bc

Dalawang Mukha ng Pag-ibig

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
arrogant
boss
single mother
heir/heiress
drama
serious
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Sa kabila ng mga ilaw ng Maynila, sa gitna ng marangyang gabi at lihim na sugat, dalawang magkaibang mundo ang biglang nagtagpo. Isang makapangyarihan, mayamang negosyante na sanay sa kasinungalingan ng kasiyahan — at isang ina na nag-iisang nagtataguyod sa kanyang anak, payak ngunit matatag.

Sa pagitan nila, may apoy na hindi kayang itago. Ngunit sa paligid nila, may mga matang nagmamasid, may mga pusong naiinggit, at may mga aninong handang sumira ng anumang binubuong pagmamahalan.

Ito ang kuwento ng dalawang mukha ng pag-ibig — ang marikit na anyo ng pag-asa at ang mapanganib na anyo ng pagkawasak.

Sebastian Cruz.

Para sa lipunan, isa siyang alamat. Ang binatang tagapagmana ng isang bilyong pisong korporasyon. Laging laman ng mga magasin, larawan ng karangyaan, epitome ng modernong prinsipe ng Maynila. Guwapo, matalino, walang bahid ng pagkatalo. Ang bawat gala, bawat fundraiser, bawat negosyong pinapasok niya — parang larong kaydaling mapanalunan.

Ngunit sa likod ng mga ilaw at palakpakan, may isang lalaking walang tinig sa dilim ng gabi. Isang lalaking uuwi sa penthouse na tahimik at malamig. Isang lalaking hindi matakasan ang kawalan kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanyang bisig.

Ang mundong pinaniniwalaan ng marami na hindi ang mundong ginagalawan niya. May kulang. May puwang. May sugat na hindi kayang takpan ng kayamanan.

At iyon ang hindi alam ng Maynila — na ang tinaguriang "playboy king" ay isang batang sugatan pa rin, naghahanap ng sagot sa pagitan ng mga bote ng alak at ng ngiti ng mga babaeng hindi niya kilala.

Samantala, sa kabilang dulo ng lungson, sa masikip na eskinita ng Quezon City, may isang babaeng humaharap sa mundong tila walang pakialama sa kanya.

Si Andrea Ramirez.

Isang waitress sa isang maliit na cafe. Isang ina. Isang babae na piniling lumaban kaysa sumuko. Siya ang ina ni Sofia — isang batang puno ng pangarap, puno ng tanong, at puno ng pag-asa.

Araw-araw, bitbit ni Andrea ang hirap at pagod, pero hindi kailanman nawala sa kanya ang tapang. Walang yaman, walang koneksyon, walang impluwensya — tanging pagmamahal lamang ang sandata niya.

At kung may kulang man sa buhay niya, hindi niya ito ipinapakita. Para kay Sofia, sapat na siya. Para sa sarili niya, sapat na ang mabuhay ng marangal.

Ngunit ang tadhana, may ibang plano.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Part 1
Sa gitna ng kumikislap na ilaw ng Bonifacio Global City, naglalakad si Sebastian "Basti" Cruz na parang siya ang tunay na may-ari ng gabi. Sa bawat hakbang, sumasabay ang tunog ng jazz band na bumabalot sa engrandeng ballroom. Kristal na chandelier, imported na alakm, designer gowns at tuxedo─lahat kumikinang. Pero higit sa lahat ang pinakamalakas na kislap ay mula sa kanya. Matangkad, gwapo, kayumanggi ang balat na halatang inalagaan sa gym at mga mamahaling resort. Ang kanyang tuxedo─custom-made mula Milan─ay halos nakayakap sa hubog ng kanyang katawan. Hindi kailangan ng anunsyo; sapat na ang presensya niya para mapalingon lahat. "Sebastian! Sebastian, dito ka!" sigaw ng photographer, halos mabali ang leeg sa pagkuha ng magandang anggulo. Ngumiti si Basti, iyong tipong ngiting mayabang na nakasanayan na niyang ipakita─ngiting parang nagsasabing "oo, ako ito, at alam kong gusto mo ako." Sa magkabilang braso niya, nakapulupot ang dalawang modelong parang ipininta mula sa fashion magazine. "Champagne?" alok ng isa, nilapit ang baso sa kanyang labi. Ngumisi si Basti, bahagyang yumuko at tinikman ang alak. "Ahh... perfect. Pero hindi kasing tamis ng kasama ko ngayon gabi." Halakhakan. Halos magpatayan sa kilig ang dalawang babae sa tabi niya. "Hay naku, tingnan mo 'yan," bulong ng isang matronang naka-diamond choker. "Kung ilang babae na ang dumaan sa braso ni Sebastian. Wala pang tumagal." "Pero aminin mo, kahit playboy, siya pa rin ang pinakamayamang bachelor sa buong Makati," sagot ng isa, pilit na pinipigil ang inggit. "Billionaire, gwapo, at single... kaya kahit sino, handang ipusta ang sarili. Kahit alam nilang lalaruin lang sila." Samntala, patuloy na umiikot si Basti sa party na parang hari. Isang kumpas lang ng kamay, may lalapit na waiter. Isang ngiti lang, may babaeong kusang lumalapit. Lahat ng gustong makasama siya. Lahat gustong mahulog sa kanyang bitag. Ngunit sa likod ng kanyang malamlam na mata, may bahagyang bakas ng pagkabagot. Sa dami ng babae, sa dami ng yaman, sa dami ng halakhak na pumapaligid sa kanya─may kulang. At siya lang ang nakakaalam niyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
49.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.6K
bc

The Forgotten Wife

read
43.8K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.3K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook