Halos hindi makahinga si Eliana sa sikip ng kanyang dibdib. Madali naman siyang nagpunta kay aling Norma upang sabihin rito ang nangyaring pag-uusap nila ni Sir Bastian. Nang makita naman nitong umiiyak siya ay mabilis naman siya niyong hinila papuntang staff quarters at pumasok sila sa kanilang kuwarto upang doon mag-usap. "Eliana, bakit? anong nangyayari sa'yo? anong problema mo bakit ka umiiyak ha?" tanong naman nito sa kanya na puno ng pag-alala ang mukha. Mas lalo pa siyang umiyak sa mga tanong ni Tiyang Norma sa kanya. "Jusko, bakit ba, ha?" mas lalo pang nag-alalang tanong nito sa kanya nang makitang mas lalo pa siyang umiyak. "Tiyang, wala nang kasal na mangyayari." hagulhol na iyak niyang sumbong rito. "Ano!? pero bakit?" gulat nitong tanong sa kanya. "Yan ang sabi sa akin

