Elishianna Celeste Levi
Last last month before our graduation....
"Omg! Mag bibirthday ka na Light!" Masiglang bati ni Ciela sa'kin pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Mag e-eighteen na ako't lahat still hindi mo pa rin sinasabi sa'kin meaning ng 'LIGHT'" Pagdidiin ko sa salitang light.
"Malalaman mo rin naman kasi once you turned eighteen, excited ka nanaman masyado. Just wait okay? Bukas bday mo na kaya please." Kunwaring pag iinarte niya kaya napairap ako.
"Oo na, hindi naman ako mananalo sa'yo, ngayon." Sambit ko.
"Oh siya, mag ayos ka na at mag ready, bukas birthday mo na shocks. Dalaga na bff ko." Pagdadrama niya kaya napairap ako.
"Bwiset, dun ka na nga busy pa ko." Natatawang sambit ko at nilayasan na niya ako.
Wow, I am turning eighteen at wala pa rin si Silas dito. I'm still hoping na makakapunta siya, kasi if yes. He will be my last dance.
Time flies so fast, dati musmos at iyakin lang ako na, ngayon I am turning eighteen, legal na.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa mga bagay na need ko kaya ng pag pili sa pagkain, pag practice ng intermission number, mga designs at pagsusukat sa mga gowns.
"So pretty bff!" Masayang sambit ni Ciela matapos akong makitang nakaayos.
This is it. Legal na..
I smiled at her, "Mas excited ka pa ata kaysa sa akin." Biro ko sakanya.
"Ano ka ba, syempre naman Light." Nakangising sambit niya.
Hindi nagtagal ay nag start na ang program ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Silas.
Is he going or not? Nakakainis.
Ngumiti lang ako sa mga guest, I'm so bored, lahat sila ang tanong ay iisa lang "may bf ka ba ba?" "huwag ka munang mag jojowa ha." Like??? Mukha bang meron.
"Let's call on Elishianna Celeste's best friend Ciela to make her a wish." Sambit ng emcee kaya napalingon ako kay Ciela na sobra kung makangiti.
Hindi ko maiwasang kabahan, hindi ko rin alam kung bakit. Itinago ko nalang ang kaba na nararamdaman ko dahil kapag nalaman ni Ciela ito ay lalo pang mang aasar ito.
"Hi light, I know you're always wondering why 'Light or Ilaw' ang tawag ko sa'yo, so to make my explanation short... I called you light kasi ikaw mismo sa sarili mo ilaw, bukod sa napaliwanag mo mag isa ang sarili mo, napaliwanag mo rin ang mga taong nakapaligid sa'yo. Remember what I told you? Kinukwento ka lang niya sa'min before, we only knew your name but not your face so when I finally saw you, unang pumasok sa isip ko ay ilaw o light, you're so simple and beautiful sobrang maaliwas tignan, malamig at payapa ang pagkatao mo. And that's the reason why I call you light, oh! I forgot to say, dahil din hmmm kaya light ang pumasok sa isip ko ng makita kita. Anyway, my gift for you is not so expensive and elegant." Natatawang sambit niya habang ako ay gulat pa rin.
Anong dahil kay hmmm (Silas) kaya light tawag niya? I wanna know argh!
"Thank you Ciela." Nakangiting sambit ko habang tinatanggap ang gift niya.
"I also forgot my other surprise, hintayin mo nalang siya out of nowhere." Nakangising sambit niya kaya tumango nalang ako.
Nagpatuloy ang program at wala pa rin siya, 18th roses will be the last tapos wala pa rin siya.
Nayari ang first dance at second to last pero still, there is no Silas to be found.
"For our birthday girl's last dance... May we call on Mr. Alpheus Gabriel." Malakas na sambit ng emcee at nagpalakpakan ang lahat.
Ngunit, walang Silas na dumating. I am started to feel disappointed and. little bit sad, and suddenly all of the lights are off. Rinig ko na ang bulong bulungan ng mga guest ko kaya ipinalibot ko ang tingin sa lahat.
Napunta sa akin ang nag iisang ilaw o spotlight, habang ang isa ay sa pwesto nila Ciela at biglang tumugtog ang Tadhana by up dharma down.
Napalingon ako sa table nila Ciela at nakita ang kanina ko pa hinihintay at hinahanap.
"Silas...." Mahinang sambit ko habang nakatitig siya.
Dahan dahan siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumakad papalapit sa'kin.
He's wearing a suit and holding a bouquet of roses.
Ngumiti siya ng makalapit sa'kin, "I guess, this is Ciela's surprise for you. Sinadya niya talagang itago at kulitin ako para dito, happy birthday Elishianna." Sambit niya at nagsimula na kaming mag sayaw.
My heart beats faster, hindi ko alam kung ano irereact ko, kung paano gagawin ko.
I was so shocked to see him, hindi ko expected na ganitong surprise ang plano ni Ciela. Why?
"Your hands are cold, and I know you're wondering bakit ganito surprise ni Ciela." Natatawang sambit niya habang sinasayaw pa rin ako.
The song keeps on playing while we're talking na akala mo ba ay kaming dalawa lang ang naroon sa loob na yon. Sariling mundo.
"Listen to the song carefully." Sambit niya.
Saan nga ba patungo, (saan nga ba patungo)
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako, nakikinig saýo
"S-silas.." Nauutal kong sambit matapos magets ang kanta.
"Yes Elishianna, I am confessing. Magmula bata palang tayo ay gusto na kita." Sambit niya.
Dahan dahan akong tumingin sakanya at para bang nag slowmo ang paligid, mga galaw namin, ngiti niya, pagpikit niya, lahat lahat.
I was so shocked and didn't know what to do.
"Alam kong nagulat ka, this is Ciela's surprise hmm? Matagal na nilang alam, sabihin na nating torpe ako pero wala e. Hindi ko na patatagalin at palalagpasin, legal ka na Elishianna. Tapos na akong maghinay para makaamin." Natatawang sambit niya, napangiti naman ako.
"What if I told you that I like you too? Matagal na, pero natatakot ako kasi I thought little sister mo lang ako." Sambit ko at napayuko.
Itinaas naman niya ang ulo ko at ngumiti, "Ano ba palagi kong sinasabi sa'yo?"
"Don't call me brother, you are not my little sister." Natatawang sambit ko na tinanguan niya.
"Let's talk later, uupo ako sa tabi mo." Sambit niya matapos ang kanta.
"WHAT A WONDERFUL AND SHOCKING ENTRANCE OUR LAST DANCE DID!" Namamanghang sambit ng emcee kaya napatawa ako.
"Tumingin ako sa table nila Ciela at kitang kita ko ang mga malalaki niyang ngiti, "Thank you" bigkas ko ng walang boses at umupo na sa aking bangko.
Nag thumbs up naman siya at tumango. After the 18th roses ay tapos na ang event, talagang sinadya ni Ciela na pang huli ang 18th roses para after party na ang kasunod. That girl!
"So..." Sambit ni Silas at tinabihan ako.
Kakayari ko lang magbihis at naupo ako sa may gilid ng pool, hindi ko mahanap si Ciela kainis.
Napabaling ako kay Silas at ngumiti "So?" Biro ko na ikinatawa niya.
"What's your decision?" Tanong niya.
"After college, let's start dating kung makakaya mo akong hintayin." Panghahamon ko sakanya na ikinangisi niya.
"Hmm, you don't know what you're saying. Nahintay kita simula pagkabata hanggang mag 18 ka, at kaya ko pa ring mag hintay ng apat na taon para makasama ka." Natatawang sambit niya kaya namula ako.
"So what are we now?" Tanong ko.
"Best friends that have a feelings to each other. No label?" Natatawang sambit niya na ikinatawa ko rin.
"I guess so? Are you okay with that?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Totally okay, prioritize our studies first. After graduation you know the drill." Biro ko sakanya.
Up until know hindi ko pa rin expected na aabot kami sa ganito. And I am happy, thanks to my bff.
"Uh! I forgot, I wanna ask you." Sambit ko kaya tumango siya.
"I know you heard it earlier, sabi ni Ciela dahil hmmm or should I say dahil sa'yo kaya light ang pumasok sa isip niya, why?" Takang tanong ko na ikinatawa niya.
"Wait until you graduate, I will tell you everything." Sambit niya kaya napanguso ako at tumango.
"Stop pouting, you're not a kid anymore... I might kiss you." Seryosong sambit niya kaya napatawa ako.
"Okay chill." Natatawang sambit ko at humilig sa balikat niya.
"Are you tired? Akyat na tayo, si Ciela asa taas tulog na." Natatawang sambit niya.
Kaya pala hindi ko mahanap, knock out na.
Agad akong tumango kay Silas at pumasok na kami sa kwarto. Correction, magkaiba pong kwarto ha.
I sleep peacefully knowing that Silas and I have the same feelings to each other.