CHAPTER II
Phoebe's POV
Monday came and I was like a walking ghost in the corridor. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko habang naglalakad papunta sa gym.
Paano ba namang hindi. Biyernes lang binigay sa ‘kin ‘yong kailangan kong gawing parte ko sa group project, tapos ay kailangan nang ipasa agad ngayong Lunes.
Noong Sabado ay kinailangan naming mag-ensayo dahil palapit na nang palapit ang kompetisyon na sinalihan namin. Kaya kahapon ko lamang ginawa ang parte ko sa group porject.
Madaling araw na akong natapos dahil kulelat talaga ako pagdating sa Math.
Alas sais pa lang ng umaga. Napag-usapan namin na magkita-kita sa gym ng alas siyete. Pero bilang co-captain ng Starlight ay kailangan kong agahan.
Pagdating ko sa gym ay wala pa ang mga kamiyembro ko. Ako ang kauna-unahang dumating.
Pero bukod sa akin ay may ibang tao sa loob ng gym. May mga nag-eensayong mag-basketball. Isinawalang bahala ko na lamang ito at humihikab na naglakad papunta sa bleachers.
Sa pinakadulong parte ako ng bleachers umupo kung saan pwede akong sumandal sa pader. Sinandal ko ang aking ulo sa pader at pumikit.
Antok na antok pa talaga ako. Bukod kasi sa madaling araw na akong natulog ay kinailangan ko pang gumising ng maaga para mag-ayos at pumunta rito sa gym. Wala pa atang limang oras ang naging tulog ko.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Dinilat ko ng kaunti ang aking mga mata para silipin kung sino ito. Nakita ko si Liam na may kinukuha sa bag niya.
Nag-inat ako at tuluyan ko nang idinilat ang mga mata ko.
“Good morning!” bati ko sa kaniya. Nginitian ko siya.
“Good morning!” ngiting-ngiti niyang bati sa ‘kin. “Gising ka na pala, Phoebe.”
“Yeah. Why are you early?” pang-uusisa ko.
Kinuha ko ang salamin ko sa aking bag. Tiningnan ko kung may muta ako mula sa pagtulog.
“Here.” Inabot niya sa ‘kin ang isang tinapay na may palamang itlog at keso.
“I’ve heard that you come to school without eating breakfast. So I bought you something you can eat. For you to have energy during the practice.” He gave me a shy smile.
Liam was really thoughtful throughout the time that he told me he liked me. Hindi ko siya nakikitang may kasamang ibang babae. Kaya hindi ko rin alam kung anong mali sa akin at bakit hindi ako nahuhulog sa kaniya.
“Thanks for this, but you don’t have to do it. Sanay naman na akong hindi kumakain sa umaga,” sabi ko bago kumagat sa dala-dala niyang tinapay.
Kahit kasi may umagahan palagi sa bahay ay tinatamad akong kumain. Wala kasi akong kasabay kapag kumakain ako. Tanging mga kasambahay lang ang naroon sa mesa.
“Uhm…Masarap, Liam. Where did you buy it?”
Napakamot siya sa ulo. “Niluto ko lang ‘yan. Ayoko kasing ibili ka kasi alam kong kaya mo rin namang bumili para sa sarili mo. Kaya pinagluto na lang kita… para mas thoughtful,” nahihiya nitong sabi.
Sasagot na sana ako nang biglang tapikin ni Piper ang braso ko.
“Uyy, kayo ha. Ano ‘yan at bakit ang aga-aga naghaharutan kayo sa gym,” pang-aasar nito.
Inirapan ko na lamang si Piper at pinagpatuloy ang pagkain ko. Habang si Liam naman ay namumula dahil sa pang-aasar ni Piper.
“Akala ko ba ay puyat ka. Bakit ang aga mo?” tanong nito habang nakikikagat sa tinapay na kinakain ko.
Inilapit ko ang tinapay sa kaniya para hindi siya mahirapang kumagat rito.
“I can’t bear to come late.”
Tumawa siya. “You can’t bear to come late, pero lagpas isang oras kang late sa group meeting ninyo noong Biyernes.”
Inirapan ko siya. Ang dami-dami niya namang pwedeng ipaalala bakit ‘yon pa.
Uminom siya sa juice na binigay sa ‘kin ni Liam. “By the way. Have you seen the Spartans play basketball?”
Umiling ako. Inilagay ko sa isang plastik ang basura ng tinapay at juice na dala ni Liam.
“Oh my God, Phoebe. Ang laking kawalan kung hindi mo pa sila nakikitang maglaro. Sila kaya ang pinakamagaling na basketball team sa lahat ng unibersidad,” proud na proud nitong sabi.
Nagkibit balikat ako. “I rarely watch basketball match.”
“Then let’s watch them play for a while.” Tinuro niya ang basketball team na nag-eensanyo sa loob ng gym.
“That’s Drew, he’s the vice-captain of the team.” Turo niya sa isang lalaking nagpupunas ng pawis. “You know him right?”
Tumango ako. “He’s a family friend,” simpleng sabi ko.
Kung sino-sino pa ang tinuro niya at ipinakilala sa ‘kin. Sa dami ng binanggit niyang pangalan ay wala akong natandaan kundi si Drew lang dahil matagal ko na siyang nakikita.
Sometimes I saw him in our family’s social circle gatherings and sometimes here at school.
Maya-maya pa ay tinuro niya ang lalaking pinakakinaiinisan ko ngayon sa buong mundo. Tinuro lang naman niya ang lalaking nanlait sa akin at nagbigay ng mahirap na gawain noong isang araw.
“That’s Stephen. He’s their captain and always the most valuable player. He’s the best player in their team, and he’s also the smartest.”
Sa halip na humanga ako dahil sa mga sinabi ni Piper ay lalo lamang akong nainis. Dahil kahit gaano pa siya kagaling at katalino hindi mo maitatanggi na mabaho ang kaniyang ugali. Mas mabaho pa sa pawis ko.
Inangat ni Stephen ang tingin niya at nagtama ang mga mata namin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan. Huh, akala mo ikaw lang may masamang ugali, puwes ako rin ‘no.
Hindi ko na muling binigyan pansin ang mga naglalaro sa gym. Baka mamaya ay sa halip na ipagdasal kong manalo sila para sa pangalan ng unibersidad namin, ay ipagdasal kong mapahiya ang captain nila.
Maya-maya pa ay nagsimula nang magsidatingan ang mga kagrupo namin. Saktong alas siyete ay kumpleto na kami. May mga klase pa kasi kami ng alas nuwebe kaya siniguro namin na hindi kami mahuhuli sa pagsisimula.
Naramdaman ko ang pasimpleng hawak ni Liam sa bewang ko tuwing baba ako mula sa formation namin kung saan nasa itaas ako. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil kailangan ko rin naman ng suporta mula sa kaniya.
Pagkaalalay sa ‘kin ni Liam ay nahagip ng mata ko ang mga naglalarong basketball player. Nagtama ang mga tingin namin ni Stephen, pero agad din siyang umiwas ng tingin.
Nagkibit balikat na lamang ako. Siguro ay guni-guni ko lamang ang pagtatama ng aming mga mata.
Sa buong pag-eensayo namin ay ilang beses nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung sadya niya ba ang mga ‘yon o nagkataon lamang.
Ano bang problema niya? Masiyado ba siyang excited na hingin sa ‘kin ang pinapagawa niya. Napairap ako sa ere. Kung gusto niya ay isaksak pa niya sa lalamunan niya ang parte ko.
Nang labing limang minuto na lamang bago mag-alas nuwebe ay tumigil na kami sa pag-eensanyo. Pinauna na naming umuwi ang mga kagrupo namin. Naiwan kami nina Piper at Angelina sa loob ng gym. At maging si Liam ay nagpaiwan din.
Nang maubos na ang mga miyembro ng Stralight ay nilingon ko ang kinaroroonan ng mga basketball player. Isa-isa na rin silang nag-aalisan. Siguro ay may mga klase rin sila pagtapos nito.
Nagkatinginan kami ni Stephen. Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin kina Angelina at Piper. Tumigil na siya sa pagmamasid sa amin at naglakad na siya palabas ng gym.
“Una na ako, ha,” paalam ko kina Piper at Angelina na nag-aayos ng kanilang gamit.
Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila. Nagmamadali akong tumakbo pasunod kay Stephen.
Ibibigay ko na sa kaniya ang gawa ko para wala na siyang masabi pa. I printed it already this morning. Kinuha ko ang kopya nito sa aking bag.
“Sandali!” sigaw ko para matawag ang atensyon niya.
Hingal na hingal akong lumapit sa kaniya. Ang hahaba kasi ng kaniyang mga binti. Hirap tuloy akong humabol sa kaniya.
Inabot ko sa kaniya ang gawa ko. “Here is it. You can check it if you like.”
Tiningnan niya lamang ako at kinuha ang mga papel mula sa kamay ko. Binuklat niya ito.
Ang bilis ng t***k ng puso ko habang hinihintay ko ang kaniyang reaksyon.
Bawat lipat niya ng pahina ay pakunot nang pakunot ang kaniyang noo.
“You’ve made a lot of error.” Inabot niya sa ‘kin ang gawa ko.
Kumunot ang noo ko. “But I made sure that those calculations are right,” bulong ko.
Pinagpuyatan ko iyan tapos sasabihin niya na mali. Samantalang gumamit ako ng ilang calculator at maging excel para lamang masigurong tama ang mga numerong nilagay ko.
“How about you made sure that those are right in a way that the guy made sure you won’t fall on the floor,” matigas nitong sabi.
Matapos noon ay tinalikuran niya ako. Habang ako ay nakasunod lamang ang tingin sa kaniya at punong-puno ng pagtataka. Teka, ano daw? Ano bang pinagsasabi ng lalaking ‘yon?