LUC She is not a prude. Pero hindi nangangahulugan ‘yon na hindi siya apektado. Tao lang naman din siya. Kaya bigla siyang napatayo, palayo sa “ebidensya” ng katotohanang sinabi ni Jiro. She pulled her hands away from his grasp, palms suddenly became clammy and desperate to hold on to something other than Jiro’s. “Um…” Hindi alam ng dalaga ang sasabihin. Bakit parang biglang humina ang aircon? Kanina wala namang problema. Ah, siguro kasi naiwang bukas ni Sorcha ang pinto kaya tumatakas ang lamig. Balak niyang puntahan ang pinto at isara ‘yon pero bago pa nakakilos si Luc ay gumalaw na rin si Jiro. He caught her by the waist and rose to his full height. Lalo siyang nadikit sa binata, bagay na nagawa na niyang takasan kanina. Luc felt her heart jumped to her throat. Sa sobrang lapit nil

