CHAPTER 3 I’ll Make You…

1823 Words
(Nikah's POV)   Sa totoo lang... inis na inis pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon, kung bakit naisip ko pang kunin yung I.D. ko sa lalaking yun, kung tutuosin di naman ako matatagal sa trabaho kung wala man yun, di rin naman niya mapapakinabangan yung mga nahulog ko sa SSS, Philhealth at Pag-Ibig.. tsk.. isa kang Bobita.. baka isipin pa nun gusto ko syang makita o ano.   Naisip ko nga na wag nang pumunta sa usapan namin, pero naisip ko rin na baka hindi niya ako tigilan, since alam niya kung saan ang trabaho ko..at nandun din sa I.D. ko ang address ng bahay namin.. baka pumunta pa yun dun. Kaya sa ayaw at talagang ayaw ko naman..eh napilitan na lang akong puntahan sya...   Maaga akong nakarating sa mall na sinabi niya kaya pumunta ako sa isang kilalang bookstore.. hahanap muna ako nang librong bibilin ko sa susunod na sweldo.   Maliban sa pagtuturo at pagiging teacher, mahilig din akong magbasa ng mga libro.. karaniwan mga Pop fiction, di ako mahilig sa mga novel na sinulat ng mga sikat na author.. tutal karamihan naman ng mga novels eh ginagawang pelikula.   Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang set ng librong sinulat ng paborito kong author.. bale yung lahat ng librong sinulat niya eh nandun.. mga 10 piraso din yun at nakalagay pa sa isang magandang box..may nakalagay pa sa box na 'limited edition only' shocks gusto ko to.   Kaagad kong hinanap ang tag price nito at nanlumo ako nang makita ang presyo nito... tsk.. kulang pa ang sweldo ko.   'Di bale nabasa mo na naman yung iba nito to eh' malungkot na sabi ko sa sarili ko. Totoo na nabasa ko na ang ibang libro niya, madalas akong maghiram sa mga classmate ko na afford bumili ng libro nung college pa ako. At kahit may trabaho na ako ngayon, di ko pa rin magawang makabili ng libro niya, medyo mahal kasi.   Nakatitig lang ako sa hawak hawak kong box nang may magsalita sa gilid ko.   "Baka matunaw yan.." agad akong napatingin sa gilid ko at laking gulat ko nang makita yung lalaking dahilan kung bat ako nandito ngayon.   Ibang iba yung itsura niya ngayon ha, kaninang umaga kasi nakasuot siya ng loose longsleeves na kulay black, tapos medyo magulo pa yung buhok niya, pero ngayon nakabusiness attire siya, aanimin ko na ang gwapo niyang tignan ngayon.   "So tititigan mo na lang ba ako? Pwede mo naman akong ikiss kung gusto mo.." pilyong sabi nito na naging dahilan para bumalik ako sa realidad.   Kaagad ko naman binalik yung box na naglalaman ng libro ng paborito kong author, para magkaroon ako ng reason na umiwas ng tingin sa kanya..ang awkward kaya.   "Nasan na yung I.D. ko?" Tanong ko sa kanya, pero parang hangin lang ako dahil parang wala siyang narinig, nagawa pa niyang lumapit sa kinatatayuan ko at kinuha yung box na nasa estante na ngayon.   "Gusto mo ba to?" Tanong niya sa akin, napatingin tuloy ako sa kanya..pero parang wrong move kasi nakatingin din sya sa akin.   "Alam mo, kapitbahay ko lang yung author na to..." sabi sa sa akin habang nakaturo sa nakasulat na pangalan ng author sa box.   "Weh, di nga?" Manghang tanong ko sa kanya.   "Yes, sya nga yung unang unang nakabayad ng condo unit niya sa building namin.." sabi nito. So sa isang condo building pala nakatira to.. wala sa itsura niya ha.   "Would you like me to buy it for you?" Tanong nito sa akin.   Agad naman akong umiling, "no need, nabasa ko na naman yan." Sabi ko.   "How?" Tanong niya ulit sa akin.   "Hiniram ko sa mga friends kong nakabili ng libro niya.." sagot ko sa tanong niya.   "Kung avid fan ka talaga niya, you should have this.. ang alam ko may handprinted signature siya dito.." sabi niya habang nakatuon ang mga mata niya sa akin.   "Bibilin ko naman yan, pero di pa ngayon" sagot ko sa kanya.   "How? Eh mukha yung sweldo mo eh kulang pa para mabili to." Seryosong sagot nito sa akin.   Agad naman akong nakaramdam ng inis mula sa sinabi niya...   "How? Eh mukha yung sweldo mo eh kulang pa para mabili to."   ...oo tama sya.. kulang nga siguro ang sweldo ko para mabili to.. pero di naman kami close para sabihin niya yun.   "Close ba tayo? Akina nga yung I.D. ko!"... inis na sabi ko sa kanya   "Di nga siguro tayo close.. but someday..magiging close din tayo...kasi nagkakagusto ka din sa akin" preskong sagot nito sa akin. Ang kapal.. ang kapal ng mukha.   "Pwede ba, magkape ka nga para kabahan ka naman paminsan minsan, at isa pa, di ako magkakagusto sa isang katulad mo, feeling pogi at ubod ng yabang!" Sabi ko sa kanya.. napakapresko talaga ng lalaki to.   "Don't worry I'll make you.. I'll make you fall in love with me..." pagkatapos niyang sabihin yung at nilapit pa niya amg mukha niya sa akin at nakuha pa akong kindatan.   Halos di naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa ginawa niya. Naramdaman ko naman na lumakad na siya palayo sa akin. Pinakiramdaman ko pa yung kamay ko kung may nakaipit na I.D. ko.... pero wala.   "Hoy I.D. ko..." sinundan ko siya sa paglalakad.. papunta siya sa counter para bayaran yung isang set ng libro... siguro avid fan din siya nun.. kaya kinukumbinsi din niya akong bumili.   "I will give it to you.. pero samahan mo muna akong kumain.." sabi nito.   "Di na.. kailangan ko nang umuwe.. inaantay ako sa bahay.." sagot ko naman.. bakit sino ba sya... i.d. ko lang ang kailangan ko. Di naman ako inaantay sa bahay.. pero mahirap na kasi sumakay pauwe.. kapag inabot pa ako ng 6 dito... mahaba na ang pila para makasakay ng fx.   "Just do whatever I say.. promise I will give it to you" sagot nito at binigyan pa ako ng ngiti.   *****   "Ano ba, kailangan ko nang umuwe." Naiiritang sabi ko sa lalaking kasama ko. Sa totoo lang kanina pa kami palakad lakad at hanap ng hanap ng cellphone, ano ba tong lalaki na to.   "Just wait.. I'm looking for a perfect cellphone and I'm going to give it to a perfect girl" sagot nito habang nakatingin sa mga nakadisplay na cellphone.   "Alam mo, dapat sinama mo na lang yung girlfriend mo sa pamimili mo ng cellphone.. di yung ako pa yung pinag-aantay mo.. akin na kasi yung I.D. ko." Sagot ko sa kanya.. medyo nakakahiya nga.. kasi pinagtitingin kami ng ibang tao.. napalakas yata yung boses ko.   "You know what.. ibibigay ko din naman sayo yung i.d. mo eh.. kaya relax ka lang dyan." Sagot nito.. bigla naman siyang napahawak sa baba niya..alam mo yun... yung parang nag-iisip sya.   "Bakit ba di ko kaagad naisip yung.. you can help me by the way.. why dont you just pick me a phone that you think is perfect for her" sabi nito na may kasama pang turo sa akin. Yung totoo.. alalay ba ako.   "Alalay mo ba ako?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.   "Looks like you dont like to help me.. then, mukhang matatagalan tayo dito" sabi nito.. ano matatagalan. Pero gusto ko nang umuwe.   "Okey fine..." sabi ko sa kanya.. kaagad ko naman nilibot ang mata ko at tinuro sa kanya ang iphone 6+ na nakita ko.. tignan natin kung mabili niya yan.   Kaagad naman siya lumapit sa saleslady ng store.." miss I'll pay for 1 iphone 6+, the black one please" sabi nito..sabay abot ng card niya.. napanganga na lang ako dahil di ko inaakala na sasakyan talaga niya ang pang-aasar ko.   "Di ko alam na magaling ka palang pumili ng perfect gift..sana nga lang magustuhan niya yun..at isang pa makatulad na kami ng phone" sabi nito sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.. siguro drug lord tong isang to.. mayaman eh.   Kaagad na kami lumabas ng store ng iabot ng saleslady yung cellphone na binili niya... ang swerte naman ng girlfriend niya.. kaagad naman akong nakaramdam na parang gusto kong batukan itong isang to.. ano ang ibig niyang sabihin kanina ng "I'll make you fall for me" eh may girlfriend na pala sya... aba balak pa yata akong gawing kabit nito. .aba di ako papayag.   Magsasalita na sana ako.. nagbigla din syang magsalita...   "San mo gustong kumain?" Tanong nito.   "Wag na uuwi na ako, akin na I.d. ko.." walang ganang sagot ko sa kanya.   Ngunit may pagkabingi yata tong isang to dahil bigla nalang niya akong hinila sa braso papunta sa... papunta sa.... sa..wait! Papunta kaming Mcdo! Yes sa Mcdo.. ang favorite kong fastfood.   "Hanap ka na ng upuan..oorder na ako" sabi nito. Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya, bakit.. masaya lang ako dahil after one week makakakain din ako sa Mcdo.   *****   "Oh, tapos na tayong kumain, akin na yung I.d. ko" sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon.   Kaagad naman siyang kumapa sa bulsa niya at nilabas ang isang maliit ng envelope.   "Here..." agad ko namab kunuha yun at tinignan yung laman. Napangiti na lang ako ng makita yung I.d. ko sa loob.   "Did you enjoy this day?" Tanong nito sa akin. Agad naman nawala yung ngiti ko at inisip kung nagenjoy nga ba ako ngayong araw na to.   "Medyo lang, salamat sa treat mong mcdo ha, thank you din sa pagbabalik ng i.d. ko" sabi ko. Masaya na din ako dahil may isang taong nagpakain sa akin sa mcdo. Nakita ko na ngumiti din sya.   "I hope this is not the last" sabi niya sa akin. Agad naman napataas ang kilay ko sa kanya. "Oh, ito na yung last no.. wala nang next time.. baka magselos pa yung girlfriend" mataray na sagot ko.. pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng medyo malakas with macthing tap pa sa table. Baliw baliwan lang ang peg?   "I don't have a girlfriend and I'm serious" lalong tumaas ang kilay ko ng bilang sumeryoso yung mukha niya pagkatapos niyang sabihin yun.   "Alam mo, uuwi na ako, salamat ha" kaagad na akong tumayo sa lamesa.   "Ui saglit lang.." sigaw nito sa akin, pero lumakad lang ako palabas ng fastfood.   Kaagad siyang tumayo sa harapan ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. "Kaw di naman tayo close pero niloloko mo na ako!" Inis na sabi ko sa kanya.   "Sige na, uuwi na ako, salamat sa treat ha" sabi ko sa kanya, binigyan ko din siya ng isang ngiti.. pagiging grateful lang ba.   Naratinig ko ang terminal ng fx sa labas ng mall.. plano ko sanang bumili ng bagong simcard, pero di ko nagawa, nasa likuran ko kasi sya.   "Gusto mo bang ihatid kita?" Tanong nito sa akin. Umiling na lang ako sa kanya... bukas na lang ako bibili ng simcard.   "Sige..ingat ka ha" sabi nito sabay kindat.. di pa man ako nakakasagot eh lumakad na siya palayo.   I'll make...make inlove ka pang nalalaman ha.. lakas din ng loob ng isang yun ha. Ito ang tandaan mo mister na hindi ko alam ang pangalan... hindi ako maiinlove sayo!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD