CARL “My husband. He owned some shares before he died. Hindi ko alam na kompanya n’yo pala ang Verka. Ang alam ko lang may shares siya. Nalaman ko na lang nang kontakin ako ni Andrew last month. Kaya ako umuwi ng Pilipinas. Then I saw you at the party. I didn’t know that the Carl from my past is the same Carl, Verka’s CEO.” “What’s the catch?” Tumabingi ang ngiti ni Denise. “Bakit mo kaagad naisip na may catch? Hindi ba puwedeng gusto ko lang tumulong bilang kaibigan mo? After all, may pinagsamahan tayo.” Carl scoffed, tumikwas ang isang kilay. “Kaibigan? Hindi tayo naghiwalay na magkaibigan, Denise. I clearly remembered you dropped me like a hot potato because I was dirt poor,” parungit niya. Matagal na nangyari ‘yon, pero ngayon ay muling nanumbalik ang asar niya kay Denise. Naiin

