Donyang-donya ang dating nito at makikita talaga sa mukha ang pagka istrikta nito. "Magandang tanghali po, Ma'am." pagbibigay galang naman agad ni Eliana sa señorang asawa ng kanyang ama. "H'wag kang mag Ma'am sa kanya, hiija. Anak kita baka nakalimutan mo? Pweding tawagin mo nalang siyang tita. Isa kang Señorita at hindi pweding Ma'am ang itawag mo sa asawa ko." wika ni Señor Welhim Ellison na nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi naman nakasagot si Eliana sa sinabi ng kanyang ama. Napansin niyang tiningnan naman siya ng asawa ng kanyang ama mula ulo hanggang paa. "Pero hindi talaga maikakailang anak ka lang ng katulong na naglandi sa asawa ko noon, diba?" mataas ang kilay na wika ni Señora Rebecca sa kanya. Sobrang nahiya naman si Eliana sa narinig mula sa asawa ng ama. "H'w

