Chapter I

1621 Words
CHAPTER I Phoebe's POV “Whooh!” nagsigawan kami nang sa wakas, matapos ang ilang linggong pag-eensayo at tatlong oras na walang tigil sa pagpe-perfect ng aming routine ay hindi na kami nagkamali. “Let’s try it one more time, before we go home,” aya ko sa kanila. Isa ako sa mga co-captain ng cheerleading team ng unibersidad. Our team was called 'Starlight' because our team was like a star shining among others. “I’m tired,” sabi ni Erica bago pabagsak na humiga sa sahig ng gym. Isa siya sa mga members ng Starlight. Tumayo si Piper. "Come on, guys. One last time and we can all go home peacefully," aniya. Kinindatan niya ako. Nginitian ko siya. Piper was my close friend. And just like me, she was also one of the team's co-captain. "Stand up, or else we'll perform the routine twice," pananakot ni Angelina. Nagmamadali namang tumayo ang mga kagrupo namin at nagpuntahan na sa kani-kanilang pwesto. Takot lang nilang totohanin ni Angelina ang banta niya. Actually, there were three co-captains in our cheerleading team: me, Piper, and Angelina. Our team has no captain but rather three co-captain. We have the same roles in our group. The three of us were in charge of creating formation, choreography, and pep rally. Nagsimula na ulit kaming mag-ensayo. Nang wala nang nagkamali sa routine namin ay pinakawalan na namin ang mga kagrupo namin isa-isa pagkatapos mag-stretching. As co-captain, the three of us were responsible for being the first to arrive and the last to leave. Kaya naman nanatili kaming tatlo sa gym. Humikab ako. “I want to go home,” wala sa sariling sabi ko habang nag-iinat. “I’m tired.” “Hatid na kita, Phoebe,” singit ni Liam. Liam was my suitor for the longest time since I came to this school. Nang mag-transfer kasi ako rito noong isang taon ay siya ang una kong nakilala sa cheerleading team. Wala kasing gustong makipag-usap sa akin noon. They've said that I look intimidating, especially when I performed my stunts for the first time. Praktisadong-praktisado at kalkulado kasi ang bawat galaw ko. Beacuse I was a captain in my former school’s cheerleading team. Kaya nga rin kahit transferee ako ay nabigyan ako ng pagkakataon para maging co-captain. Noong sumali ako sa Starlight ay co-captain na sina Angelina at Piper. They've just added me as a co-captain because they've said that I'm a co-captain material. Ngiting-ngiti kong nilingon si Liam. “Talaga ba? Hahatid mo  ‘ko sa ‘min?” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Oo, sana. Kung ayos lang sa ‘yo.” Natawa ako sa naging reaksyon niya. He was a shy suitor ever since, he was always nervous to initiate things with me.   Pinalo ako ni Piper sa braso. Nagtataka ko siyang nilingon. “Huwag mo ngang paasahin ‘yang si Liam. Isang taon na siyang nagpapapansin sa ‘yo pero wala namang nangyayari,” biro niya. Hinarap niya si Liam. “Nako, Liam. Kung gusto mo talagang manatili sa Starlight, huwag ka nang umasa kay Phoebe na kasing tigas ng bato ang puso. Baka mamaya ay magaya ka sa mga manliligaw niyang umuuwi nang luhaan.” Sinimangutan ko si Piper. “Hoy, hindi naman… slight lang.” Nagtawanan kaming dalawa. Natigil lamang kami nang tumikhim si Angelina sa may gilid namin. “I thought you have a group meeting at five PM,” singit niya. Tinignan niya ang kaniyang relo. “It’s six PM already.” Napabangon ako. Muntik pa akong mabuwal dahil sa biglaan kong pagtayo. Tiningnan ko ang orasan ko. Hala, ala sais na nga ng hapon. Baka mamaya ay tapos nang mag-usap ang mga kagrupo ko.  Natataranta kong ipinasok ang mga gamit ko sa aking bag. Lumapit sa ‘kin si Liam. “Tulungan na kita, Phoebe,” aniya. "The students in the star section are way more different than the section where you came from, Phoebe. I'm sure that Stephen would not let you go away for being late," dagdag pa nito. Sinimangutan ko siya. Hindi naman siya nakatutulong, eh. Sa halip na tulungan niya ako ay lalo lamang akong natataranta sa mga sinasabi niya. Paano ba naman ay hindi naman ako sa star section dati. Masaya naman na ako sa mga kaklase ko dati, kung bakit ba kasi ang laki ng tinaas ng grado ko. Kasi naman bakit ba kailangan pang mataas ang mga grado mo bago ka payagang makasali sa mga grupo. Sa unibersidad kasi namin ay makasasali ka lamang sa mga volleyball team, basketball team, cheerleading team, dance group, at iba pa kapag above average ang general weighted average mo. Sa oras na bumaba ang grado mo ay tatanggalin ka nila. Hayun, nalipat tuloy ako sa star section kahit na nangongopya lang naman ako sa ibang subject. Pero hindi naman puro pangongopya lang ang alam ko. Nag-aaral lang talaga akong mabuti para hindi ako matanggal sa Starlight. Tumayo ako at nagmamadaling sinukbit ang bag ko sa aking balikat. “Una na ‘ko,” paalam ko sa kanila. Tinanguan lamang ako ni Angelina habang si Piper naman ay binigyan ako ng mapang-asar na ngiti. “Samahan na kita, Phoebe,” aya ni Liam. Umiling ako. “Hindi na Liam, at baka gabihin pa ako. Salamat na lang,” sabi ko bago nagmamadaling tumakbo papunta sa library. Sa library kasi namin napagdesisyunan na magkita-kita. Tahimik kasi roon, at marami ring libro doon na makatutulong sa gagawin namin. Madulas-dulas pa ako sa hagdan para lamang makarating agad sa library. Pagpasok ko sa library ay inikot ko ang aking paningin sa kabuuan nito. Nakagat ko ang labi ko nang makita ko ang apat na pamilyar na mga mukha sa loob. Tinahak ko ang daan papunta sa kanila habang nakayuko. Dahan-dahan akong umupo sa isang upuan. Nagbabakasakali na hindi nila ako mapapansin. “You’re late,” sabi noong isang lalaking nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay. “Nag-restroom lang ako,” palusot ko. Lalong kumunot ang kaniyang noo. “For more than an hour?” Hindi ako nakasagot. Yumuko na lang ako. Ito na ba ang sinasabi ni Angelina na hindi ako makatatakas sa pagiging late. Teka, sino ba rito si Stephen? Bagong lipat lang kasi ako ng section. Hindi ko tuloy alam ang mga pangalan nila. “You’re stinky,” diretso niyang sabi sa ‘kin. “Ako?” Tinuro ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tiningnan ko ang aking sarili. Naka-suot ako ngayon ng gym clothes. Loose crop top shirt and yoga pants. Pasimple kong inamoy ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho. Kahit naman hindi ako nagpalit ng damit bago magpunta rito ay hindi naman ako amoy pawis. At isa pa, paano niya naman nasabing mabaho ako, e, nasa magkabilang dulo kami ng mesa. Napairap ako. “Mas malapit ang bibig sa ilong,” bulong ko. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay nagbabaga ang tingin niya sa ‘kin. Natutop ko ang aking bibig. Narinig niya ata ang sinabi ko kahit bulong lamang ito. Hindi niya naman nasabi na matalas pala ang kaniyang pandinig. Sana ay mas hininaan ko pa ang aking boses. "You're sweating, and you came in an air-conditioned room," seryoso nitong sabi. Tinawanan ko siya. “Okay lang ako. Hindi mo kailangang mag-alala,” biro ko. Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "You didn't even think of the people that can smell you inside the library." Tiningnan ko ng masama ang isang kagrupo namin. Kitang-kita ko ang naging paggalaw ng balikat niya dahil sa pagtawa. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Did he really wants to say that I’m stinky? Excuse me. Baka kapag nagkaamuyan kami ngayon ay mas mabango pa ako sa kaniya kahit na hindi siya pinagpapawisan. “Sorry, ha. Hindi na kasi ako nakapagpalit dahil sa kamamadali kong pumunta rito,” sarkastiko kong sabi. "Nagmamadali? More than an hour late? You shouldn't have bothered yourself to rush then." Tiningnan ko siya ng masama. Hindi na ba talaga siya mauubusan ng sasabihin at isasagot. Tumayo siya. “Anyway we’re done.” Nagtayuan na rin ang mga kasama namin sa mesa. Inabot niya ang isang maliit na papel sa ‘kin. “Pick what part you want to do. I need that by Monday.” "But it is due not until next week," angal ko. "I need to make sure that there are no errors on your part. So you should finish it by Monday." Nakasimangot kong tiningnan ang papel na inabot niya. Isang gawain na lamang ang wala pang naka-assign at mahirap pang gawin ‘yon. "But I'm not good at math," angal ko. Paano ba naman ay puro computations ang na-assign sa akin. Mahina pa naman ako sa pagkokompyut. "You should have come early, so you can choose the part that you want." Napanguso ako. Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa maliit na papel na inabot niya sa ‘kin. “Sana pala hindi mo na sinabing mamili ako,” inis kong bulong. Pag-angat ko nang tingin ko ay nagtama ang mga mata namin. Nakatingin siya sa ‘kin ng masama. Siguro ay narinig niya na naman ang pagbulong na ginawa ko. Sa halip na matakot sa kaniya ay inirapan ko lamang siya. Tumayo ako at taas noong umalis sa library. Nauna pa akong umalis sa doon kaysa sa mga kagrupo ko dahil sa inis. Dahil sa group project na ito ay dalawang batas na kaagad ang nilabag ko. Na ako dapat ang unang dadating at ang huling aalis. Oh well, hindi naman sila kasali sa Starlight, kaya bakit ako matatakot. Pagkatapos nila akong bigyan ng mahirap na gawain, sa tingin ba nila magbabait-baitan ako sa kanila. Asa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD