Chapter 2 - Evil Approach

1734 Words
                                                                                                             "The best way to predict, the future is to create it." Makalipas ang dalawang araw ay wala pa ring malay si Zephyr ngunit ito ay nasa ospital na upang obserhan ang kanyang kalagayan. Nanatili sa tabi nito si Luna habang si Ezekiel ay umalis muna upang bumili ng kanilang makakain. Hinawakan ni Luna ang kamay ni Zephyr. "Come on Zehpyr, wake up. dalawang araw ka ng walang malay hindi ka ba nagugutom?" Malungkot na wika ni Luna sa walang malay na si Zephyr. At sa dalawang araw na walang malay si Zephyr, ito ay patuloy na nananaginip sa sarili nitong mundo na kung saan ay hindi pa rin sya magising-gising. "Where am I?" he asked out of nowhere. It was dark in the place kung kaya't wala itong makita. But he continue to walk in the dark place until he saw a small light ahead on his way. Dahilan para puntahan nya ito at nang malapit na siya sa liwanag ay dumating sap unto na hindi na siya makakita dahil sa sobrang liwanag. Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kahit sobrang liwanag hangagang sa pagmulat niya ay may nakita siyang isang senaryo. Isang senaryo na kung saan ang paligid ay sobrang gulo na halos sira-sirang gusali at iba pang mga sirang bagay na makikita. "What is happening?" he wondered. Lahat ng kanyang katanungan sa isipan ni isa ay walang makuhang kasagutan. Nilibot nya ang kanyang paningin hanggang sa makakita siya ng isang taong may edad na rin. Isang lalaki na ang kulay ng suot nang kanyang damit ay kulay tsokolate. May katangkaran at mukhang nakakaangat sa buhay. Ngumiti ito sa kanya dahilan para makaramdam ito ng pagkailang. Ang lalaki ay lumapit sa kanya habang patuloy na nakangiti. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito dahil ikaw ang bunga nang mismong ginawang kasalanan ng iyong mga magulang." wika ng matanda habang may mapait na ngiti. Napakunot ang noo ni Zephyr sa sinabi ng matanda. Hindi nya maintindihan ang ibig sabihin nito. "What did you say? I don't remember that I had done bad things to you. And why my parents is involve? What did they do to make you say this kind of things?" tanong nya sa matanda ngunit hindi siya nito sinagot bagkus binigyan lang siya nito ng isang mapait na ngiti. Sa patuloy na paglayo ng matanda ay biglang nagbago ang senaryo na kanyang nakikita at napunta sya sa isang hardin na makikita sa kanilang paaralan na kung tawagin ay 'Highness Academy' na kung saan na ang hardin ay pinalilibutan ng mga bulaklak at sa gitna nito ay may isang matayog at matandang puno. "Why I am here?" he asked back at his mind again. Habang nililibot niya ang kanyang paningin sa malawak at mapayapang hardin ay may nakita siyang apat na taong nakasilong malapit sa matayog at matandang puno. "ZEPHYR! HALIKA DITO!" Wika nilang lahat. Kung kaya naisipan niya itong puntahan, ngunit habang papalapit siya sa kinaroroonan ng apat ay hindi niya na maaninag ang mga itsura nila dahil unti-unting lumiwanag ang kanyang paligid na kung saan ay sa pagsabay nang pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita nya ang puting kisame. "Zephyr? Gising na siya!" Natatarantang wika ni Luna nang makitang nagising na si Zephyr. Napahawak na lamang sa ulo si Zephyr ng makaramdam ito ng kirot. Sinubukan nitong umupo mula sa pagkakahiga ngunit mahirap ito para sa kanya. "Huwag ka munang gumalaw, magpahinga ka muna." Bilin sa kanya ni Luna. At dahil matigas ang ulo ni Zephyr ay di niya ito pinakinggan sa halip ay umayos pa rin ito ng upo habang hawak-hawak ang kanyang ulo gamit ng kanyang kanang kamay, inalalayan naman siya ni Luna. "Buti naman at nagising kana." Wika ni Luna kay Zephyr nang makaupo na ito. Inilibot ni Zephyr ang kanyang paningin. "Nasaan ako?" Walang ganang tanong nito. "Nandito ka sa ospital, dalawang araw ka na walang malay. Dinala ka namin agad dito nung nakita ka naming walang malay. " Pagpapaliwanag ni Luna. Tumango-tango na lamang ito nang marinig ang paliwanag ni Luna. "Umuwi na tayo." Walang emosyong wika nito atsaka tumayo at tinanggal ang mga aparatos na nakatusok sa kanya. Naglakad ito patungo sa pintuan upang lumabas na ngunit pinigilan sya ni Luna dahilan para tumigil ito sa paglalakad. "Hindi ka pa pwedeng umalis. Hindi pa natin nasisiguro kung ayos na ba ang kalagayan mo. Mas nakakabuti kung dito ka muna at antayin ang resulta atsaka ka namin ihahatid sa inyo." Nakikiusap ni Luna. "Gusto ko nang umuwi." Tugon nito sa kanya. Biglang bumukas ang pinto kung saan nandoon si Ezekiel na bitbit ang mga biniling pagkain. Ngumiti ito ng makita si Zephyr, isinarado nito ang pintuan ng makapasok ng silid. "Buti naman at gising kana." Wika nito at tsaka ibinaba ang mga biniling pagkain sa mesa. Habang siya ay nag-aayos ng mga napamili, na pansin niya na wala na ang swero ni Zephyr at handa na siyang lumisan sa ospital. "Zephyr, magpahinga ka muna. Dito ka muna magpalipas ng gabi." Wika ulit ni Luna. "Uuwi na ako." Malamig na wika nito. "Hindi ka aalis." Seryosong wika sa kanya ni Ezekiel. Napalingon naman si Zephyr nang dahil sa sinabi ni Ezekiel sa kanya at napagtanto rin nito na iba ang tono ng boses nang pagkakasabi sa kanya. Boses na tila na may awtotidad at pag-aalala.  Hindi niya na lamang ito binigyang pansin at patuloy na umalis nang silid. Narinig man niya ang pagtawag sa kanyang pangalan ay wala itong balak na lumingon pa. Simula nang maganap ang kanyang kaarawan at ang kasabay na aksidenteng kanyang nasaksikahan ay hindi niya maipaliwanag ang mga nangyayare. Tila ba'y hindi ito maproseso sa kanyang isipan. Lalo na ang kanyang panaginip na hindi niya maintindihan kung bakit nadamay ang kanyang mga magulang at kung bakit siya ang bunga ng kasalanan. Nagising ito ng maaga dahil na rin sa ingay ng taong kumakatok ng kanyang pintuan sa kanyang silid. "F*ck. Sino ba yun? Ang aga naman mambulabog." wika niya sa kanyang sarili. Agad naman itong tumayo para pagbuksan ang taong kanina pang kumakatok. "Buti naman at nagising kana. Mag-ayos kana nang iyong sarili at sabay na rin tayong pumasok sa eskwelahan." Nakangiting wika ni Luna. Matapos mag-ayos ni Zephyr nang kanyang sarili ay dire-diretso itong lumabas ng kanyang silid bitbit ang kanyang mga gamit. "Tara na." malamig na wika ni Zephyr kay Luna ngunit nakangiti pa rin si Luna sa kanya. Nang makarating sa Highness Academy na ang kanilang pinapasukan ay may iniabot si Luna kay Zephyr. "Ano ang gagawin ko dito?" tanong ni Zephyr kay Luna habang hawak ang paper bag na binigay sa kanya. "Kainin mo ito dahil hindi ka nakapag-almusal kanina." Wika ni Luna. Nang marinig niya ang sagot ay agad naman umalis si Zephyr nang walang iniiwang salita kay Luna. Habang naglalakad si Zephyr sa hallway ay maraming kababaihan ang napapatili at kinikilig ito'y dahil sa kanyang angking kagwapuhan at katalinuhan na taglay. Dahil sa katangian na iyon ay maraming nakakakilala sa kanya pero hindi naman ito binibigyang pansin ni Zephyr, nang makarating sa kanyang silid ay agad na itong pumwesto sa kanyang upuan. Nang makaupo na siya ay agad siyang tumungo sa kanyang mesa upang matulog muli. "Mr. Buenafuertez." tawag sa kanya ng guro ng mahuli itong natutulog sa klase. Nagising naman agad si Zephyr ng dahil kay Ezekiel na kanyang kaklase rin. "Tinatawag ka ni Ma'am." bulong ni Ezekiel. Agad na tumingin si Zephyr sa guro. "Stand up." utos nito sa kanya. Tumayo naman ng tuwid si Zephyr. "What is force in physics?" tanong sa kanya ng guro. "Force is a quantitative description of an interaction that causes a change in an object's motion. An object may speed up, slow down, or change direction in response to a force. Objects are pushed or pulled by forces acting on them." tugon na sagot ni Zephyr sa kanyang guro dahilan na mapahanga ito. "Good. Pero sana huwag ka ng matutulog sa klase ko dahil ito ay eskwelahan at hindi bahay." wika ng kanyang guro. Nang matapos ang klase ay agad na itong lumabas ng silid. "Zephyr saglit." sigaw ni Ezekiel sa kanya. Napahinto sa paglalakad si Zephyr at tinignan ang kanyang kaibigan. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. "Coffee House." sagot nito. "Sama ako." nakangiting wika sa kanya ni Ezekiel. Patuloy na lamang naglakad si Zephyr at sumunod na lang din sa kanya si Ezekiel sa paglalakad. Habang naglalakad patungo sa Coffee House ay di maiwasan ni Zehpyr na hindi isipin muli ang mga pangyayari at kahit si Ezekiel ay napapaisip rin dahil sa ikinikilos ni Zephyr na sadyang nakakapanibago. Dahil sa lalim nang kanyang pag-iisip ay hindi nya namalayang may nakabunggo ito ng hindi sinasadya. Isang matandang lalake na may edad na rin. "Pasensya na hijo." pagpapaumanhin sa kanya nang matanda. Tinignan lamang ito ni Zephyr at napagtanto nito na parang pamilyar ang taong iyon at parang nagkita na sila ngunit hindi lamang niya matandaan kung saan at kailan niya ito nakita. "Pasensya na rin po hindi po niya sinasadya." paghihingi ng pasensya ni Ezekiel sa matanda. Ngumiti naman ang matanda kay Ezekiel atsaka tumingin muli ang matanda kay Zephyr at nginitian din ito. Nakaramdam si Zephyr nang awkwardness sa pagitan nila. Nang matapos ang klase ay agad na itong lumabas ng silid. "Zephyr saglit." sigaw ni Ezekiel sa kanya. Napahinto sa paglalakad si Zephyr at tinignan ang kanyang kaibigan. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. "Coffee House." sagot nito. "Sama ako." nakangiting wika sa kanya ni Ezekiel. Patuloy na lamang naglakad si Zephyr at sumunod na lang din sa kanya si Ezekiel sa paglalakad. Habang naglalakad patungo sa Coffee House ay di maiwasan ni Zehpyr na hindi isipin muli ang mga pangyayari at kahit si Ezekiel ay napapaisip rin dahil sa ikinikilos ni Zephyr na sadyang nakakapanibago. Dahil sa lalim nang kanyang pag-iisip ay hindi nya namalayang may nakabunggo ito ng hindi sinasadya. Isang matandang lalake na may edad na rin. "Pasensya na hijo." pagpapaumanhin sa kanya nang matanda. Tinignan lamang ito ni Zephyr at napagtanto nito na parang pamilyar ang taong iyon at parang nagkita na sila ngunit hindi lamang niya matandaan kung saan at kailan niya ito nakita. "Pasensya na rin po hindi po niya sinasadya." paghihingi ng pasensya ni Ezekiel sa matanda. Ngumiti naman ang matanda kay Ezekiel atsaka tumingin muli ang matanda kay Zephyr at nginitian din ito. Nakaramdam si Zephyr nang awkwardness sa pagitan nila. "Ako pala si Magnus." pagpapakilala ng matandang lalake sa kanila atsaka inabot ang kanyang kamay. Tinitigan lamang ito ni Zephyr kung kaya si Ezekiel na ang tumugon dito. "Ezekiel po pala at ang kasama ko po ay si Zephyr. Pasensya na po ulit." tugon nito. Ngumiti muli sa kanila ang matanda. "Nagagalak akong makilala kayo. At wala na yung kanina" wika ng matandang lalake na nagngangalang Magnus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD