Nang lumamig ang ulo ni Riley sa galit sa kanyang ina ay umuwi uli siya para makapag-usap dito. Gusto niya na kasi malaman ang buong katotohanan sa kanilang pamilya na matagal tinago at nilihim ni Lorena. Nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo lamang sa kanilang kahoy na sofa. Nakatulala at malalim ang iniisip. “Ma. Mag-usap tayo” panimula ni Riley. Nagtungo siya doon sa ina at umupo sa tabi nito“Handa na akong malaman ang lahat-lahat. Pero sana lang, Ma. Sabihin mo ang lahat sa akin ang buong katotohanan” pagmamakaawa niya sa ina Mabilis na pagtango ng ulo ni Lorena bilang pagkumpirma niya sa pabor ng anak “Sige. Sasabihin ko sa’yo lahat-lahat. Panahon na din siguro na malaman mo ang totoong pagkatao mo” “Totoong pagkatao?? Bakit? Ano ba talaga ako?” “Sasabihin ko na sa’yo kung

