Something Unxepected

1620 Words
CHAPTER 2 Something Unexpected (Nikah's POV) "...manong bayad po, isang tropical.." umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng jeepney na akin sinasakyan ngayong araw, sa lakas ba naman kasi ng pagpapaatugtog ng lalaking katabi ng driver, eh kakailanganin mo talagang sabayan ang tunog na nagmumula sa stereo ng jeep. Buti na lang ay may isang lalaki ang nag abot ng bayad ko na kanina ko pa pilit na inaabot. Hay buhay... araw araw mula Lunes hanggang Biyernes ay kailangan kong gumising ng alas-4 ng umaga upang pumasok sa akin trabaho na isang oras at kalahati ang kailangan kong bunuin sa biyahe araw araw, pwera na lang kung traffic sa aming lugar eh may kasama pang mahabang lakaran ang kailangan mong gawin para makauwi sa bahay namin. Ako nga pala si Nikah Paulino, 20 years old at isang teacher sa isang maliit na private school.. umh... bakit maliit na private school? Kasi 4 na taon palang itong bukas. Napasok lang ako dito kasi kaibigan ng Nanay ko ang may-ari nito, kung baga utang na loob lang mula sa mga taong tumulong sa nanay mo, kaya ko napilitan pumasok sa eskuwelahan na kulang pa sa pagkain at pamasahe mo ang sweldo.. well okay lang yan sa ngayon, pero sabi ko sa sarili ko, kapag ako nakakuha na ng exam na para sa Teacher... diretso na ako na apply sa mga public school.. kahit mahirap kasi ang trabaho dun.. alam mo na may mararating ang buhay mo dahil sapat ang sweldo at malaki ang benefits. Idagdag mo pa ang fulfillment kasi alam mong nakatutulong ka sa mahihirao o kapos sa buhay. Kasama ko sa bahay ang Nanay at Tatay ko... pati na rin ang dalawa kong kapatid.. mayron akong ate at kuya. Maya maya hinila ko na ang kulay asul na tali na nagsasabi sa driver na may bababa.. kahit sumigaw ka siguro ng "para po,bababa na ako" eh di ka nito maririnig dahil sa rak'en rol na kanta nito. Paghinto ng jeep eh agad nang tumayo ang ibang pasahero na nakipag unahan pa sa akin makababa kahit ako yung mas malapit sa pinto ng jeep.. yung totoo mauubusan ba sila ng jeep? Agad na akong tumayo nang makaraan na ang lahat.. hinawakan ko ang dress ko kahit baka masilipan ako sa likuran ko... mga lalaki pa naman ngayon ang natira sa loob. Pakalabas ko ng jeep, agad kong inayos ang damit ko na medyo nalukot at hinila pababa ang dress na suot.. mas comfortable kasi ako na magsuot ng ganitong damit sa trabaho kesa mag slack or pantalon.. ayoko nun. Nag umpisa na akong maglakad ng mapansin kong may isang lalaking makaupo sa unang baitang ng foot bridge kung saan eh araw araw kong inaakyat para ligtas na makarating sa kabilang kalsada kung saan eh sasakay pa ako ng isang jeep na maghahatid sa akin sa school. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin, damang damanm ko ang mga mata niyang nakatuon sa akin.. inayos ko ulit yung damit ko since madadaan ako sa kanya.. makuha pa niya akong kindatan.. yung totoo.. nakadrugs ba to?! pero di ko na lang pinasin... may mga lalaki talagang ganon.. malakas magtrip... agad ko siyang nilagpasan at nagpatuloy ng umakyat sa footbridge. Binilisan ko ang lakad nag marating ko ang tuktok ng footbridge.. natatakot kasi ako dito eh. May fear of heights kasi ako. "Good morning" halos mapatalon ako sa gulat ng may bumati sa akin..alam ko kasi na wala akong kakilala sa mga kasabay kong naglalakad. Tiningnan ko yung bumati sa akin na kasabay kong naglalakad at laking gulat ko nang makita yung lalaking nakaupo sa hagdan kanina.. na ngayon atmy nakangiti sa akin. Lalo ko pang binilisan yung lakad ko para iwasan sya, pero binilisan lang din niya yung lakad niya. Holdaper yata to. "Miss, I said good morning to you..would you like to greet me back.." preskong sabi nito.. di ko siya nilingon at tuloy tuloy lang ang lakad ko. "I'm Kai, what's your name?" He asks pero kagaya ng kanina.. di ko sya tinignan at hindi ako lumingon sa kanya. "Can I have your number?" Tanong nito.. ngayon eh pababa na ako ng footbridge at mukhang mag aantay pa ako dahil wala akong makitang jeep na nakapila sa loading station. "Kapag sinabi mo yung name mo di na kita kukulitin, lalo na kung sasabihin mo yung number mo..please.. pretty please" kaagad ko siyang hinarap.. di naman talaga ako mataray.. pero tong lalaking tong.. siya ang magpapaakulo ng akin dugo. Lord sorry po kung pinapatay ko sya sa utak ko. "Pwede ba tigilan mo nga ako!" Sabi ko at agad sumakay sa jeep na tumigil sa station. "Wait...." narinig kong sigaw niya.. hayaan mo sya. Nakahingan ako ng maluwag ng umandar na ang jeep at hindi na sya sumunod. Sabi na nga ba nagtritrip lang yun. ***** Napabuntong hininga na lang ako nag makita kong ala-1 na... tsk.. di pa ako kumakain ng tanghalian... ngayon lang kasi natapos ang isa na namang wild na klase.. idagdag mo pa yung pagkabadtrip ko dahil nawawala yung I.D. ko.. di ko alam kung saan nalaglag. Hinalungkat kkm na ang bag ko para kunin ang wallet ko, bibili na lang ako sa canteen ng tinapay at kape... mamaya na lang ako sa bahay kakaaun ng kanin. Ngunit mapukaw ang attention ko dahil nakita kong nagbibiblink yung ilaw ng cellphone ko... ibig sabihin may nagtext.. naku baka isang parent na naman to na nagrereklamo na hindi maintindihan ang sulat na anak niya.. Seryoso.. 10 missed calls and 25 message.. number lang yung nagtext di ko kilala.. kaya binasa ko yung text niya, pero di ko nirepplyan.. From: 0915******* Hi! Busy much? Hi miss beautiful... Nikah is your name.. so cute.. bagay na bagay sayo. Ui reply naman dyan. I'm calling you.. please answer it. Waiting..... Hi nagmeryenda ka na ba? Busy ka ba talaga, or you just ignoring me? Nikah.. answer my call. Please.. pretty please. ....so on and so for.. sino ba to..ang daming text and call pero di naman nagpapakilala. Bigla ko tuloy naalala yung tito ng isa kong student, nagtetext din yun noon sa akin, pero di ko nirereplay.. pero iba itong number na to. Oh, well.. hayaan mo na.. tinago ko na yumg cellphone at tumayo na ako para bumili ng pagkain.. "Ma'am Nikah, may nagpapabigay po.." salubong sa akin ng taga linis dito. Napakunot ang noo ko, at inisip kung sino ang nagpadala nito.. kasi parang saktong sakto yung pinadala nung tao, food for lunch na galinh sa paborito kong fastfood at coffee galing sa isang sikat na coffee store dito, minsan lang ako bumibili doon kasi alam ko mahal.. di lang yun, dahil may pinadala din syang dark chocolate na sobrang paborito ko. "Kanino po to galing Manang" Takang tanong ko Di muna sumagot si Manang at nilapag muna niya sa table ko yung mga dala dala niya, "Di ko natanong ung pangalan niya Ma'am, basta, kanina pa sya nakatambay sa labas, kala ko nga isa sa mga sundo.. tanong lang sya nang tanong tungkol sayo..tapos di ko namamalayan na sagot din ako ng sagot tungkol sayo.. tapos yung umalis na sya.. tapos bumalik dala dala to... pero umalis din sya kaagad" mahabang paliwanag sa akin ni Manabg, agad naman akong napailing.. si Manang talaga, chinismis pa ako sa iba. "Sige po ma'am aalis na po ako... "sabi niya. "Salamat po Manang" at tuluyan nang nagmartsa si Manang palabas ng classroom ko. Umupo na ako at tinignan yung mga pagkaing nasa lamesa ko. Sino kaya nagbigay nito. Napansin kong nakailaw yung cellphone ko.. kaagaad ko tong kinuha... Calling.... 0915******* Wait ito yung tumatawag at kanina pang nagtetext. Sino kaya to... sasagutin ko ba? Bigla ko tuloy naalala yung lalaki kanina.. possible kayang sya to.. pero di ko naman binigay yung pangalan at number ko, di kaya sya yung nagpulot ng I.D. ko? Tumigil na sa pagring yung phone ko.. pero nagulat ako ng magring ulit.. yung number ulit.. sasagutin ko ba? Bahala na nga.. humingan muna ako ng malamim bago sagutin yung telepono... "Finally, you pick it up.." narinig kong sabi niya sa kabilang linya... "Alam mo bang.. gusto ko nang ibato yung phone ko dahil sa inis... ayaw mo kasing sumagot.." Sabi pa nito.. ano to.. feeling close wala man lang hello or this is.... ayos to ha. "Who's this? What do you need?" Masungit na tanong ko. "Oh I'm sorry.. I forgot to introduce myself..this is Kai, remember.. the guy earlier.." Narinig kong sabi nito.. oh jeez.. sya nga.. "Nasayo ba yung I.D. ko?!" Tanong ko kaagad sa kanya. "You're already welcome" preskong sagot nito sa akin. "I'm not thanking you anyway.. nasayo ba ang I.D. ko?" Asar na tanong ko. Kahangin ng taong to. "Yes I have it.. " sagot nito sa tanong ko.. sasagot pa sana ako pero nagsalita na siya agad. "By the way, nagustuhan mo na yung pinadala ko?" Tanong nito, napatingin ako sa mga pagkain nasa lamesa ko, so lahat to sa kanya galing? "Dont worry walang gayuma yan or anything.. it's out of love..so eat that, baka pumayat ka.. lagpas tanghalian na, pero di ka pa nakakakain.." sabi nito... baliw ba tong isang to. Pero ibang klase din mageffort to isang to. "Eat well princess" sabi nito. I don't know, pero there's a sound of being concern in his voice. "Thank you" iyon nablamang ang nasagot ko sa kanya. "By the way, yung I.D. ko, baka pwedeng makuha ko sayo.." sabi ko. "Of course you can, meet me sa i'll centra mall mamayang 5p.m. I'll wait for you...bye" Sasagot pa sana ako pero biglang binababa niya yung tawag niya. Bastos. Mamaya ko na nga lang siya itetext. Uunahin ko muna ang kalam ng tiyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD