CHINITO: Chapter 18 (Maling Akala)

2426 Words
Sumakay silang mag-ina sa taxi pauwi sa kanilang bahay nung gabing yon. Halos mga sampung minuto din ang kanilang biniyahe pauwi sa kanila. Sa pagdating nila ay may nakita si Jeff na pamilyar na babae na lumabas sa bahay. Nakasunod ang kanyang Kuya Joshua sa babae na parang hinahabol ito pero hindi niya na ito naabutan. Nakita naman kaagad ni Joshua na may taxi na tumigil at lumabas ang kanyang nanay at kapatid mula dito. Takang-taka si Joshua sa kanilang pagbabalik. “O nay. Ba’t kayo umuwi sa ganitong oras ng gabi?” at napansin din niya na may pasa at sugat ito “Anong nangyari sa’yo ‘nay? At sino ang gumawa sa’yo nito?” “Huminahon ka, anak. Pumasok muna tayo ng bahay” agad na kinuha ni Joshua ang mga maletang bitbit ng dalawa. Samantala si Jeff naman ay inalalayan ang nanghihinang nanay sa pag-akyat ng hagdanan. Kaagad na umupo si Joyce sa sofa na parang hingal na hingal ito, umupo si Jeff sa kanyang tabi at si Joshua namay ay umupo sa center table na nakaharap sa nanay. Kwinento ulit ni Joyce ang nangyari sa panganay niyang anak. Nanlaki ng husto ang mga mata ni Joshua sa narinig na balita mula sa nanay. Hindi niya ito matatanggap sa pang-api nila sa nanay na parang hayop ang pagtrato nila. Tinignan ni Joyce ang nangangalit na mata ng anak at hinawakan niya ang nanginginig na kamao nito “Anak…Joshua. Utang na loob. Kumalma ka” pagmamakaawa ng nanay sa anak habang hinihimas nito ang kamao ni Joshua. “Hindi nila dapat ginawa sa’yo ito, nay” “Pero nangyari na, anak… nangyari na” iyak ni Joyce “pero pakiusap ko lang sa’yo na wag kang gumawa ng mga hakbang na pagsisihan mo sa huli” Bumuklat ang kamao ni Joshua at niyakap ang kanyang nanay at umiyak ito. “Alam ko yon, nay. Sorry po kasi nabigla ako. Galit na galit talaga ako sa ginawa nila” umalis siya sa pagkayakap sa nanay at tinignan ang kanyang kapatid na umiiyak din sa tabi ng nanay. “Kasalanan mo’to eh!!!” at tumayo siya sa kanyang inuupuan. “O?! bakit ako na naman?” tumayo din si Jeff “Dahil kung hindi sa kabaklaan at sa kalandian mo, hindi mangyayari ‘to!!!” panduduro ni Joshua sa bunso “Malas talaga ang tulad mo dito sa lipunan!!” “Teka lang naman. Kelan ba naging kasalanan ang kasarian ko sa nangyari kay nanay? Ginawa ko naman ang lahat para ipagtanggol siya sa pang-aapi nila ah. Kung makapagsalita, akala mo ang galing mo na” tanggol ni Jeff sa sarili “E ikaw…? Nasaan ka? Diba nandoon ka sa lodging house kasama ang kabet mong si Cloe habang walang alam ang asawa mo sa ginagawa mo” “Pano mo nalaman…?” tanong niya kay Jeff na mahinahon ang tono ng boses. “Pano? Nakita ko kayo na nakasakay sa taxi dalawang araw na ang nakakaraan. Pumasok kayo sa lodging house” “Nagkakamali ka, Jeff. Hindi totoo yan” tanggi ni Joshua “Hindi? Bakit namumutla ka?” “Gumagawa ka lang ng kuwento. Hindi totoo yan. Alam n’yo na mahal na mahal ko ang asawa ko.” Lalapitan niya na sana si Jeff para suntokin pero may narinig silang kalabog na parang may nahulog. Tumingin si Jeff sa kanyang paanan at nakita niya na wala nang malayang kanilang nanay na nakabulagta sa sahig. *** Isinugod agad si Joyce ng oras na iyon sa pinakamalapit na ospital kasama ng kanyang dalawang anak. Pinasok ng mga nurse kasama ng doktor ang kanilang nanay sa Emergency Room para doon i-revive. Nanatili sa labas ng Emergency Room sina Joshua at Jeff na parang nababalisa sa nagyari sa ina. