CARL Nag-iinit ang ulo ni Carl nang umagang ‘yon. Alas nuwebe pa lang ay nasa Verka Crop Science na siya. Mamayang ala-una naka-schedule ang meeting pero ang unang bumunagd sa binata ay problema. Nawawala ang DNA samples na ipinasa niya sa Mauve Laboratories. Tumawag ang head ng laboratoryo para ipaalam ang nangyari kay Carl. Hindi naging madali ang mga bagay para sa kanya sa nakaraang board meeting. Ang hawak niyang ebidensya ay hindi naging sapat para tuluyang makumbinse ang ilang miyembro na pumanig sa kanya. Ganoon pa man ay hindi niya kinalimutang takpan lahat ng butas sa depensa niya na maaaring i-exploit nina Andrew at Enrico. They came into an impasse last Monday. Two days after that meeting, they convened again. Sabado niya nalaman ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Kinaumag

