"Nang magtext ako sa'yo ay nasa barko kana pala, anak?" tanong ng kanyang ina sa kanya. "Opo, nay." matamlay niyang tugon rito na halatang pagod na pagod, hindi lang katawan pati na ang kanyang buong isipan. Napagod siya sa pag-iisip sa nangyari sa kanyang buhay. "Mukhang kailangan mo munang magpahinga, halika na, pumasok na tayo, anak." hila sa kanya ng kanyang ina. "Opo, nay, pagod na pagod talaga ako. Silipin ko muna saglit si tatay Tonio, nay, bago magpahinga." Aniya sa ina. Iyak lang ang tanging tugon sa kanya ng kanyang ina. Nang makapasok siya ay isa-isa namang sumalubong ang mga lalaking kapatid ni Eliana. "Ate! ang laki ng pinagbago niyo! ang ganda na po ninyo!" natuwang wika nina Tonton at Yonyon. Ang kanyang mga kapatid sa ina. "Tonton, yonyon! Miss na miss ko na ka

