CHAPTER 4 The Bee on One’s Bonnet

794 Words
(Kai's POV)   Di ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa screen ng cellphone ko... grabe para akong babae na di maihi dahil sa kilig na nararamdaman ko habang nakikita siyang nakangiti.   "Ano nababakla lang ang peg?" Agad naman ako napatingin sa taong kapapasok lang ng opisina ko.   "Tatanggalin ko na talaga si Robert dahil pinapasok ka pa niya dito!" Sigaw na sabi ko sa taong basta basta na lang umupo sa harapan ko.   "Relax, alam ko naman na gusto mo akong makita.." at binato pa ako ng isang throw pillow. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko at nakailang ako.   "Lang hiya ka j**s Lee!" Sabi ko at binato din siya ng unan.   "Tsk.. ano nakita mo na ba sya?" Tanong nito sa akin habang nakangiti.   "Oo pare" sagot ko sa tanong niya.   "Talaga? Anong pangalan niya?" Masiglang tanong nito sa akin. Mukha interesadong talaga ang mokong na to.   "Nikah Paulino" sagot ko.   Tama kayo ng basa.. ang babaeng tinatanong ni j**s at ang babaeng nagpapangiti sa akin ay walang iba kung di si Nikah Paulino.   Yung pagkikita namin sa footbridge kaninang umaga.. hindi yun yung una naming pagkikita namin.. matagal ko na siyang sinusundan sundan.. umupa pa ako ng private investigator para malaman lahat ng tungkol sa kanya.. lahat ng ginagawa niya. Kung saan sya nagtatrabaho, sinong kaibigan niya, oras ng pasok niya, oras ng uwi... lahat lahat na ng tungkol sa kanya.   Di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko para sa kanya, basta isang araw inlove na ako sa kanya. Nagsimula ang lahat nang makita ko siyang nagbabasa sa isang bookstore.. nakangiti siya habang binabasa yung librong hawak niya.. parang bigla tumigil ang mundo ng hawiin niya ang buhok niya at inipit sa likod ng kanyang taingan, ang galaw ng mga mata niya, maging ang pagkagat niya sa labi niya, she looks like an angel. Napatulala na lang ako sa ganda niya.   Napansin ko na lang na palabas na siya ng bookstore, kaya agad ako sumunod sa kanya.. pumasok siya sa isang fastfood.. Araw araw.. araw araw kong siyang nakikita sa bookstore at lahat ng librong hinahawakan niya eh binibili ko at binabasa. At isang beses sa isang linggo, lagi syang kumakain sa isang fastfood.. lagi ko rin siyang pinapanood kapag kumakain.. minsan may kasama sya pero madalas eh wala.   Pero isang umaga nagising na lang ako at gustong gusto ko na talaga siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, at halikan. Di ko na mapigilan ang sarili ko. Kaya nagplano ako ng abangan siya sa footbridge na lagi niyang dinadaanan.   Napangiti na lang ako nagmakita ko na syang bumaba ng jeep at kasalukuyang inaayos ang damit niya.   'Kung tayo na, di mo na kailangan magtrabaho'   Bulong ko sa sarili ko.. isa kasi siyang teacher sa isang private school.. maliit lang ang sweldo niya, matagal din ang biyahe niya. Kaya araw araw eh, naglalakad siya sa mall para matanggal ang stress niya sa trabaho.   Nakita ko na nakatingin siya sa akin, kaya kinindatan ko sya.. pero olats.. deadma lang sya.   Binati ko rin sya at kinakausap habang naglalakad siya, pero sadyang masungit yata ang isang to, pero di ako susuko. Kinulit ko pa siya nang kinulit..hanggang.. bigla siya humarap sa akin at sinabing "pwede ba tigilan mo ako" sht.. nasa heaven na ba ako.. nakarinig kasi ako ng boses ng angel. Naramdaman ko na umalis na siya sa harapan ko at sumakay sa jeep.. pipigilan ko pa sana siya pero mayroon ako naramdaman na natapakan ko.. nang tingin ko.. naisip ko na lang na ‘ano bang mabuting nagawa ko at pinagpapala ako' natapakan ko kasi yung I.D. niya.. agad ko tong pinulot at tinignan yung picture niya.. oh noes.. that smile..the eyes..everything seems so perfect.. tinignan ko rin yung information sa likod para kunin ang number niya.. and the heck.. nandun yung number niya.. kaagad kong kinuha yung phone ko at nagdial ng number niya.. so lucky kasi nagring!! Wooohhooo. I'm the luckiest man alive.   "Wui Kai Red Choi! Naririnig mo ba ako!" Nagulat ako dahil sa lakas ng sigaw ni j**s na nasa harapan ko.. nagdedaydreaming na naman pala ako.   "I'm just happy.." sagot ko dito.   "So gay pare ha" sagot nito sa akin sabay layo na nito na parang nandidiri.   "Arte mo Japs.. tandaan mo maiinlove ka din" sabi ko sakanya at binato ng hawak kong ballpen, ayun sapol sa mukha.   "Aray ko naman..langya..makaalis na nga dito. Basta itext mo na lang ako kapag magpapainom ka, dahil brokenhearted ka ha. Bye" sabi nito at agad na nagmartsa palabas ng office ko.   Brokenhearted?..ako.. no way!. I will have her, I'll do everything just to have her. I'm willing to do everything, even if it cause her to suffer I'll do it.   Nikah Paulino you are mine now. Remember that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD