( trigger warning : mention of rape, bullying and other stuff that might triggered or make you uncomfortable. SKIP IF NEEDED!! )
Elishianna Celeste Levi
"So, do you mind telling me what happened to you Elishianna Celeste?" Seryosong sambit ni Silas kaya nagtago ako sa likod ni Ciela.
Napatawa naman si Ciela at nagsalita "I was so shocked when I saw Silas in your car girl, I didn't know na ikaw pala tinutukoy niya hmmm. Nice, love it." Sambit niya habang umiiwas sa'kin.
"Just shut up Ciela and tell me what's wrong." Iritadong sambit ni Silas.
Tiklop nanaman ako, huhu! Last time na nangyari 'to he didn't talk to me for a month?!
"Elishianna Celeste. Kung wala kang balak sabihin I will ask this girl." Sambit niya sabay turo kay Ciela habang si Ciela naman ay mukhang sumusuko na agad.
Gosh, help me!
"Ciela..." Mahinang sambit ko.
"Hindi kita matutulungan diyan bff, matindi tindi yang kaharap mo. Lagot ka." Pang gagatong pa ni Ciela kaya mas lalo akong kinabahan.
"I'll stay by your side don't worry, wag ka matakot hindi ka kayang tiisin niyan ngayon." Sambit niya kaya kahit papaano ay nagkalakas ako ng loob.
"Okay, sasabihin na, please don't get mad at me." Sambit ko.
Nag cross-arm siya at tinitigan ako. "Kung ayaw mong magalit ako ngayon palang ay magsimula ka ng mag paliwanag." Seryosong sambit niya kaya tumango ako.
—FLASHBACK GRADE 4 TO GRADE 5 JOURNEY—
"Hi Elishianna!" Sambit ng mga kaklase ko pagkapasok ko ng room.
"Hello!" Masayang bati ko.
"Kamusta si kuya Alpheus?" Sambit naman ng isa pa naming kaklase.
Ngumiti ako, "He's okay, excited pumasok sa school." Sambit ko.
Kitang kita ko ang pag ningning ng kanilang mga mata.
"Hi Elishianna, pwede ba tayo maging friends?" Sambit ng isang lalaki.
Napalingon ako sakanya at hindi alam ang sasabihin.
"Oo nga Elishianna pwede makipag kaibigan sa'yo?" Sambit pa ng isa sabay akbay sa'kin. Agad naman akong umusog at nakita ko ang pakadismaya sa kanilang mga mata.
"Grabe ka naman Elishianna."
"Ay iniwasan ka dre? Nababahuan ata sa'yo!" Pang aasar ng kaibigan niya kaya humingi ako ng tawad.
"Ang arte mo naman, nakikipag kaibigan lang naman sayo." Medyo painis na sambit niya kaya napayuko ako.
"Oo nga ang arte, wala na dito tagapag tanggol mo girl, wake up."
"Wala na si kuya Alpheus dito, wala ng makakakontra sa mga gusto naming gawin sa'yo."
"Umpisa palang naman ayaw na namin sa'yo e, masyado kang dikit kay kuya Alpheus akala mo ka linta, yuck!"
"Alam mo, maganda ka sana Elishianna kung di ka pala dikit kay kuya Alpheus e hahahhaah!"
"Uhhh, stop na guys, look of she's about to cry na HAHAHAHAHHA!" Malakas na tawanan nila. Buti nalang ay uwian na kaya nakaalis na rin ako.
I didn't expect na marami palang may galit sa'kin dahil sa pagiging close ko kay Silas, but that doesn't mean iiwas ako kay Silas.
As time goes by nagpatuloy lang nang nagpatuloy ang mga nangyari. Mas lumala, mas nadagdagan and I never told Silas about that, nagiba na rin ugali ko, palagi nalang akong tahimik at nagtatago sa isang sulok. Nagkukulong lagi sa kwarto at hindi na nakikipag usap, even Silas ay hindi ko na rin halos nakakausap.
Nakasanayan ko na rin kaya hinahayaan ko nalang, I tried to defend myself pero ang ending ay mas lalo lang nila akong pinagkaisahan. Ayoko na rin ng gulo kaya kahit nasasaktan, nababastos at napapahiya ako ay hindi nalang ako kumikibo.
They always make fun of me, sobrang uncomfortable kasi dumadating na rin sa point binabastos na nila ako.
One time noong papunta akong restroom ay may isang grade 6 na sumunod pala sa'kin and you know what happened next but thank God may iba pang mga nag cr at hindi natuloy ang binabalak niya. But.... they touched me.
Call me stuff and others. Hinayaan ko kasi ayokong malaman at ayokong mag cause ng gulo. I'm so tired and drained gusto ko nalang makapagtapos at lumipat ng school.
—END OF FLASHBACK JOURNEY—
Dahan dahan akong tumingin at nakita si Ciela na sobrang gulat at si Silas na nanlilisik ang mata. I'm so done.
"Elishianna Celeste." Nagpipigil galit na sambit ni Silas.
Napansin naman ito ni Ciela kaya agad na pumagitna sa'min at kampihan ako. "Alpheus nangyari na, wala na tayo magagawa. Might as well talk to the head or the principal, isama na rin yung na encounter namin kanina. " Sambit ni Ciela.
Hindi na ako kumibo at pumalag dahil wala naman akong choice, hindi na ako makikipag talo. Now that Silas knew what happened for the past few years, hindi na ako kokontra. Gusto ko nalang talagang matapos ito.
"I'm going to your school tomorrow. Tell me sino sino ang mga gumawa sa'yo niyan noon hanggang ngayon." Pigil galit na sambit ni Silas.
"Cha, the one who always bullied me way back then, Ari, Jake, Luke the one who tried to rape me, Sam, Hari, Ej... Marami, halos lahat sila at iba pang mga naka alis na sa school." Sambit ko habang nakayuko at nilalaro ang kamay ko.
"Are you for real Elishianna Celeste?" May bahid na inis na sambit ni Silas. He's so mad right now.
"She's just a kid Alpheus." Seryosong sambit ni Ciela.
As far as I can remember, Ciela is 2 years older than me pero nagbalik aral siya kaya naging mag kaklase kami, while Silas is in high school.
Hindi nagsalita si Silas, iniwan lang kami ni Ciela kaya mas lalo akong nanginig.
"I'm sure he's gonna talk to you later, naiinis lang yon at hindi alam rereact kasi sariwa pa sakanya lahat, he didn't expect na ganon pala nangyayari sa'yo sa school na akala niya safe ka." Pampalubag loob na sambit ni Ciela sa'kin kaya tumango nalang ako.
"You can sleep here, I'm sorry hindi kita na entertain..." Medyo may pagka alinlangang sambit ko na tinanguan lang niya.
"No need, habang magkausap kayo ni Alpheus ay nagpasundo na ako, I can go back here anytime I want, you're both my friends but you are my bff." Natatawang sambit niya at pilit ngiti lang akong tumatango.
"I gotta go, see you tomorrow Light!" Sambit niya kaya napaisip ako.
Lite? Light? Huh?
Pumasok nalang ako sa kwarto kaysa mag isip pa ng kung ano ano, I'm too tired for all of this. I'm just gonna rest for a while.
Maya maya pa ay may naramdaman akong tumabi sa'kin, "Silas..." Mahinang sambit ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Sambit niya habang nasa dulo ng kama ko.
"First day, ayoko ispoil happiness mo kaya hindi na ako nagsalita, at sa mga susunod na araw naisip ko na baka mastorbo lang kita at ayokong mag alala ka. Akala ko kasi hindi sila tatagal lalo na't hindi naman ako lumalaban at nagsasalita." Mahinanong sambit ko.
"I can't forgive myself kung mas malala pa diyan ang nangyari sa'yo." Rinig kong sambit niya pero hindi na ako nagsalita.
Bakit ganito napifeel ko? I know we're just best friend and he's literally my so called brother.
"I know what you're thinking Elishianna." Sambit niya habang nakataas ang kilay.
"Hmm?" Patay malisyang sambit ko.
"Just so you know, namumula ka." Sambit niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Don't you dare try to call me KUYA and be my little sister 'cause you're not." Seryosong sambit niya kaya tumalikod nalang ako at tumango.
"Are you going to sleep here?" Tanong ko.
"No, malaki na tayo, hindi na pwede." Pabirong sambit niya.
"Sus! Sige na chu! alis! matutulog nalang ako." Sambit ko na ikinatawa niya.
Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa ulo.
"Rest well Elishianna, always remember that I am here for you. Goodnight." Mahinang sambit niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Why am I feeling things all of a sudden? Oh gosh! This cant be true. Aaaaaa!