"What ever will be, will be.
The future's not ours to see."
Nagising si Zephyr ng dahil sa repleksyon ng sinag nang araw na nagmula sa bintana ng kanyang silid. Agad na napakunot ang kanyang noo dahil na rin sa taong umabala ng kanyang tulog.
"Good Morning." masiglang wika ni Luna.
Hindi na lamang siya pinansin ni Zephyr kung kaya naman ay itinalukbong na lamang nya ang kanyang kumot upang matulog muli.
"Aba! Wala ka bang balak na gumising? Gising na!" sigaw nito ng malakas at sabay hila ng kumot ni Zephyr.
"Who cares? Tsaka wala naman pasok ngayong araw." walang ganang wika ni Zephyr.
"Wala ka bang naaalala ngayong araw?" tanong sa kanya ni Luna.
Tinitigan lamang siya ni Zephyr na tila walang emosyon na makikita sa kanyang mga mata na madalas nyang ginagawa. Kanyang iniisip din kung ano ba talaga ang mayroon ngayong araw.
"Hindi ko alam at wala akong pakialam." malamig na tugon nito kay Luna.
"Anong hindi mo alam? Alalahanin mo." padabog na wika ni Luna at saka tuluyan ng umalis ng silid.
Alam ni Zephyr sa kanyang sarili kung ano ang okasyon ngayong araw, tila sadyang hindi niya lang ito binibigyang importansya kung kaya't binabalewala na lamang niya ito.
Ito ang araw.
Ang araw na hindi niya binigyang halaga.
Ang araw na hindi niya kailanman hinihintay na maganap.
At ang araw na ayaw niyang bigyang alaala pa muli.
Lumabas na sya sa kanyang silid matapos nitong mag-ayos at dumiretso na patungo sa kusina.
"Tara na at mag-breakfast na tayo." nakangiting wika ni Luna.
Pumwesto na si Zephyr at inilibot niya ang kanyang paningin sa mga pagkaing nakahain sa mesa dahilan para mapabuntong hininga ito.
"HAPPY BIRTHDAY ZEPHYR!" masayang wika ni Luna habang hawak-hawak ang ginawa niyang cake.
Nagsimulang umawit si Luna na kung saan ay madalas na inaaawit kapag may okasyong kaarawan. Napatungo na lamang si Zephyr dahil hindi siya sang-ayon sa ginagawa ni Luna. Ayaw niyang magalit ngunit hindi nito makontrol ang kanyang nararamdamang emosyon.
Pinutol nito ang pag-awit ni Luna dahilan para tumigil ito. Tinignan ni Zephyr si Luna nang seryoso kung kaya't nakaramdam si Luna nang takot sa mga tingin nito.
"Stop this silly things Luna!" galit na wika ni Zephyr.
"Anong kalokohan? Birthday mo ngayon kaya dapat i-celebrate natin ito. At saka mamaya nandiyan na rin si Ezekiel para samahan tayong ipagdiwang ang kaarawan~" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil tinulak agad ni Zephyr ang mesang puno ng pagkaing inihanda ni Luna kung kaya't ito ay nataob.
Tinignan ni Zephyr si Luna sa kanyang mga mata na tila walang gana at napansin din niya na nabigla si Luna sa kanyang inasal ngunit walang pakialam si Zephyr sa nararamdaman ni Luna ngayon.
"Happy Birthday to you, bro!" biglang wika ng kanyang isa pang kaibigan na kakarating lamang sa kanyang tahanan.
"Anong nangyare dito?" nagtatakang tanong ng kararating lang nilang kaibigan na nagngangalang Ezekiel.
Hindi na lamang sumagot si Zephyr sa halip ay naisipan na lamang nitong umalis. Ngunit bago pa makaalis sa lugar si Zephyr ay biglang nagsalita si Luna dahilan para mapatigil ito.
"Zephyr, Why?" naiiyak na wika ni Luna.
Kahit nakatalikod si Zephyr kay Luna ay ramdam niyang nasasaktan ito dahil sa kanyang hindi magandang inasal. Hindi na lamang ito sumagot at inintay na lamang niya ang susunod nitong sasabihin.
"Just forget the past and focus on present that makes you still alive. Zephyr, tanggapin mo na wala na ang iyong mga magulang. Tanggapin mo ang mga nangyari noon at hindi na muling maibabalik pa ang mga taong nawala na!" wika nito.
