"H'wag po, sir, maawa po kayo sa akin. Sorry po talaga, di na mauulit." halos maiiyak na wika ni Eliana.
Inis na nagmamadali namang kinuha ni Sir Bastian ang kanyang tuwalya at itinapi nito sa hubad na katawan nito.
"Iligpit mo na ang kinalat mo dito, Yaya Eliana! at kuhaan mong muli ng almusal ang anak ko!" malakas na utos nito sa kanya.
" O-opo, Sir." aniyang kinuha na ang kamay na tinakip sa kanyang mga mata at deretsong nakatingin sa mga nagkalat at nabasag na tasa ng bata. Iniiwasan niyang di man lang tumitingin sa among galit at inis sa kanya.
"Sandali lang po, Sir. Kukuha muna ako ng dustpan, basahan at walis." nahihiya niyang wika at kaagad na tumalikod.
___
Pagkatapos niyang niligpit ang nabasag na tasa at ang pagkaing nagkalat at ang natapon na gatas ay mabilis na siyang nagtungo sa kusina at muling tinimplahan ng gatas ang kanyang alaga at kinuhaan ng ham at loaf bread.
" Eliana, naman, bakit di ka nag-iingat. Hindi ka pa naman nagustohan ni Sir Bastian para maging yaya sa kanyang anak, tapos palpak kaagad sa unang araw mo palang?" napapailing na wika ni Aling Norma sa kanya.
" P-paano kasi, di ko naman alam na kuwarto pala ni Sir Bastian ang sinundan ko kung saan pumasok ang bata. At jusko po, di ko maatim ang nakita ko! bakit gano'n yun, Tiyang? nagulat tuloy ako at nabitawan ko 'yung tray na dala ko!" inosente pa niyang tanong rito habang nagtitimpla siyang muli ng gatas sa alaga niya.
"Ang alin ba ang ibig mong sabihin?" nagtataka namang tanong nito.
"Si Sir Bastian, nakita kong nakasuot ng malaswa sa loob ng kanyang kuwarto." bulong pa niya kay aling Norma.
Napairap naman ang mga mata ni Aling Norma sa kanya at napapailing.
"Ganyan talaga dito sa siyudad, Eliana. Lalo na't nasa loob sila ng kuwarto nila at natutulog. Hay naku, ewan ko sa'yo. Bilisan mo na lang diyan at ibigay na yan sa bata. Nasa Lobby na sila, kasama si Sir Bastian." sabi nito sa kanya.
"Sir Bastian na naman." napakamot sa ulong wika niya.
"Bakit?" tanong pa nito.
" Ayokong nandiyan si Sir, huhu. Natatakot ako kay Sir Bastian. Parang laging galit eh." sagot niya.
" Mag-iingat ka kasi. Sige na, ang mahalaga, di naman si Sir nananakit. Laging magagalit talaga yan kapag tatanga-tanga ka sa kanyang paningin." sabi ni aling Norma.
" Sige po, Tiyang, dadalhin ko na ito sa bata." wika niya.
Dahan-dahan pa siyang nagtungo sa lobby. Nang paparating na siya roon ay nakita niyang nanood din ng tv ang batang si Barbie roon. Naroon din si Sir Bastian at may binabasa itong magazine. Nakasuot na ito ng Black na t-shirt at brown na short na above the knee ang haba.
" He-hello, Barbie! nandito na ang almusal mo. Kain kana para mamaya maligo na tayo at maglalaro agad tayo ng tumbang preso! gusto mo ba yun?" aniya rito sabay lapag niya sa almusal nito sa harap nito.
" Wow! really? ano po ang tumbang preso, yaya?" tanong nito sa kanya na parang nagkainteres.
" Lata at tsinelas yun." nakangiting sagot niya at laking pasalamat niya na di nag English ang bata.
"H'wag mong turuan ng mga larong ganyan ang anak ko. Hindi bagay sa kanya yan." biglang sabad ni Sir Bastian na nagsalubong na naman ang kilay nitong nakatingin sa kanya.
" Ay sorry po, Sir. Ano na lang, Unggoy-unggoy na lang, Barbie!" nakangisi pa n'yang
sabi. Gagawin niya lahat para mapalapit sa kanya ang bata.
"Wow, monkey? who will be the monkey? ikaw ba, yaya?" nakangiting tanong sa bata.
"Ano?" tanong pa niya.
" I said, sino po ang maging Monkey? kayo po ba, yaya?" ulit na tanong ng bata.
" Ay, oo naman! magaling akong umakyat ng puno na parang Unggoy din!" natawa pa niyang sabi.
"Yeyy!! sure, yaya! I Iike it!" natuwa pang wika ng bata.
" Wait, wait. Yaya Eliana, pwide ba? h'wag mong turuan ang anak ko sa mga larong pang bundok? hindi magandang turuan mo siya at ipakita sa kanya na umaakyat ka ng puno! baka gagayahin ka ng anak ko, for heaven's sake!." matigas na wika ni Sir Bastian na napahimas sa noo nito na parang sumasakit na naman ang ulo nito sa kanya.
Sa muli ay matalim na naman siyang tiningnan ni Sir Bastian.
"S-sorry po, Sir." nawaglit na naman ang ngiting sagot n'ya rito.
" Sayang, ano nalang yaya? mag isip ka pa!" wika ng bata.
"Ahhmm, ano nalang, Barbie, tagu-taguan nalang! ako yung mumo. Oh ano?" nakangiting wika niya muli sa bata.
" Okay po, try natin,
yaya." sabi nito.
At muli s'yang tumingin sa kanyang gwapo at masungit na amo. Nakita n'yang napailing ito at parang di parin gusto ang sinasabi n'yang taguan, ngunit tahimik na ito.
Tuloyan na nitong nilagay ang binasang magazine.
"Nasaan na ba ang ibang katulong? gusto ko sana ng kape. Nasaan si Manang Norma?" tanong nito sa kanya.
"Naku, nasa labas po, Sir. Magdidilig daw po 'yun. At ang ibang katulong ay naglilinis sa labas at sa itaas daw ba yun, sir? gusto mo ng kape, Sir? ipagtimpla nalang muna kita dahil nag-aalmusal pa naman ang alaga ko!" nagningning pa ang mga matang wika niya rito.
Gusto rin niya na hindi ito laging magagalit sa kanya.
" Sigurado ka ba? marunong kang magtimpla ng kape ko? hindi mo trabaho ang magtimpla ng kape sa akin, pero dahil nag offer ka na ikaw na muna habang nag almusal pa ang anak ko ay sige nga, ipagtimpla mo ako." parang biglang umamo ang mukhang wika nito sa kanya.
At naku! mas lalo pala itong maging guwapo kapag medyo nasisiyahan ito at di galit ang mukha.
"Opo, Sir, marunong talaga ako kasi ako ang taga timpla ng kape ng tatay ko at Nanay doon sa bundok namin! s-sige po, ipagtimpla ko muna kayo ng kape, sir!" Sabi niya na ipinagmamalaki pa na marunong siya sa timpla ng kape. Para sa kanya ay simpleng kape lang 'yun. Init, asukal at kape ay ayos na!
"Wait lang, yaya. Original stick na kape plain ang gusto ko ha, at white sugar ang asukal ko. Hindi ako gumagamit ng brown, Isang kutsarita lang ang asukal ko, okay?." sabi nito sa kanya.
"Ahh opo, sir, white sugar, yung kulay puti, Sir noh ang white?" tanong pa niya.
"Alangan namang ibang kulay ang white, yaya! puti talaga yan!" nagsalpukan muli ang kilay na sagot nito sa kanya.
" Ay oo nga, sir! puti pala ang white!" natarantang wika naman niya.
At nagmamadali nang umalis dahil parang nahiya na naman siya. Baka akalain nito na simpleng white ay di niya maintindihan.
Nakurot naman niya ang kanyang sarili ng lihim. Alam naman niyang ang white ay puti at tinatanong pa niya talaga ito. Apaka tanga naman niya!
Nagmamadali naman siyang nagtungo sa kusina at mabuti nalang at nakita niya agad ang mga stick original na kape roon. Ngunit di naman niya nakita na may white sugar doon. Brown lang nakita niya.
Hinanap niya ang white na sugar kaya nakita naman niya iyon malapit sa may mga sangkap ng mga lulutuin. Sigurado siyang iyon na, hindi naman siya inosente, kumuha naman siya ng kutsarita para isandok sa puting asukal. At pagkatapos niyang malagyan ng asukal ay di na niya tinikman iyon dahil alam n'yang okay iyon dahil nakasukat na ang isang kutsaritang asukal ayun sa sinabi ng amo sa kanya.
Nagmamadali na niyang dinala ang tasa na may lamang kape ni Sir Bastian at ibinigay iyon sa kanya.
" Heto na po, Sir!" ang sabi niya sabay lapag sa harap nito ang tasa ng isang mainit na kape.
" Thank you, Yaya." seryosong sabi nito.
"Walang anuman, Sir!" masaya pa niyang tugon rito.
Kaagad na tinikman ni Sir Bastian ang kanyang tinimplang kape. At gano'n nalang ang gulat niya nang biglang naibuga ni Sir Bastian ang kapeng nainom nito!
"Sh*t!!! anong nilagay mo sa kape ko? bakit maalat, yaya!?" galit na galit na tanong ni Sir Bastian sa kanya.
Bigla naman siyang nanginig.
" White po! yung white sugar na sinabi niyo, sir!" aniyang napayakap sa kanyang sarili..
" Baka iodized salt yun, yaya!"
Bigla namang lumapit si aling Norma. Kapapasok lang ito at kaagad narinig ang galit na tinig ng amo nila.
" Sir, bakit ho? anong kasalanan na naman ni Eliana?" napangiwing tanong ni Aling Norma.
"Maalat ang kapeng itinimpla niya sa akin, Manang!" namula sa galit na wika ni Sir Bastian.
" Anong maalat? naku, bakit naman maalat, Eliana?" tanong naman ni Aling Norma.
"Akala ko po, white sugar yung nasa tabi ng mga sangkap doon, pinong-pino kasi, tiyang ." nanginig ang labing sagot n'ya.
" Ano!? jusmio, iodized salt yun, Eliana!" mulagat ang mga matang wika ni Aling Norma.
" Sorry po, talaga, sir!" aniya sa among lalaki.
Bigla namang dumating si Madam Conchita. Kagigising lang din nito. Narinig na nito ang nangyari.
"Bastian, hindi siya tagatimpla ng kape mo, yaya siya ng anak mo. Bakit mo ba siya pinapatimpla ng kape?" biglang lapit at tanong ni madam Conchita.
" Nag offer siya na siya magtimpla! Damn, umaga pa at unang araw mo palang, Yaya Eliana! pero ang dami mo nang palpak. Nakakasira ka ng araw ko. You're fired! and go back to your mountain!" galit na wika ni Sir Bastian at napatayo ito at tumalikod kaagad.
Halos di naman makakilos si Eliana. Di siya nababahala. Dahil di niya naintindihan ang huling sinabi ng amo.