Pagkatapos sumagot si aling Marietta sa dating amo na ama ni Eliana ay nagbaba na agad ito ng tingin. Halatang nahihiya ito sa lalaking amo dati. Hindi naman maipaliwanag ang tuwa ni Eliana na sa araw na iyon ay nakikita at nakakasama na niya sa unang pagkakataon ang kanyang tunay na ama. Matagal silang nag-usap pagkatapos nilang lahat magkasabay sa lunch. Nagdesisyon agad ang ama ni Eliana na bilhan ng lupa malapit sa barangay nila ang kanyang ina at bibigyan ng malaking halaga ang kanyang ina para makapagpagawa ng bahay at makapag negosyo din ito. Pero nang marinig nilang may house and lot for sale sa lungsod nila ay iyon nalang ang binayaran ng kanyang ama para may magandang tirahan ang ina ni Eliana at mga kapatid. Sinamahan na muna ni Eliana umuwi sa bundok ang ina upang magku