Dahil sa mga salitang binitiwan ni Luna ay nakaramdam ng galit si Zephyr kaya naman ay naglakad muli itong pabalik sa kinatatayuan ni Luna, kinuha nito ang cake at sabay na inihampas ito sa mukha niya dahilan para mabigla muli si Luna sa di inaasahang ginawa ni Zephyr sa kanya. Agad naman na umalis si Zephyr matapos niya itong gawin.
Narinig ni Zephyr ang pagsigaw ni Ezekiel ng kanyang pangalan ngunit hindi na ito lumingon pa at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad palayo sa kanila.
Naisipan na lamang nitong lumabas upang pakalmahin ang kanyang sarili kaya naglakad-lakad na muna ito. Hindi naman niya ginusto ang inasal niya kanina kay Luna sadyang napangunahan lang siya sa kanyang nararamdaman.
Kaarawan niya ngayon subalit ito rin ang araw na nawala ang kanyang mga magulang kung kaya't hindi niya na binibigyang halaga ang kanyang kaarawan. Para sa kanya ang araw na ito ay kailanman hindi na mananatili sa kanyang isipan at puso.
Habang siya ay naglalakad, naagaw ang kanyang atensyon sa isang batang lalake na umiiyak malapit sa isang palaruan. Tinignan niya lamang ito mula sa kanyang kinatatayuan, wala itong balak na lapitan ang batang lalake kaya naman ay agad na rin itong umalis at patuloy na lumakad kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa.
Simula nang mawala ang kanyang mga magulang ay hindi na siya nagkaroon ng interes sa mga nararamdaman ng iba dahil hindi niya problema ang problema ng iba.
Habang patuloy siyang naglalakad, nagulat na lamang si Zephyr nang biglang may humila sa laylayan ng kanyang damit dahilan para mapatingin ito dito at napataas na lamang ang kanyang kaliwang kilay ng makita muli ang batang lalake.
"Samahan mo akong hanapin si Mama." pakiusap ng bata sa kanya.
Napagtanto nito na ito ang dahilan ng batang lalake kung kaya ito umiiyak malapit sa palaruan. Tinanggal niya ang pagkakahawak ng batang lalake sa laylayan ng kanyang damit at hindi na lamang niya ito pinansin.
Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa unti-unti niyang naramdaman ang pagsunod ng batang lalake sa kanya kung kaya't huminto ito para pagsabihin ang batang lalake.
"Huwag kang susunod sa akin." walang ganang wika niya.
"Hanapin natin ang Mama ko." nangingilid ang luha ng batang lalake habang nakikiusap sa kanya.
Hindi niya alam pero wala siyang maramdaman na kahit ano at mas lalong hindi nya problema ang problema ng iba.
Tinignan niyang mabuti ang batang lalake mula sa mga mata nito at nabigla siya nang may nakita siyang hindi pangkaraniwan mula dito kaya naman ay agad itong napapikit at kasabay ng kanyang pagpikit ay nawala rin ang kaninang kanyang nakita mula sa mga mata ng batang lalake.
"Baka guni-guni ko lamang iyon." he said at the back of his mind.
Tinignan niya muli ang batang lalake at hinayaan na lamang ito roon.
Pumunta na lang ito sa Coffee House na kung saan ay madalas nitong puntahan dahil na rin sa kahiligan nitong uminom ng kape at dahil na rin iyon ang lugar kung saan siya nakakapag-isa.
Sa kabilang banda, hindi akalain ni Luna na magiging ganito ang resulta ng kanyang ginawa. Ang gusto lamang nito ay ang mapasaya si Zephyr sa mismong kaarawan nito at makita muli ang ngiting hindi na niya nakikita mula noong namatay ang magulang ni Zephyr.
"Luna, tahan na. Alam naman natin ang totoong dahilan kung bakit siya nagkakaganyan kaya intindihin na lamang natin siya." wika ni Ezekiel.
Alam naman talaga ni Luna ang totoong rason kung bakit ganoon na lamang ang inasal ni Zephyr dahil simula pagkabata ay magkaibigan na silang tatlo nila Ezekiel. Pero ang gusto lang naman nito ay ibalik ang dating Zephyr dahil ibang Zephyr na ang nakikita niya ngayon.
Kanina pa umiiyak si Luna at napapatingin na lamang sa mga pagkaing nasa sahig na kung saan ay natapon lahat dahil sa hindi magandang inasal ni Zephyr. Pinaghirapan niya ang mga pagkaing inihanda niya para lamang sa kaarawan ni Zephyr.
"Bakit Zephyr? Bakit?" umiiyak na tanong nito sa kanyang sarili.
"Luna." kita sa mga mata ni Ezekiel ang pag-aalala.
Naalala pa ni Luna noon, ang huling araw na ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Zephyr na kung saan ay ang araw din na nawala sa piling ni Zephyr ang kanyang mga magulang. Naganap ito sa ika-walong kaarawan niya.
[FLASHBACK]
Nasa bahay silang lahat upang ipagdiwang ang kaarawan ni Zephyr. Nais na isurpresa ng kanyang mga magulang si Zephyr kung kaya't naisipan nila itong pagplanuhan.
Tulog pa si Zephyr sa kanyang silid ngunit naroon na sila Luna at Ezekiel para tumulong na umasikaso sa surpresang inihanda ng mga magulang nito. Umalis saglit ang mga magulang nito upang ibili ito ng cake at nang munting regalo.
Nagising na si Zephyr ngunit wala pa rin ang kanyang mga magulang.
"HAPPY BIRTHDAY ZEPHYR!" sabay na bati nila Ezekiel at Luna.
Kita sa mukha ni Zephyr ang saya at galak ng batiin siya ng kanyang mga kaibigan.
"Nasaan sila Mama at Papa?" takang tanong nito.
"Umalis lang pero babalik naman sila kaagad." paliwanag ni Luna sa kanya at nakita niya muli ang kanyang mga ngiti.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaya ay may biglang kumatok.
"Ako na." wika ni Ezekiel.
"Sigurado akong nandyan na ang mga magulang mo na may dalang munting regalo para sayo." masaya wika ni Luna rito.
"Really? What do you think is their gift to me?" nakangiting tugon naman ni Zephyr.
Napalingon naman sina Zephyr at Luna nang marinig ang boses ni Ezekiel.
"Zephyr." nakita nila si Ezekiel na malungkot ng tawagin nito ang pangalan ni Zephyr.
Bitbit ni Ezekiel ang isang kahon ng cake at ang isang maliit na kahon ngunit may bakas ng dugo. Hindi nila alam pero nakaramdam sila ng kaba at takot nang makita ito lalong-lalo na si Zephyr.
Kasama sa binitbit ni Ezekiel ang isang sulat na para kay Zephyr.
Mahal naming Zephyr,
Maligayang kaawaran sayo anak. Pasensya na at hindi namin akalain na mawawala kami sa piling mo nang ganito kaaga at sa maling araw pa. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama. Sadyang mapaglaro ang tadhana anak. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon ay maiintindihan at malalaman mo rin ang katotohanan.
Tunay na nagmamahal,
Mama at Papa
Matapos basahin ni Zephyr ang sulat ng kanyang mga magulang ay sunod-sunod ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga mata. At sabay na dumiretso patakbo sa kanyang kwarto.
Naihulog nya ang maliit na kahon na kung saan ay ang munting regalo ng kanyang mga magulang sa kanya kung kaya naman ay pinulot ito ni Luna at binuksan.
Isang kwintas na hugis bilog na ang kulay ay pula.
Sinubukan nilang kausapin si Zephyr ngunit wala itong balak na kausapin sila. Ilang araw din itong nagkulong sa kanyang silid at halos di na kumain.
Habang tumatagal ay nagiging malamig na ang pakikitungo nito sa kanila. At tila ba wala na siyang pakialam sa ibang tao lalo na sa nararamdaman ng iba.
[END OF FLASHBACK]
Sobrang laki nang pinagbago ni Zephyr mula sa araw na iyon. Hindi na nga halos makilala nila Luna at Ezekiel ang tulad niya dahil ibang-iba siya sa kababata nilang si Zephyr na masayahin at maalalahanin.
Naramdaman na lamang ni Luna ang yakap ni Ezekiel na tila pinaparamdam nito sa kanya na magiging maayos din ang lahat.
Habang nakatanaw si Zephyr sa labas ng Coffee House ay nakita niya muli ang batang lalake dahilan para kumunot ang noo nito.
"Teka~ Parang nangyare na ito." wika nito sa kanyang sarili.
Nakatingin pa rin sya sa batang lalake na papatawid ng kalsada at walang kasamang nakatatanda. At sa hindi inaasahan ay may isang kotseng paparating na napakabilis ng takbo kung kaya mukhang hindi ito mapipigilan. Isang babae ang tumakbo upang sagipin ang batang lalake mula sa paparating na kotse.
Nailigtas ang batang lalake mula sa aksidente ngunit ang babaeng sumagip sa kanya ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.
Nabigla si Zephyr sa nakita niya dahilan para ito ay mapatayo at saka lumabas sa Coffee House. Tinignan muli nito ang batang lalake na kung saan ay muling umiiyak ngayon at yakap-yakap ang babaeng nakahandusay sa sahig na sya pa lang ina nito.
"This is not happening." he whispered.
Napahawak ito sa kanyang ulo dahil naramdaman nito ang biglang pagsakit at kasabay nito ay bigla niyang naalala ang pangyayaring nakita niya mula sa mata ng batang lalake.
Nakita ni Zephyr ang pangyayaring kanyang mismong nasaksihan sa mga mata ng bata nung magatama ang kanilang paningin sa palaruan.
Sa hindi inaashan, sa pagmulat ng kanyang mata galling sa malalim na pag-alala sa pangyayari nakita niya tila tumigil ang lahat at tanging siya lamang ang nakakagalaw.
Litong-lito sya sa mga nangyayare lalo na't hindi ito maipaliwanag ng kung sino man. Hindi niya alam kung ano ba ang mga nangyayari. Mga pangyayari na ngayon niya lang nararanasan.
Sa kabila ng kanyang mga agam-agam mula sa mga pangyayaring kanyang nararanasan bigla na lamang lumiwanag ang kanyang suot na kwintas. Ang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang sa ika-walong kaarawan nito. Tumingin sya sa salamin na kung saan ay nakikita nya ang kanyang sariling repleksyon at sa hindi inaasahan ay ang kaliwang mata nito ay napalitan ng kulay na asul.
Nakita naman ni Ezekiel ang walang malay na si Zephyr sa harapan ng Coffe House na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga tao dahil na rin sa kuryosidad. Agad itong nilapitan ni Ezekiel at kaagad na inalalayan upang iuwi sa bahay.
Habang tinitignan niya ang kanina pang walang malay na si Zephyr ay bigla niyang naalala ang pangyayari kanina, nakita nito kanina mula sa malayo na kung saan nakatayo si Zephyr na tila ay wala sa ulirat na tipong hindi nya napapansin ang mga taong nasa paligid nya. Konting pinagmasdan niya kung anong susunod na gagawin ni Zephyr hanggang sa mawalan ito ng malay.
"He will be better soon. Huwag ka nang mag-alala." wika nito sa kasama nyang si Luna.
"Hindi ko maiwasang mag-aalala sa kanya hanggang ngayon." malungkot na wika ni Luna.
"Magigising din naman mamaya si Zephyr, alam naman natin na malakas siyang tao. Baka masyadong napagod lang siya kakaisip niya sa kanyang nakaraan. Nakaraang dapat na niyang kalimutan at tanggapin." wika nito habang nakatingin sya kay Zephyr na nakahiga sa kanyang kama.
"Gusto ko nang makasama muli ang dating Zephyr. Kung kaya ko lamang na ibalik ang panahon at pigilan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang nagawa ko na para hindi siya nagkakaganito." naiiyak na wika ni Luna.
"Walang may gusto sa nangyari sa mga magulang ni Zephyr. At hindi rin natin alam ang totoong dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya , ang tanging alam lang natin ay wala na sila. Kaya naman mas tatagan natin para kay Zephyr. Kasi kahit hindi niya sabihin sa atin alam kong gusto na rin niyang kalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon." napabuntong hininga na lamang si Ezekiel.
Ang nais lamang ni Ezekiel ay sana dumating na yung araw na minimithi ni Luna, ang masilayan muli ang mga ngiti ni Zephyr at ang bumalik ang pakikitungo nya sa kanila katulad noon na kung saan ay masaya ang kanilang samahan.
"Ayokong dumating sa punto na magiging huli na ang lahat. Huli na para maibalik ang dati nating samahan dahil lang sa nakaraan." bulong ni Ezekiel sa sarili nya.