Parang nagiging interesado na si Riley sa babaeng lumapit sa kanya dahil parang pareho sila ng pinagdadaaanan sa buhay. “Ang kawawa mo naman kung ganon” dugtong ni Riley sa kuwento ng babae sa kanya. “Kawawa?? Hindi noh” tanggi naman ng kanyang kausap “Ang sarap kaya kapag mag-isa ka lang. Malaya ka kung ano ang gawin mo sa buhay mo. Walang nagbabawal, pero in a right way ha” dugtong pa niya “Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan” Tumango naman si Riley bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cindy. “Kung sa bagay, tama ka. Ako, may nanay ako, pero parang wala naman siya sa paligid eh” “Bakit naman?” “Kasi hindi naman kami nagkakausap parati ng masinsinan. May mga sariling mundo kami sa bahay” kuwento din niya “Ayon, parang mag-isa din lang ako nabubuhay” “Atleast may kasama

