At Kody's Room (Part 2)

1654 Words

Tila nilalamig siyang hinila ang kumot na kasalukuyang tumatabon sa kalahati ng katawan at bumaluktot ng pagkakahiga kinabukasan ng umaga. Gising na ang diwa niya pero pikit pa ang mga mata. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng tila pagpitik ng ugat sa kaliwang bahagi ng ulo kaya nasapo niya iyon ng palad. Tila naamoy niya rin ang sariling hininga na amoy alak pa kaya agad na bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi lang.  Mabilis niyang iminulat ang mga mata at inilibot iyon sa buong paligid. Tsaka niya lang na-realize na wala pala siya sa sariling kwarto.  “Teka, nasaan ako?” sambit sa sarili. Nagsimulang bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib nang mapansin na nasa isang mamahalin siyang kwarto. Kasalukuyang inililibot niya ang paningin sa paligid nang mapansin niya rin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD