'Ang Kakaibang Laruan'

2071 Words
Katakot takot na sermon ang natanggap niya mula sa kanilang manager na si Grace pagkatapos ng kaniyang trabaho kinahapunan. Pinadaan ulit siya nito sa isang hallway malapit sa employees lounge kung saan nakapaskil sa wall ang mukha ng mga may-ari ng hotel na iyon. Kabisaduhin niya daw ang mga mukha ng mga ito para next time pag nakita niya ang mga ito ay makikilala niya agad. Ilang tango lang ang sinagot niya dito. Mabuti nalang talaga at hindi siya pinasisante ni Mr. Kody Cervantes sa kanyang trabaho, kundi back to zero na naman siya at hindi na naman alam kung saan hahanap ng job.  Pinakatitigan niya ang mukha ni Mr. Kody, no wonder hindi niya nakilala agad ito dahil sa ibang iba ang mukha nito sa personal compare sa mukha nito sa picture. Malinis ang mukha nito sa litratong nakapaskil, dagdagan pa ng clean cut na gupit ng buhok. Ngayon ay medyo mabalbas ito at medyo mahaba na rin ang tabas ng buhok.  Ngunit magkaganun pa man ay gwapo pa rin ang lalake, iba ang s*x appeal nito sa picture, lalo na sa personal. Matangkad ito na may matipunong katawan, dagdag pa ang nakakaakit nitong ngiti na may mamula mulang labi at magaganda at mapuputing ngipin.   “Ikaw naman, bakit hindi mo agad sinabi na ikaw pala ang anak ng may-ari ng hotel na ito, nasabon tuloy ako ni Madam Grasya kahapon!” Kausap niya dito habang dinuduro ang litrato nito pagkadating sa trabaho kinabukasan ng umaga.  Dumaan kasi ulit siya sa hallway na iyon at pinakatitigan ulit ang mga mukha ng mga tao doon lalo na ang mukha ni Mr. Kody Cervantes. Nasa ganun siyang ayos ng may tumawag sa kanyang pangalan. “Samantha!” Si Madam Grasya agad ang bumungad sa kanya. “Ay madam kabayo!” Mabilis niyang natakpan ang bibig sa nasabi. Nilingon niya agad si Madam Grasya kung narinig ba nito ang katagang nabanggit, thankfully at hindi naman. Ewan niya ba at sadyang magugulatin talaga siya na kung minsan ay hindi na kaaya-aya ang biglaang lumalabas sa kanyang bibig. Bahagya niya pang nasanggi ang pinakatitigang malaking litratong iyon ni Mr. Kody. Mabuti naman at hindi ito natinag sa pagkakasabit sa wall, baka tuluyan na siya talagang masisante kung sakaling mabagsak niya iyon.  “Po!?” Agad siyang lumakad papunta sa manager na kumakaway sa kanya.  “Si Jonas,” Sabi nito habang ipinapakilala nito sa kanya ang katabi nitong lalake. “Siya ang makakasama mo ngayon sa paglilinis ng mga room, para mapabilis kayo.” Anito. “Sa 32nd floor parin ang destinasyon mo ngayon pero sa ibang room na.”  Panay lang ang tango nya dito.  “Okay naman ang linis mo kahapon Sam, actually nagustuhan ni Mr. Kody ang service mo kahapon. Pero please lang bilis bilisan niyo ang pagkilos para hindi kayo maabutan ng mismong guest sa loob.” Sabi pa nito. Parang pumalakpak ang tenga niya sa narinig mula sa manager. Kahit nasabon siya nito kahapon ay meron rin palang itong kapalit na magandang balita dahil nagustuhan ng may-ari ng hotel na iyon ang kanyang ginawang paglilinis sa kwarto nito.  “Hi! Nice meeting you Jonas!” Inilahad niya ang kanang palad para makipagkamay sa lalakeng may pagka tall dark and handsome din.   “Hello!” Matipid din na ngiti nito na nakipagkamay rin naman sa kanya.  Pagkatapos niya ayusin ang sarili at ilagay sa locker ang mga gamit ay hinila na nila ang cart pasakay sa elevator paakyat sa 32nd floor. Pagkarating sa designated floor ng hotel ay nilampasan nila ang suite ni Mr. Kody Cervantes. Pagkalampas pa ng dalawang pintuan  ay huminto na sila sa isang sunod na malaking pintuan. Si Jonas na ang nagbukas non at agad na rin nitong ipinasok ang cart na dala dala.  Pagkapasok doon ay inilibot niya ulit ang paningin sa loob ng malaking kuwartong iyon. Magagara talaga ang room na nandoon. Palibhasa sadyang ginawa para sa mayayamang guest ng The Crown Hotel.  Agad na siyang nagsimulang magdampot ng mga kung anong kalat na nasa floor ng kwarto ng bigla siyang nagulat sa pag tili ng kasamahang lalake. Nagulat siya sa tinis ng boses na lumabas sa bibig ng lalakeng tahimik lang kanina. Mabilis siyang pumunta sa banyo kung saan ito nakatokang maglilinis. Nakita niya itong tila hindi mapakali habang hindi mo mawari kung naiihi ba o ano. Paroo’t parito ang lakad nito at takip takip ang bibig na nakatitig sa isang bagay.  “Samantha, bilisan mo, dali dali!!!” May itinuturo ito na nakapatong sa bandang lababo ng banyo. “Look, look!” Malandi at matinis ang boses nitong sabi.  Napatigil siya at napakunot ang noo na tumunghay sa lalake.  Binasa niya ang mga kilos nito at hindi siya pwedeng magkamali. Isa pala itong… “Oo na, bakla ako, baklush, beki!” Pagkukumpirma nito sabay pamewang ng isang kamay at may pakumpas pa ng kabila at pagpitik ng mga daliri.  “Seryoso!?” Mariin niyang tanong habang hindi pa rin makapaniwala sa totoong pagkatao ng lalakeng pwede mo nang maihalintulad kay Gardo Versosa. Ok na sana pero bakit bumaluktot ito. Natawa siya sa huling naisip.  “Oo, ano ka ba! Alam naman ni Madam Grasya at iba nating katrabaho pero alam mo na, careful pa rin ako when it comes to other people.” May landing turan nito. “Halika bilis, tingnan mo!” Tila kinikilig na kinawayan siya nito at itinuro ulit ang kakaibang bagay na nandoon. “Ano ba kasi yan?” Lumapit siya dito at tiningnan ang bagay na iyon ng malapitan. Inayos pa ang salamin sa mata at pinakatitigan iyon ng mabuti. “Ay ano yan???” Napatili na rin siya nang maaninag ang bagay na iyon. Hindi man sigurado pero napatalikod siya dito at natakpan ang mga mata. “Bakla ano yan???” Parang diring diri siya sa nakita. Tawa ng tawa si Jonas sa inakto ni Sam. Kabaligtaran sa kinikilos nito na pinakatitigan pa talaga ang bagay na iyon na pahabang nakatayo na may maliit na kulubot na bilog sa magkabilang gilid sa ibaba nito.  “Hala, bakla ano yan, ewww!!!” Nandidiri nitong sabi na nananatiling nakatalikod. “Ano ka ba, dont tell me hindi ka pa nakakakita nyan?”  “Hindi pa talaga, ngayon palang!”  “Ganun? Hindi ka pa talaga nakakakita ng etits na s*x toys?” Napatingin siya sa kausap. “Ano yung etits?”  Nanlaki ang mga mata nito sa tinuran niya. Hindi ito makapaniwala na pati ang word na iyon ay hindi alam ni Sam. “Duh!?” Tila nag-isip naman ang babae at nang mafigured out ang sinasabi ni Jonas ay ilang beses itong umiling iling.  “Eh, yung totoong etits?” Malandi nitong tanong.  “Ano bang pinagsasabi mo! Kadiri ka!” “Anong kadiri, eh masarap kaya yun!” Anito habang kinikilig kilig pa. Lumakad palayo doon si Sam at ipinagpatuloy ang pagpupulot  ng mga kalat sa sahig. “Don’t tell me virgin ka pa?” Tanong ulit nito na may pagdidin sa saling ‘virgin’. Hindi naman umimik ang babae. “Naku ateng, wala nang virgin ngayon! Kahit mga 15 years old ngayon nabubuntis na!” Natatawa nitong pakli. “You don’t know what you're missing!” Landi pa nitong turan. Nanatili itong tahimik. Natahimik narin ang bakla ngunit patuloy pa ring pinagkakatuwaan ang may pagka brown na kulay na bagay na iyon. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang akma na nitong hahawakan ang pinagkakatuwaang bagay.  “Hoy Jonas! Wag mong hahawakan yan! Kadiri ka talaga! Marumi yan tapos hahawakan mo!” Nanlalaki ang mata niyang pinangdidilatan ang bakla. “Gusto ko lang mafeel!” Sabi nito.  “Tigilan mo na yan, marami pa tayong gagawin! Malalagot tayo kay Madam Grasya pag naabutan tayo ng taong nakatira dito.” “I wonder kung sino ang may-ari nito, ang laki ateng, mukhang enjoy talaga siya dito.” Sinundan nito iyon ng malakas na pagtawa.  Natawa narin si Sam sa paghalakhak nito. “Diba mga bachelors daw nakatira sa floor na ito?” Nagkatinginan sila sa sinabing iyon ni Samantha.  “Baklush!?!” Sabay nilang nabanggit ang word na iyon at umaktong nag-appear ng kamay sa hangin.  Malakas na halakhakan ang narinig sa kabuuan ng kuwartong iyon. Kung sino man ang bachelor na nag stay sa suite na iyon, malamang nagtatago ito sa katawang hindi nito gusto. “Ateng, matagal ko nang gustong bumili niyan pero hindi ko afford,” may lungkot sa boses na wika ni Jonas habang busy na ito sa paglilinis sa banyo na iyon. “Naku, huwag mo nang pag-aksayahan ng pera ang mga ganyang klaseng bagay! Ipangbili mo nalang ng pagkain matutuwa pa ang nanay at tatay mo sa iyo.” Turan naman ni Sam dito habang inaalis na ang mga punda ng mga unan na nasa kama. “Ikaw naman. Siguro malungkot ang buhay mo!”  Natigilan si Sam sa ginagawa. “Bakit mo naman nasabi?” “Eh wala kang enjoyment! Ateng, para sa aming mga bakla enjoyment na yan namin sa buhay!”  Napaismid siya. “Mabubuhay ako ng wala yan noh!” “Naku ateng! Once na matikman mo ang totoong etits, mag-iiba ang pananaw mo sa buhay!”  Natatawa pa nitong sambit. Narinig niya ang pagtayo nito at pagtawag ulit nito sa kanya. “Ateng, halika! Hugasan natin tapos hawakan mo!” Excited itong kinuha ang s*x toy na iyon at gamit ang gloves ay hinugasan iyon. Nagtitili ito sa saya habang ginagawa iyon. Napatulala lang ang babae sa ginawa nito.  “Halika, bilis! Sabi mo diba first time mo palang na makakita ng ganito? Bilis hawakan mo!” Panay kaway nito kay Sam para lumapit dito habang iwinawagayway ito. “Ngee! Ayoko nga! Bakla ka talaga! Ibaba mo yan. Kadiri!!!” “Sige na, hindi ako maglilinis kung hindi mo hahawakan to!” Napandilatan niya ulit ito ng mga mata. “Hoy bakla, maawa ka naman! Pag nawalan ako ng trabaho, ikaw ang magpapakain sa nanay at tatay ko ha!” Inis nitong sambit. “Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag hindi ka pa lumapit dito at hinawakan ito.” May pagka demanding  nitong utos dito. Nagsalubong na ang mga kilay niya. “Sige na sandali lang naman! Promise, pag nahawakan mo ‘to tatapusin ko na ang ginagawa ko!” Malandi nitong sabi. Wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang sa ipinag-uutos nito. Ilang minuto na ang nasasayang nila dahil lang sa bagay na iyon, ayaw niyang mawalan ng trabaho at gumugol na naman ng maghapon sa kakalakad sa daan sa paghahanap ng mapapasukan. Lumapit siya dito pero inilayo ang paningin sa bagay na hawak ng makulit na bakla. Kinuha nito ang kamay niya at nang madampian iyon ng palad ay agad na lumayo. “Oh! Tama na yun, nahawakan ko na!” “Hindi ganun ang tamang paghawak dito ateng!” Natatawa nitong sabi. “Pa’no?” Kunot ang noo na tanong niya. “Halika!” Iginiya nito ang kamay ni Sam at mabilis na inalis ang suot nitong gloves.  “Ay! Ayoko!” Pilit nitong binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jonas. “Sandali lang! Para maramdaman mo! Hinugasan ko naman na eh!” Panay ang tawa nitong sabi.  Ipinikit ni Sam ang mga mata at dinakma nito sa katawan ang bagay na iyon. Si Jonas na ang naggalaw sa kamay nito pataas baba. “Ewww!!!!” Mabilis nito iyon binitawan. Hindi sinasadyang tumilapon iyon sa sahig ng banyo. Hindi magkandamayaw sa kakatawa ang baklang si Jonas. First time nitong makakita ng ganoong reaksyon magmula sa isang babae.  Diring diri na hinugasan namang agad ni Sam ng maigi ang mga kamay habang nakasimangot.  “I swear, you make my day ateng!” Natatawang sabi nito habang hila hila na ang cart papunta sa kabilang kwartong sunod na lilinisan nila. Napaismid lang si Sam.  Kakaibang experience yun sa kanya ngayong araw. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakahawak na siya ng isang klase ng s*x toy na ayon kay Jonas ay d***o daw. Hindi niya maipaliwanag kung anong feeling, pero hanggang ngayon nandidiri pa rin siya, tila kasi nararamdaman pa rin niya ang kakaibang texture nito sa kanyang kamay. Magkagayon pa man noong araw na iyon ay nagpapasalamat siya sa namuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Jonas. First time niyang magkaroon ng kaibigang bakla. Masaya pala kasama ang mga ito, maharot at maingay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD