Pagkatapos kumain nila Zepyr ay nag-ayos muli ito upang sa kanilang huling ensayo ang pagdepensa sa kaaway.
"Narito kayo ngayon para sa huli ninyong ensayo at ako ang makakalaban ninyo sa ngayo" nakangiting saad ng maestro bakas sa mukha nila Luna ang excitement at kaba dahil kakalabanin nila ang kanilang guro, walang alam ang mga ito kung ano ang abilidad ang meron sa maestro. "Simulan na natin"saad ng maestro at humanda na sa pagatake pumikit ang maestro at nagulat ang lahat sa nasaksihan nila, may espadang nabuo unahan ng maestro parang ginuguhit nito sa kanyang utak. Unang umatake si Ezekiel gamit ang attribution nito ngunit parang may kadenang nakakabit sa kanyang paa na ikinataka niya narinig niyang tumawa si maestro "Magingat kayo sa paggamit ninyo sa inyong kapangyarihan dahil maaring pagaralan ito ng inyong kalaban at gawin itong bitag mula sa inyo"sabi ng maestro"kung nagtataka kayo kung ano ang aking abilidad sasabihin ko rin ito ngayon sa inyo. Ako ay may abilidad na tinatawag na Imbodiment kung saan kayo kung maging makatotohanan ang aking naiisip tulad na lamang ng espada ito na kanina ay iniisip ko lamang ngayon ay hawak ko na at dahil alam kong aatake agad si Ezekiel kaya nilagyan ko siya ng kadena gamit ang aking isip"mahabang salaysay ng guro. Kaya nagkatinginan ang magkakaibigan at kinausap sila ni Vindexia sa isip "Ezekiel at Tyler lituhin n'yo si maestro upang magaling ang atensyon nito sa iba at ikaw naman Titania hinaan mo ang kanyang chi upang hindi niya magamit ng lubos ang kanyang ability. Luna at Zepyr tulungan n'yo akong pasakitin ang ulo niya" at sinimulan na nga nila nang sugurin ang maestro pumunta si Ezekiel sa likod ng maestro at tinali nito ang maestro hindi makapagfocus ang maestro dahil ramdam nito na bumababa ang kanyang chi ngunit hindi parin itong nagpatalo sa kanyang estudyante gumawa siya isang malaking halimaw na tutulong sa kanya ngunit nawala rin ito dahil kay Tyler ginamit pala nito ang kakayahan mapagwalang bisa ang ginawa ng maestro mula sa isipan nito at ginawa na nila Vindexia, Zepyr at Luna ang kanilang plano iniba ni Luna ang paligid mula sa kwarto napalitan ito ng kadiliman kung saan wala kang makikitang ano man ngunit gumuhit ang maestro ng araw sa isipan nito upang magkaroon ng liwanag roon nakita niya ang sarili niya na nasa gitna ng kakahuyan alam niya na ilusyon lamang ito ni Luna natutuwa siya dahil nagagamit ng kanyang estudyante ang kani-kanilang kakayahan bigla na lamang pinaluputan ng baging si ang maestro guguhit sana ito sa kanyang isipan ng pamutol rito ngunit parang may pumipigil sa kanya sa pagiisip kinokontrol na pala ni Vindexia ang utak nito at hinawakan naman ni Zepyr ang ulo ng maestro at ginamitan ito ng Mind Crump kung saan sumakit ang ulo ng maestro hanggang sa mawalan ito ng malay. Bumalik na ulit sa normal ang kwarto kung saan sila nageensayo at laking tuwa ng magkakaibigan dahil tagumpay ang kanilang plano pinasalamatan nila si Vindexia sa pagiisip nito sa plano. Pinaamoy ng mga dahon ni Cyren ang guro upang ito ay magising paggising nito laking taka niya bakit siya naroon natawa nalang ang maestro noong ikuwento nila Luna ang pagtalo sa kanilang guro "Sa tingin ko ay magaling na kayo at natututunan niyo na ang dapat ninyong matututunan sa pakikipaglaban at handa na kayong makipaglaban sa kahit anong giyera"laking tuwa ng guro sa kanila "maraming salamat po maestro kung hindi po dahil sa inyo ay hindi namin matutunan gamitin ang aming mga kakayahan" saad ni Vindexia. Magpahinga na kayo at bukas bago kayo umalis may ibibigay ako sa inyo na espesyal na regalo at pumunta na nga sa kanilang silid ang magkakaibigan.
Kinabukasan, maaga umalis gumising si Luna dahil na rin sa excite na umuwi sa kanila ngunit pagbaba niya napansin niya si Cyren na parang balisa galing kwarto ni Tyler "Cyren? anong ginagawa mo sa kwarto ni Tyler" tanong ni Luna " Andiyan ka pala Luna tiningnan ko lamang kung nasa loob si Tyler" kabang sagot nito kay Luna ramdam naman ni Luna na parang nagsisinungaling ito sa kanya "Ganun ba sige bumaba na tayo" pagsasawalang bahala ni Luna "Sige tara" sagot ni Cyren.
"Muntikan na akong mahuli ng isang iyon ah buti na lamang at nalusutan ko ito Hahahaha" saad ng isang lalaki habang tumatawa " malapit na aming pinuno malapit ka nang mabuhay sa mundo ito at muling pagharian ang lugar na ito".
Gising na ang lahat at bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan dahil excited na silang umuwi sa kanilang mga tahanan ngunit bago umuwi may ibinigay si maestro sa kanila isang bracelet na may bato na iba't iba ang kulay sabi niya ang liwanag raw sa bato ang magpapalakas sa mana o ang chi ng isang elite naiipon raw rito ang mana upang maging reserba sa kahit anong labanan. Laking tuwa naman ng magkakaibigan sa kanilang natanggap, inanyayahan namin ni maestro sa likod ng gusali upang kausapin ito "Zepyr, nakikita ko sayo na malaki ang gagampanan mo sa hinaharap dahil may nakikita ako sayong kakaiba na sobrang lakas na mana hindi ko tukoy sa ngayon ngunit sana ay mag-ingat ka" sabi ng maestro kay Zepyr napaisip doon si Zepyr at inisip kung ano ang nais ipahiwatig ng maestro sa kanya. "Zepyr" tawag ni Luna sa kanya "anong ginagawa mo riyan tara uwi na tayo" naglakad sila papunta kila maestro at nagpaalam rito "Paalam maestro at maraming salamat po sa pagsasanay sa amin" saad ni Titania "Wala yun Kinagagalak kong turuan ang mga elite na tulad ninyo, sana ay magkrus ulit ang ating mga landas" saad ng maestro paalis na sila ng may ibinulong si maestro kay Zepyr "Que sera sera" sabi ng maestro hindi ito naintindihan ni Zepyr kaya't ibinaliwala lamang ito ni Zepyr "Zepyr, ano ang sinabi sayo ni maestro" tanong ni Ezekiel "Wala lang iyon" sabi ni Zepyr kaya hindi na ito inisip pa ni Ezekiel at nagpatuloy na lamang sila sa paglakad pauwi sa kani-kanilang tahanan.