LUC Her eyes were blurry but she could still make out the pink of the woman's top and her white bottoms, framed by the door. Kahit naiinis sa biglang pagsulpot ni Sorcha ay hinayaan niyang ipaubaya kay Jiro ang pakikipag-usap sa babae. Tutal hindi sila magkakilala at si Jiro lang naman ang rason kung bakit naroon si Sorcha. Luc has absolutely nothing to do with the woman so she kept her mouth shut. Isa pa, issue ni Jiro 'to. Unless she's asked, Luc will choose to be a silent bystander. Kaya nagulat pa ang dalaga sa isinagot ni Jiro. Kilala niyang maginoo ang lalaki pero hindi niya inasahan ang gaspang ng pakikitungo nito kay Sorcha. Para lang itong nagtataboy ng langaw. Oh, well. In Jiro's defense, it's an unwanted, annoying and beauty-queen material fly. Ganoon pa man, medyo nakaramdam

