CARL Within a year after Daphne gave birth, the decision about their annulment case was released. Hindi naglipat ang linggo ay tumulak na ang mag-inang Daphne at Ludwig sa Norway. Ganoon kabilis ang lahat dahil matagal nang handa ang mga papeles ng mag-ina, ang annulment na lang nina Carl at Daphne ang hinihintay. Gustuhin man ni Louie na ihatid ang mag-ina nito sa ibang bansa ay hindi puwede. Siksik ang schedule ng lalaki hanggang sa susunod na tatlong buwan kaya naman si Carl na ang naghatid kina Daphne at Ludwig. Kinuha niyang pagkakataon iyon para makapag-isip. Daphne insisted he take a break and her departure was a chance she said he should take. Nakinig naman siya sa babae. Napag-isip isip din ni Carl na kailangan niya ng bakasyon. Baka sakaling malibang siya kapag may change of en