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya at doktor lamang ang makasagot kung ano ang estado ng kanilang nanay. Dumating si Jeremy pagkalipas ng ilang saglit na tila nataranta din dahil binalita ng mga kapatid. “Jeff, kamusta si nanay?” tanong niya sa kapatid “Buti na lang na n’yo siya dinala sa ospital na kung saan ako nagduduty” “Hindi pa namin alam, kuya. Hinihintay pa kasi namin ang sasabihin ng doktor tungkol kay nanay” “Bakit? Ano ba ang nangyari?” “Pwede ba, Jeremy. Wag ka nang magtanong kung ano ang nangyari?” sabat ni Joshua sa usapan ng dalawa “nasa loob si nanay sa E.R. oh. Nire-revive pa…mamaya muna yan. PWEDE?” “Nagtatanong lang naman ako, JOSHUA” “E di itanong mo diyan sa bakla mong kapatid” Sakto din na lumabas ang doktor mula sa E.R. at tumayo kaagad ang tatlo. “Sino ba sa inyo ang pamilya ni Mrs. Joyce Dy?” tanong ng babaeng doktor sa kanilang tatlo. “Kami po lahat, dok” sagot ni Jeremy “mga anak niya po kami. Kamusta na po sai nanay?” “Ikaw pala Nurse Jeremy. Your mother is fine” simpleng sagot ng doktor. Napahinga ng maluwag ang tatlo sa kanilang narinig. “mabuti nga lang na dinala ninyo kaagad ang nanay ninyo at kung matagalan pa, siguro may nangyari na sa kanya na masama.” “Salamat po dok, pero ano nga pala nangyari sa kanya?” “Hindi niya na kinaya ang stress dulot sa mga pasa at sugat sa kanyang katawan” “…and emotional stress…” dugtong ni Jeff at sumang-ayon sa kanya ang doktor. “Yes. Possibly. Siguro wag niyo na lang bigyan ngayon ng kahit anong stress ang nanay ninyo, okay?” “Okay dok. Salamat ulit” ulit ni Jeremy. “Your Welcome… Sige, alis na ako” sagot ng doktor “by the way, Nurse Jeremy” “Yes dok?” “Kailangan ng nanay n’yo ng complete bed rest. And I suggest na i-admit n’yo lang siya muna dito” “Sige dok. Salamat ulit” Umalis kaagad ang doktor sa kanila at bumaling ng tingin si Jeremy sa kanyang dalawang kapatid na hindi pa rin nila sinasabi ang totoong nangyari. “Sugat at pasa…? Binugbog ninyo ang nanay?” tanong ni Jeremy dahil nagtaka ito sa narinig sa doktor na may sugat at pasa ang kanilang nanay. “Hindi kami kuya” “E sino?” “Ang mama ni tatay” sagot naman ni Joshua “Ha?? Bakit niya naman gagawin yon kay nanay?” “Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong baklang kapatid??” sumbat ulit ni Joshua kay Jeff. Bumaling ang tingin niya dito at nagsimula ulit magalit “Tignan mo Jeff. Tignan mo ang ginawa mo kay nanay. Masaya ka na?” “Bakit ako na lang parati ang sinisisi mo kuya?? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa nagyayari ngayon kay nanay??” “Ewan ko sa’yo. Ikaw ang gumawa nito. Ayusin mo” Sasabat pa sana si Jeff sa kuya pero nilapitan siya ng isa niya pang kuya na si Jeremy upang huwag na lang ito sumabat “Tama na, Jeff. Huwag ka nang sumagot. Wala kang kasalanan” *** Inilipat si Joyce kinabukasan sa isang private room ng ospital para doon na lang magpahinga ng ilang araw. Katulad ng dalawa niyang kapatid, hindi makapaniwala si Jeremy sa ginawa ng pamilya ng tatay sa kanyang nanay. Lumapit siya sa nanay habang natutulog, at niyakap niya ito ng mahigpit. “Nay… Sorry po kasi wala akong nagawa para ipagtanggol kita sa kanila…” Samantala naman ay nakatayo si Jeff sa paanan ng kama ng nanay na nakatingin sa nanay at blanko ang mukha. ‘Sorry po nanay. Sorry dahil nangyari sa’yo ito. Hindi naman ito mangyayari kung hindi sa kagagawan ko eh’ sambit ni Jeff sa sarili ‘Siguro tama si Kuya Joshua. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan. Ako ang dapat sisihin. Huwag kang mag-aalala nanay. Ipaghihiganti kita’ Hindi namalayan ni Jeremy na umalis na pala si Jeff sa silid at dumerecho sa bahay ng kanyang Tatay William. *** Dakong alas-otso ng umaga nakarating ng bahay si Riley. Nanggaling siya sa kanyang trabaho na pagod na pagod at kita ang antok sa kanyang mga mata habang papasok ng bahay. Sa kanyang pagpasok ay may nakita siyang may kayakap na naman na isang lalake ang ina. Malamang isa sa mga nobyo ulit ng ina ang kayakapan niya. Nangako na kasi noon si Lorena sa kanya na hinding-hindi na siya magkakaroon ng nobyo dahil magiging magulo lamang ang kanilang pamilya dahil sinasaktan at niloloko lang siya nito. Uminit muli ang ulo ni Riley sa kanyang nakita at nagtungo sa dalawang nagkayakapan. Hinila niya ang lalake at sinuntok sa mukha nang napakalakas. Napatumba ang lalake sa sahig pero gusto pa din ni Riley ng isa pang suntok pero pinigilan na siya ng ina. “Sino ka?!” sigaw ni Riley sa lalake “Sino kang hayop ka na may ganang landiin ang nanay ko!! Isa ka naman ba na sa kanila na lolokohin at peperahan ang nanay ko na kung saan pera ko din ang ginagamit niya sa’yo??!!” Ngumiti lang ang lalake na tila natuwa pa sa sigaw sa kanya ni Riley. Kaagad siyang tumayo habang hinahawakan ang parte ng pisngi na kung saan nasuntok. “Ikaw pala si Riley…” sambit nito “Oo. Ako nga. Ako ang anak ng babaeng lolokohin mo” “Lolokohin?? Hindi ko lolokohin ang sarili kong ina” Natigilan at hindi makahinga si Riley sa narinig niya na lalake “Ano?? Ina mo siya?” “Yup. So, ikaw ang kapatid ko” Nanlaki pa lalo ang kanyang mga mata sa pagkumpirma ulit ng lalake at kaagad siyang tumingin sa ina “Ma? Totoo ba ang sinasabi ng taong ‘to?” Hindi makasagot si Lorena at iyak lamang ang ganti sa anak. “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko sinabi sa’yo ang totoo na may kapatid ka pang iba” habang yakap niya na ang anak. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ma? Karapatan kong malaman dahil kapatid ko siya” sambit naman ni Riley “Naiintindihan kita, anak. Hindi ko lang sinabi sa’yo dahil akala ko hindi na siya magbabalik dito sa atin” Parang nainis na sa puntong iyon si Riley dahil marami pa pala siyang hindi nalalaman sa ina “Ano ba naman, Ma. Ano pa ba ang tinatago mo? May mga kapatid pa ba akong iba?” “Wala na, anak. Wala na. Kayong dalawa lang ni Rafael” “E si Jeff? Diba kapatid ko din siya?” hindi na naman makasagot si Lorena sa tanong sa kanya ng anak at puro iyak na lamang ang lumalabas sa kanya “Ma…? Ano na?” “Patawarin mo ako, anak. Patawad dahil nagsinunggaling ako sa’yo” “Ano ang ibig mong sabihin, Ma?” “Hindi kayo magkapatid ni Jeff, anak. Si Rafael ang totoo mong kapatid sa ama ni Jeff” iyak ni Lorena “Patawarin mo ako, Riley.” Natigilan siyang muli sa narinig na balita. Ito na siguro ang pinakamasakit na balita ng kanyang narinig sa araw na iyon. Hindi alam ni Riley kung ano ang kanyang mararamdaman; kung maging masaya dahil hindi pala sila magkapatid ng kanyang pinakamamahal o magalit sa ina dahil niloko at nagsinunggaling siya. “Bakit mo yon ginawa, Ma?” tanong ni Riley na naiinis sa ginawa ng ina “Bakit ka nagsinunggaling sa akin??!!” Hinawakan ni Lorena ang kamay ng anak habang umiiyak ito “Pinalabas ko na magkapatid kayo ni Jeff para maiwasan mo na ang pamilya nila, anak. Ayaw ko na kasing masangkot muli ang pamilya natin sa kanilang pamilya dahil masakit ang ginawa noon ng ina ni William sa akin” “Ganon lang yon? Niloko mo ang sarili mong anak nang dahil lang dun??” sabat niya sa ina “Napaka-selfish mo, Ma! Ang unfair mo!! Hindi mo naman inisip ang kaligayahan ko…?” “Anak…” patuloy pa din ang paghimas ni Lorena sa kamay ng anak “Sana maiintindihan mo ang Mama mo. Alam ko na nasaktan kita pero intindihin mo naman ako” “Hindi..!” sigaw ni Riley “Kahit kailan, hindi kita mapapatawad sa ginawa mong panloloko sa akin” Umalis kaagad si Riley sa harapan ng kanyang ina at kapatid na si Rafael. Lumabas ng bahay at umalis na naman. *** Binalikan nga ni Jeff ang bahay ng kanyang tatay pagkatapos ng panghapon niyang klase sa araw na iyon. Ilang ulit din ang kanyang pagdo-doorbell pero wala pa rin may lumabas. Pero pagkalipas ng ilang sandali ay may lumabas na katulong “Sino po sila?” tanong nito kay Jeff habang palapit sa gate. “Ahmmm. I’m Riley and I’m looking for Jean. Andiyan ba siya?” pagpanggap ni Jeff. Alam niya kasi na ayaw siyang papasukin kung magpapakilala siya na siya si Jeff, at ito ang naisip niyang paraan para makapasok, na magpanggap na si Riley dahil alam niya na may pagtingin si Jean sa kanyang ex. Kaagad din naman binuksan ng katulong ang gate at pinapasok si Jeff. “Sige po, Sir. Pasok po kayo” paanyaya ng katulong kay Jeff. “Sandali lang po, Sir. Tatawagin ko muna si Ma’am Jean. Umupo ka po muna” “Hindi. Okay lang ako. Pakitawag na lang siya. At pakisabi na lang sa kanya na may sorpresa ako…” bilin niya sa katulong “isang napakalaking sorpresa” “Okay sir. Hihi” sagot ng katulong na parang kinikilig “Ang gwapo n’yo po, Sir. Girlfriend n’yo po si Ma’am?” “Nope” sagot ni Jeff at napatingin ang katulong sa kanya “I mean, malapit na” Umakyat ang katulong papunta sa silid ni Jean upang ipaalam ito na may bisita siyang naghihintaysa baba. Samantala sa sala, nag-iikot sa Jeff na parang nag-oobserba. Lumakad siya patungo sa napakalaking vase na malapit sa TV. Mukhang antigo at halatang galing sa China dahil sa kanyang disenyo na gintong dragon. Tangkang hahawakan na sana ni Jeff ito pero napatigil at nagulat siya dahil may biglang nagsalita sa kanyang bandang likuran. “Sino ka…???” tanong ng matandang Intsik na babae kay Jeff. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD