. "D 'yan kana nga, uwi na'ko." tumayo naku sa kina-uupuan ko at naglakad palabas sa bahay nila na walang lingon-lingon sa kanya. Eg bakit ba naibis ako e, ang buong Akala ko kasi hahalikan n'ya na ako. "Hayt's " . "Hoy'! Saan ka pupunta Maya. Bumalik kanga muna dito." tawag nito sa'kin na hindi ko naman pinansin. "babalik ka paba?. Dadalawin mopa ba ako?, mamimiss kita Maya!." napangiti ako noon at napatigil sa sinabi n'ya. Parang nanlaki ang mga tenga ko dahil sa sinabi n'yang mamimiss n'ya ako. Sa mga oras na'iyon ay parang naging marupok ako, sadyang nakalimutan ko na talaga ang aking misyon. "Tumigil kanga Maya, hindi ka pweding mahulog sa kanya, pigilin mo ang sarili mo. Dapat hindi matapos itong linggo ay mapapatay mo na s'ya." mga salitang binabanggit ko sa'king isipan. Sumakay na'ko noon sa kotse ko at tuloyang nilisan ang lugar na'iyon. Nagdaan ang mga araw ay pinilit kong kalimutan si Sky , dapat ang nasa isip ko ay pagpatay sa kanya at wala ng iba. Hindi na ako nagpakita sa kan'ya. Binaon ko sa isip ko na s'ya ay wala lamang para sa'kin. Dapat tapusin kona ang aking trabaho, kung ayaw kong mapahamak sa Agency ko. Huling araw na palugit sa'kin, handa na'ko sa gagawin kong pagpatay kay Sky, wala nang atrasan pa. Saktong alas otso ng gabi Dala ang aking dalawang pistol ay tinungo ko agad ang bahay nina Sky. Balak kong doon nalang tapusin ang buhay nito. Nagsuot ako ng all black na jacket at bonet na itim, Nang saganun ay hindi ako makilala. Inakyat ko ang mataas na bakod noong hindi nakatingin ang guard nito. Agad akong pumasok sa terrace at hinanap kung saan ang aking target. Naabutan ko itong nagpapahinga na nakatingin sa Swimming pool. Nakaupo lang ito na para bang nagmumuni-muni. Kinabit kona rin yong silencer sa baril na gagamitin ko. Habang nakasilip sa madilim na bahagi ng lugar na'iyon ay dahan-dahan kong tinutok ang baril ko sa kanya. Ang mga puso ko ay nagmamaka-awa na wag kong kalabitin ang gatilyo. Nagsusumamo ito napara bang mawawasak kapag tinuloy ko iyon. Maya-maya pa'y dumating ang mommy nito. Sabay sabing." mukang malalim yang iniisip mo anak ah.? si Maya ba?. " ngumiti ito at lumapit sa anak at tinapik ang likod nito. "Hayaan mo, dadalaw din yon. Mamimiss karin nun," dugtong pa nito na lalong kinagulo ng isip ko. Ngumiti naman si Sky at nagsalita. "Mom, diba naekwento ko na sa'yo na hindi ko girlfriend si Maya,? . Pero mom, hindi ko alam kung bakit namimiss ko s'ya." doon ay nangilid na ang aking mga luha sa narinig ko mula kay Sky. " Miss n'ya ako? ,at ako yong iniisip n'ya sa ganitong oras?." Salitang paulit-ulit na umiikot sa utak ko. Unti-unting bumaba ang nakatutok kong baril kay Sky. At nasabi ko sa sarili kong, Umiibig nanga ako. Sigurad ako'ng hindi basta awa lang ang aking nadarama sa gabing iyon. Ang binatang nakaupo doon ay labis ko nang minamahal. Ano ang gagawi ko?., siguradong bukas ay ako na ang tatargetin ng Agency ko . Bahala na noon ang bukas sa'kin, umuwi ako sa'king Condo, at tinignan ang larawan ng aking mga kapatid at lola. Kasabay ng mga luhang pumapatak na tumatama sa larawang iyon. Niyakap ko iyon ng mahigpit dahil hindi ko alam kung makikita kopa silang muli. Sigurado akong bukas ay ako na ang misyon ng aking Agency. Yon kasi ang patakaran ng agency, sa oras na hindi mo nagawa sa tamang oras ang misyon mo, ay ikaw na ang kanilang papatayin. Kinabukasan ay nagising nalang ako sa naramdaman ko sa aking palibot. Mga aninong bakat na umiikot sa bintana ng aking Condo. Alam ko na yon na ang mga inatasang mga tao para iligpit ako. Agad kong kinuha ang handgun ko sa ilalim ng unan at dahan-dahang tumungo sa pintuan ng kuwarto ko . Alam ko na nasa loob na sila ng condo ko. Hinayan kong pasukin nila ako sa kuwarto at magtago sa kabenit na nasa gilid ng kama ko. Maya-maya pa'y lumagapak na ang pintuan ko at hudyat na sila ay nakapasok na. Agad kong sinipa ang pintuan ng kabinet at agad kong itinutok ang dalawang Colt 45 ko sa kanila. Pinaputok ko iyon na hindi nila napaghandaan, agad naman nagsitumbahan sa sahig ang mga natamaan. Nakita kong may papasok pang apat at may hawak pang high power na baril, alam kasi ng agency na hindi ako ganun kadali patayin, kaya ganito nalang kadami ang ipinadala nila upang tapusin ako. Agad ako'ng nag dive mula sa kabinet patungo sa kabilang sulok ng kama ko noong nagpaputok sila. Agad naman akong gumati ng putok at tinamaan agad sila. Sinilip ko ang palibot at wala na akong nakita pa, walo lahat ang napatay ko ng walang kahirap-hirap. Hindi nila mapapatay ng ganun-ganun lang ang assasin na tulad ko. Pumasok sa isip ko si Sky, sigurado akong s'ya din ay sinusugod narin ng ganitong oras . Agad akong nagmadali at pinaharorot ang sasakyan na minamaneho ko. Malayo palang ako ay natatanaw ko na ang mga sasakyan sa labas ng Gate nila. Nakita koring nagsihandusay narin ang mga guard sa labas at sa loob ng gate. Isa, dalawa. Tatlo hanggang sa rumatrat na ang mga putok na naririnig ko sa loob ng bahay. Sigurado akong si Sky na ang kaengkwentro nila. Maabutan kopa kaya itong buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD