Chapter 2

1138 Words
Napabitaw ako kaagad sa hawak niya nang marinig ko at pumasok sa akin ang sinabi ni Yres. Anong alisin si Winona sa grupo? Bakit? May ginawa bang masama ang kapatid ko kaya nila balak alisin siya? "Uh, I don't understand. Bakit siya kailangang alisin? Winona is a good kid and she is definitely good at doing her job. So, why are you doing this?" I asked her confusedly. Pareho kaming napatingin kay Winona na ngayon ay tumatawa at nakikipag-usap kay Amelia. Bumalik ang tingin namin sa isa't-isa pero agad namang inalis din iyon ni Yres at yumuko. "Winona is growing up. Sa tingin lang namin hindi maganda na ito ang makakagisnan niya habang lumalaki siya. Plus, she's having her own opinions and sometimes those opinions cause troubles to us. Sana maintindihan mo kung bakit namin ito ginagawa, Imogen." Napasapo naman ako ng noo dahil sa mga sinabi ni Yres. When the world collapsed, scavenging is the first thing that Winona tried to do. She's been doing this for years and I know how much this means to her. Tumikhim ako at nanatiling nakatayo lamang doon at nag-isip ng kung anong puwedeng gawin dahil hindi ko talaga kayang sabihin kay Winona na maalis na siya sa grupo niya. Ano nalang ang gagawin niya? Sinabihan ko siya noong una na tuturuan ko nalang siya tungkol sa ginagawa ko pero siya na ang nagsabi na wala siyang interes sa panggagamot kaya hinayaan ko nalang siya na sumali sa grupo nila Yres. Pero sa tingin ko wala na siyang pagpipilian ngayon dahil hindi naman namin puwedeg pilitin sila na huwag siyang alisin. Ang tanging magagawa ko nalang ay pakiusapan si Yres na huwag muna sabihin kay Winona ang desisyon nila at bigyan pa siya ng ilan pang buwan. "Can't you just give her a few months? Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya ng mangyayari. Kailangan ko lang maghanap ng tamang oras para sabihin sa kaniya tungkol dito. I'll just try to talk her into getting in working with me here at the infirmary. Just this one, Yres. Please," I asked her. Tinignan naman niya ako sa mga mata at sabay napakagat ng ibabang labi. Mukhang pinagiisipan niyang mabuti ang sinabi ko. I just hope that she will consider it. "Okay, I guess that's just fair. Ikaw nalang ang bahala sa kaniya." Niyakap ko siya at agad na nagpasalamat. Pagkatapos no'n ay pinilit ko nang tapusin ang pagagamot sa mga kaibigan ni Amelia upang makapag sarado na rin ako ng infirmary. Hindi kami puwedeng maabutan dito ng lagpas sa alas nuwebe dahil mga ganoong oras ay nagsisimula nang mag ikot-ikot ang mga roamer at kasabay no'n ay ang panghuhuli ng mga marshals sa kanila. It's a total mess when you stay beyond that time here outside. Pagkatapos ng medyo mahaba-habang minuto ay natapos na rin ang ginagawa kong panggagamot. Agad ko na silang pinauwi kasama si Amelia upang magpahinga habang ang grupo naman ni Winona ay nauna na rin magsiuwian upang kinakabukasan ay mahanap na nila ng puwedeng ipamalit sa mga nakuha nila. Pagkatapos kong masiguro na sirado na ang buong infirmary ay agad na akong lumapit kay Winona at inakbayan siya. "Tara na, uwi na tayo." Nagsimula na kaming maglakad nang tahimik. Pagkalapit ko sa kaniya ay agad ko siyang inabutan ng panyo upang maipangtakip niya sa ilong at bibig niya. Inilabas ko rin agad ang payo ko at ganoon din ang ginawa. Itinali namin iyon sa likod ng ulo namin habang parehong naglalakad nang may kabilisan. Madilim na rin ang buong paligid at ang tanging nagbibigay liwanag lang sa dinadaanan namin ngayon ay ang ilaw ng buwan mula sa kalangitan. Kinailangan din namin dumaan sa mga lugar na kulob, kung saan hindi kami agad makikita kung may nagpapatrol man sa lugar na 'yon. Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap ng ganoong lugar dahil halos ng mga gamit dito ay nag kumpol-kumpol na sa kalsada at naging bundok na. After all, this was a city before. "Winona, what do you think of working with me at the infirmary?" Pagbubukas ko ng usapan. Tinignan naman niya ako nang may kunot sa noo at agad na umiling na para bang hindi siya makapaniwala na tinanong ko siya ng bagay na iyon. "I already told you, ate. I don't want to work in that place. Ayokong manggamot atsaka isa pa, masaya naman ako sa ginagawa ko." Pagtatangol niya sa desisyon. "Kahit kaunti ayaw mo talagang magtrabaho kasama ako?" "Nope, not at all." Hindi ko na siya pinilit pa tungkol sa usapan na iyon at hinayaan nalang muna ang mga bagay-bagay. May ilang buwan pa naman ako para ihanda siya sa naging desisyon nila ni Yres at kasabay no'n ay ang pagsubok kong kausapin at papayagin siya na magtrabaho na lang sa infirmary kasama ko. What I'm doing is not bad at all, it's the closest thing that I can do to being in the medical field. It's just unfortunate that I wasn't even able to finish my pre-med course. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa bahay namin. Pagkapasok sa loob ay agad akong nagsindi ng kandila sa sala habang si Winona naman ang naghanda ng mga plato at kakainin namin sa gabing ito. Kahit isang taon na rina ang lumipas ay hindi pa rin ako sanay na ito na talaga nag buhay namin. Ito na ang nangyayari sa mundo. Before this all happened, I used to come home from school and asked mom what's for dinner and when I don't like it, I just run immediately to my room, but I guess that's not happening anymore because the only left to us is this house. Just how fast the night changes. Habang kumakain kaming dalawa ni Winona sa lamesa, hindi ko napigilan ang sarili ko na tanungin siya tungkol sa isang bagay na alam kong hindi niya gustong pag-usapan. "Sometimes, do you ever wonder what they're doing inside that place?" Napatigil naman sa pagnguya si Winona at dahan-dahan ibinababa ang hawak niyang kutsara at tinidor. Uminom siya ng tubig at pinusan ang bibig niya sabay iling sa akin. Hindi na siya nagsalita no'n at nagsimula nalang maglipit ng kinainan niya. "Winona, you can't be mad at them forever." "Yes, I can!" Sigaw nito sa akin sabay tumayo nang mabilis habang hawak-hawak ang pinagkainan niya at diretso sa kusina. Napasabunot ako ng buhok at tila nawalan na rin ng ganang tapusin ang kinakain dahil sa naging sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ba niya kinukuha ang galit na mayroon siya para sa mga magulang namin. Alam naman niya ang rason kung bakit nila nagawa 'yon, kung bakit nila nagawang iwan kami ni Winona sa lugar na 'to. They had no choice but to leave us because if they didn't, our whole family would be dead by now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD