LUC Watching Carl’s face change from one look to another convinced Luc that her decision in coming here is right. Kung may pagdududa man siya noon, wala na ang mga ‘yon ngayon. Hindi niya tuloy alam kung matatawa ba siya o maiinsulto dahil sa nakikitang anyo ng lalaki ngayon. Mukhang hindi ito natutuwang narito siya. Oh, well. Hindi man siya natutuwa, ako naman ay tuwang-tuwa. “W-What are you doing here?” Carl asked. Luc noticed his hand on the door frame turning paler by the seconds as Carl clutched the wood hard, as if his life depended on it. Halos kasingkulay na yata ng suitcase na dala niya ang kulay ng balat ni Carl sa palad. Pero sa halip na sumagot ay ikiniling niya ang ulo sa kanan at sinalubong ang gulat sa mga mata ni Carl. Hindi siya aatras. Ngayon pa ba? She traveled m

