Chapter 3

1120 Words
Naunang nagising sa akin si Winona at bago siya umalis ay nagpaalam muna siya sa akin. Hindi ko na rin dinagdagan pa ang naging sagutan naming dalawa kagabi dahil alam kong kasalanan ko rin kung bakit iyon nangyari. I shouldn't have talked about it because I know it upsets Winona. She still needs time to understand our situation and I'm going to give her that. Habang inaayos ko ang sarili at mga gamit na dadalhin ko para sa infirmary ay biglang may kumatok sa pinto ng bahay namin na nagpatigil sa akin sa ginagawa. Tumingin naman ako sa orasan ko at nakitang ala-sais palang ng umaga at medyo may kadiliman pa sa labas kaya sino namang tao ang kakatok sa akin ng ganitong oras. Bago ko binuksan ang pinto ay sumilip muna ako sa maliit na butas na mayroon ang bintana namin sa gilid upang makita kung sino ang nasa labas ng pinto. Nakita ko naman na isa iyong batang lalaki na mukhang kaedaran lang din nila Winona at Amelia. Binuksan ko na ang pinto dahil mukhang may kailangan siyang tanungin sa akin at mukha naman siyang disenteng tao at malayong magbigay sa akin ng problema. Pero bago pa man siya magsalita at makapagbati sa akin ay agad ko na siyang namukhaan. Agad kong naalala na isa siya sa mga kasamahan ni Amelia mula sa riot na ginamot ko kagabi. "Oh, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito? Hinahanap mo ba si Amelia? Wala siya rito, baka nasa capitol 'yun at nagtratrabaho---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong pinutol gamit ang balitang dala-dala niya. "Amelia is in danger. Kayo lang po ang alam kong puwedeng lapitan tungkol kay Amelia. Hindi ko po alam ang gagawin--" Sambit nito sabay hagulgol kaya hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya sa akin. Kumabog ang didib ko pagtakatapos niyang sabihin iyon pero imbes na kabahan at mag panic ay pinapasok ko nalang siya sa loob ng bahay at sinubukang patahanin para maikuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. Lalong-lalo na sa sitwasyon ni Amelia. Anong nasa kapahamakan si Amelia? Anong nangyari sa kaniya? Pag ito talaga nang dahil sa riot na sinasalihan niya, nako talaga. Sinubukan kong kumuha ng maiinom na tubig para sa kaniya pero agad bumagsak ang balikat ko nang makita kong wala na kaming natitirang maiinom na tubig, Napatingin naman ako sa maliit na tubigan ko at iyon nalang ang ibinigay na maiinom niya. Kinuha naman niya iyon at nagpasalamat. Pagkatapos ng ilang minutong paghikbi ay natauhan na rin siya at tumigil sa pag-iyak. "So what happened? Where's Amelia? And what do you mean she's in danger?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Maaga po kasi kaming nagising para makarating po kami agad sa capitol. Napagusapan po naming lahat na magkikita-kita po kami sa gate pero habang naglalakad po kami papunta ro'n... hinarang po kami ng isang grupo po ng mga lalaki. Nakatakas lang po ako dahil tinulungan po ako ni Amelia pero siya naman po ang nahuli... Pasensya na po. Hindi ko po ginusto ang nangyari." Pagpapaliwanag nito sabay muling iyak. Napasandal naman ako sa sandalan ng inuupuan ko ngayon dahil sa mga sinabi sa akin ng batang 'to. Ano bang pumasok sa isip nila at nagdesisyon silang magpunta sa gate?! Alam ba nila kung gaano ka delikado ang lugar na 'yon? That place is full of savages, vigilantes, and other types of people you could never imagine since that place is near to the premises of Solaris' border, the closed city. Hindi ko rin masisisi si Amelia kung ito ang bumungad sa kaniya nang magsimulang magkagulo ang mundo. Riots have been existing since then, especially that we're living in the state next to Solaris. And what do I mean by state? It's the seventeen regions of the Philippines before, but now they're called states. Cities have been removed from the map, they're all in ruins now. And for the Solaris, it stands in the city of Manila. Ang pagsali sa mga riot ang napagkaabalahang gawin niya dahil gusto niyang sumunod sa yapak ng mga magulang niya. But I am worried for her, I am worried that she will end up dead just like her parents. I have no choice now but to go there too and find where the hell is Amelia right now. Nagpapasalamat ako kahit gaano dahil ibang mga tao ang nakadampot kay Amelia at hindi nga mga marshal dahil kung ang mga marshal ang nakadampot sa kaniya, mawawalan na ako ng pag-asang makita pa siya ulit. Wala pa akong nakikitang o nakikilala na kung sino man na nakabalik pagkatapos nilang mahuli ng mga marshals. Pero hindi ibig sabihin no'n ay natutuwa ako sa nangyari sa kaniya. Amelia is so irresponsible. She knows the consequences of what she's doing but still does it anyway. Kailangan ba na humantong pa sa ganitong sitwasyon para matigil siya sa ginagawa niya?! Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagdamaling kinuha ang gamit pero ang mga hinanda ko para sana sa infirmary ay iniwan ko lamang sa lamesa. Agad kong tinawag ang bata at sinabihan siya na ipaalam sa akin ang buong plano nila ni Amelia dahil pupunta ako sa gate upang hanapin at kunin siya pabalik. Alam kong hindi ito magiging madali pero kailangan ako ni Amelia ngayon. "How did it happen? Can you describe those men who took Amelia?" Tanong ko sa bata habang inilalagay at tinatali ko ang panyo sa mukha ko upang gawing panakip sa ilong at bibig ko. I know I should have been using mask for this but ever since the world collapse, manufacturers stop producing them, so we were left with no choice but to use cloth mask and other alternatives to protect ourselves from the severe pollution of this dead world. Napansin ko naman na walang panakip ang bata sa ilong at bibig nito kaya pinatigil ko siya sa paglalakad at binunot ko ang isa ko pang panyo sa bulsa upang ibigay sa kaniya iyon. "Just cover your nose and mouth with this, hindi mo gugustuhin manatili nang walang takip sa mukha. You won't survive that long," sambit ko sa kaniya pagkatapos kong iabot sa kaniya ang panyo. Kinuha naman niya ito agad at sinunod ang sinabi ko. Pagkatapos ay doon niya na muling itinuloy ang ikwenikuwento. "Those men... it doesn't look like they live there. Para din silang naghahanap lang ng mga kung anu-anong bagay doon. They have these big bags behind them and different weapons on their hands. Pagdating namin doon ni Amelia, nagdesisyon po kami agad na umalis na lang at huwag tumuloy dahil nakita po namin sila pero... ayon nga po, nahuli po nila kami." Pagpapaliwanag niya. God, this will be harder than I thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD