CHAPTER 4: ELITES

699 Words
Pagkauwi ni Zephyr galing sa eskwelahan ay agad itong tumungo sa kanyang silid at agad na humiga sa kanyang kama. Bigla nya muli naalala ang kanyang mga magulang dahilan ito ay mapabuntong hininga ng wala sa oras. Umupo ito sa gilid ng kanyang kama at may kinuhang maliit na kahon. Nakita nya muli ang sulat ng kanyang mga magulang at halos may kalumaan na rin ito. Muli nya itong binuklat at kasabay nito ang mga alaalang nangyare noon sa kanyang ikawalong kaarawan. Ngunit nagulat ito ng biglang lumiwanag muli ang kanyang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. At di nito inaasahan na sa sulat na ibinigay ng kanyang mga magulang ay may nadagdag na mga salita na kung saan ay lumiwanag din ang bawat letrang sumusulat sa papel na hawak nito. Anak, may dapat ka ring malaman ngayong ika’y nasa tamang edad na rin. Gusto namin ng iyong ama na alamin mo ang iyong natatagong kapangyarihan. Isa kang elite anak, ipinanganak kitang isang elite. Hindi tayo isang pang-karaniwang tao katulad ng iba, tayo’y nakikisalamuha lamang sa kanila. Ngunit marami ka pang kailangan alamin lalo na sa iyong pagkatao. Basa nito sa sulat ng kanyang mga magulang. Mas lalong naguluhan si Zephyr lalo na sa kanyang nalaman na halos ay di pa maproseso sa kanyang isipan. Muli nitong naalala ang aksidenteng nasaksihan nya na may kinalaman ang batang lalake at ang nakita nitong pangitain. “Hindi kaya~” Pagtatanto nito sa kanyang sarili. Napatingin naman ito sa salamin at nakita nya ang kanyang sariling repleksyon. Muling naging asul ang kaliwang mata nito, hindi ito ang unang beses na nakita nya ito dahil ang una ay sa mismong harap nang Coffee House nya ito nakita. “Isa akong elite at hindi ako isang pang-karaniwang tao.” Bulong nito sa kanyang sarili. Bigla naman may kumatok sa pintuan at agad itong nabalik sa realidad. Tumingin muli ito sa salamin at nakitang normal na ulit ang kulay ng kanyang kaliwang mata. Agad itong dumiretso sa may pintuan upang pagbuksan ng pinto ang nasa likod nito. “Magandang umaga.” Wika ng isang lalake na tila may edad nang dalawampu’t lima. “Sino po sila? Ano pong kailangan nyo?” Walang ganang bati ni Zephyr. Biglang pumasok ang lalake na tila inilibot ang kanyang mga paningin sa loob ng tinitirhan ni Zephyr at nagulat na lamang si Zephyr sa inakto ng lalake dahil sa biglaang pagpasok nito. “Dito ka pala nakatira.” Wika muli ng lalake. “Maaari na po kayong umalis.” Naiinis na wika ni Zephyr. “Kilala ko ang iyong mga magulang.” Nakangiting wika ng lalake. Agad na napintig ang tenga ni Zephyr nang marinig ang kanyang mga magulang. “Kilala mo?” Tanong nito. “Isa kang elite Zephyr. Ibinilin ka sa akin ng iyong mga magulang bago ito mawala.” Paliwanag nito. Nagulat naman si Zephyr dahil alam ng lalakeng ito na isa syang elite kaya medyo kumbinsido rin sya dahil alam din nang lalake ang pagkawala sa mundong ito ng kanyang mga magulang. “Pasensya na kung hindi ako nagpakilala agad. Ako nga pala si Theodore ang isa sa mga naging malapit na kaibigan ng iyong mga magulang.” Pagpapakilala nito. Dahil dito ay saglit na tumuloy si Theodore kay Zephyr upang ipaliwanag ang lahat lalo na ang pagiging isang elite nito. Seryosong nakikinig nang mabuti si Zephyr sa mga sinasabing  impormasyon sa kanya ni Theodore. Pero kahit sandali lang silang nagkakilala ay nakuha agad ni Theodore ang tiwala ni Zephyr. “Nais kong malaman kung nararamdaman mo na ba ang kapangyarihan mo?” Tanong sa kanya ni Theodore. “Hindi ko pa po nasisiguro.” Wika ni Zephyr na alanganin pa. “Mukhang kailangan na kitang dalhin sa ating mundo. Isang mundo na kung saan ay ang mga elites ang magkakasamang namumuhay at nagsasanay ng kanilang mga sarili.” Paliwanag ni Theodore. Tila namangha si Zephyr sa kanyang nalaman, hindi nya akalain na mayroon din silang mundo. At nagulat si Zephyr sa kanyang nakita nang biglang lumutang ang tasang may lamang kape ni Theodore. Dahil sa nakikita ni Theodore na pagkamangha ni Zephyr sa kanyang ginagawa ay napangiti ito. “Hindi kayo nagkakalayo ng iyong ama. Parehas na parehas ang inyong reaksyon kapag may nakitang nakakamanghang bagay.” Nakangiting wika ni Theodore. Wala mang tugon na reaksyon si Zephyr kay Theodore ngunit sa loob nito ay masaya ito dahil naaalala nya muli ang kanyang mga magulang at masaya syang malaman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD