Nagtungo si Jeff sa kanyang Internet Shop kinabukasan upang doon magpalipas ng oras habang hinihintay ang susunod niyang klase. Maraming estudyante ang pumapasok at naglalaro ng computer games at nag-iinternet dito dahil malapit lang ito sa paaralan. Sa paaralan na kung saan din si Jeff nag-aaral.
Naisipan kasi ng kanyang nanay at ng dawalang kapatid na sina Jeremy at Jenny na bigyan ito ng puhunan para makapagtayo ng sariling negosyo, para maging independent sa paghahanap ng pera kahit bata pa. Dahil dito, hindi na siya humihingi ng pera sa nanay at sa mga kuya at ate niya para sa allowance o sa pambayad ng tuition.
Sampu ang bilang ng mga tauhan ni Jeff na nagtratrabaho sa Intenet Shop niya; Tatlong babae na naghalinhinan sa pagbabantay ng counter ng shop, at Pitong lalake na halos sa kanila ay I.T. expert. Naghalinhinan din sila sa pagdu-duty.
Pero merong isang lalake na may nakatagong pagtingin sa kanyang amo na si Jeff. Simula pa noong unang araw niya sa trabaho ay nahulog na kaagad ang loob niya kay Jeff at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago.
Siya si Carlo. Dalawamput-apat na taong gulang, maputi ang balat, 5’6” ang tangkad, medium built at may kagwapuhan naman ang pagmumukha.
“Sigurado ka ba na single na si Sir Jeffrey?” tanong ni Carlo sa kasama niyang babae sa counter. Siya si Ella.
“Oo nga.” tila siguradong-sigurado ito sa kanyang nalaman “kasi…sabi ng kaibigan na lalake ni Sir na habang andito sila kahapon, may pinagdadaanan daw si Sir Jeffrey”
“Ganon lang? Nag-assume ka na agad na break na sila?” pangdududa ni Carlo “E pano naman kapag iba ang rason ni Sir?”
“Oo naman…Basta! Alam ko…”
“Masama mag-assume ha. Baka sila pa at marami ang ibig sabihin ng ‘may pinagdadaanan’.” at sakto din ang pagpasok ni Jeff sa Shop na posturang-postura sa kanyang puting uniporme. Hindi maalis ang pagkatitig ni Carlo sa kanyang boss at parang nadagdagan ang paghanga nito sa kanya.
“Yes??” sambit ni Jeff sa nakatulala na tauhan.
“Ah… Wala p-po, S-sir” utal na sagot ni Carlo.
“Okay” sagot naman ni Jeff at bumaling siya patungo sa direksyon ni Ella “Ella? How’s our sales this morning?”
“Ahhmmm. Wait lang po, sir” sabi ni Ella habang tsine-tsek sa kompyuter kung ilan ang nakapasok na pera “…as of this morn–”
“–nevermind. I’ll check it later”
“Sir, okay ka lang?”
“Yes, I am. Meron lang family problem but I’ll be fine, eventually”
“E love problem? Hehe” pambibiro sa kanya ni Ella.
“Well…It’s complicated”
“Wow ha!! Pa ‘it’s complicated’ pa si Sir Jeffrey oh! Hehe” ngumiti lang si Jeff sa biro ni Ella. Huminga ng malalim at nagsabi na…
“Ella?...”
“Bakit po, Sir?”
“Alam mo ba ang ibig sabihin ng … ‘Be professional’?”
Natigilan si Ella sa kanyang pag-ngiti at napalitan ito ng hiya. Kitang-kita ito sa kanyang mukha at yumuko na lamang siya.
“Yes Sir. Sorry po…”
“Are you…?” pang-insultong tanong ni Jeff sa nangbastos na tauhan “How many times I told you na andito tayo sa loob ng business establishment ko. I’m the boss and you are my employees, so we must know our limitations. Okay?”
“Alam ko po, Sir. Sorry po ulit…”
“It’s okay. Kaibigan kita kaya sinsabihan kita kung ano ang tama sa mali. Sana ito na ang huli na mapapagalitan kita nang dahil dito.” umalis si Jeff sa counter at dumerecho kaagad sa bakanteng kompyuter at para doon mag-internet.
Samantala sa counter. Nagbubulungan sina Ella at Carlo tungkol sa kanilang boss na parang mainit ang ulo.
“O diba? Tama ako. Mainit ang ulo ni sir dahil wala na sila ng kanyang nobyo”
“Ewan ko sa’yo. Gumagawa ka lang ng kwento eh” tanggol ni Carlo sa amo.
“Bahala ka nga kung ayaw mo maniwala. Basta sure ako na tama ang duda ko”
Sinundan niya muli ng tingin ang kanyang amo habang papunta sa kompyuter “…at kung totoo naman ang lahat ng mga pinagsasabi mo, kawawa naman siya. Siguro kung magiging kami, hinding-hindi ko siya sasaktan. Pangako yan, Sir.”
“Hay naku Carlo” bunting-hininga ni Ella “…napaka-taas talaga ng pangarap mo noh? Pinapaalala ko lang PO sa inyo na boss natin yan. Pwede ba? Sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo”
“Hindi ba pwede mangarap kahit konti lang?”
“Hindi syempre kasi ang layo ninyo sa isa’t-isa. Langit siya samantala naman ay lupa ka”
“Grabe ka naman…”
“O sige na. Bumalik ka na sa pwesto mo” suway ni Ella sa kanya “ baka makita ka pa niya, baka ikaw ang mabulyawan ng galit niya”
Pagkatapos ni Jeff gumamit ng kompyuter ay nagmamadali niyang pinatay ito at lumabas ng Internet Shop ng walang pasabi. Late na kasi siya sa klase na kung saan ang kanyang guro ay ang sarili niyang kuya na si Joshua.
Nagmamadali siya sa paglakad papasok sa paaralan na parang tumatakbo na ito. Hingal na hingal siya sa pagpasok ng silid-aralan at napatingin sa kanya ang mga kaklase, lalung-lalo na ang kanyang dalawang kabigan.
Ngumiti lamang si Jeff at binati ang guro “Good Morning, Sir” pero hindi siya pinansin ng kuya at patuloy ang kanyang pagtuturo.
Lumakad patungo si Jeff sa kanyang upuan at may biglang humarang na paa sa daan at muntikan na lang siya madapa. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa upuan sa kanyang gilid. Tumayo, inayos ang sarili at lumingon siya sa likuran kung kay sino ang may nagmamag-ari ng paang nakaharang.
Isang babae ang nakita ni Jeff na nakangisi sa kanya na tila natutuwa sa muntikang pagdapa niya. Siya si Cloe. Maitim, maliit at bilog na bilog ang mata na parang lalabas na ito. Isang babae na bwisti na bwisit sa kanya dahil parati itong inuungusan sa mga exams. Pinaniniwalaan niya na luto parati ang resulta ng mga exams dahil kapatid niya ang kanilang guro.
Umupo si Jeff na hindi pa rin umaalis ang pagkatitig niya kay Cloe na nakataas na ang isang kilay sa kanya.
“Friend, ba’t ngayon ka lang?” tanong ng isang kaklaseng babae na si Karen.
“May ginawa lang kasi ako sa Internet Shop” sagot nito at humarap habang at nakikinig na sa lecture ng guro.
“Talaga? Ano ba yon?”
“Nag-f*******:”
“Ha? Na-late ka nang dahil sa kaka-f*******: mo?” ulit ni Karen at tumango lang si Jeff bilang sagot “Ikaw ha. Hindi ka naman ganyan noon. Tigilan mo na ang bisyo mo, friend”
“Anong bisyo ang pinagsasabi mo diyan? Ang O.A. mo ha” tanggol ni Jeff sa sarili “Inaaliw ko lang naman ang sarili ko.”
“Pero na-late ka pa rin eh”
“Hindi na ako ma-lelate ulit. Ngayon lang naman eh”
“Oo. What if kung maadik ka diyan?? Masasacrifice pa ang grades mo”
Nagpabuntong-hininga si Jeff sabay ng pagtirik ng mata “Sorry na pooo”
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din ang kanilang klase. Lumabas kaagad ang mga estudyante maliban sa kanilang tatlo. Hindi muna pinalabas ni Joshua ang kapatid dahil gusto niya daw kausapin at kamustahin ito.
Nagtungo si Jeff sa Teacher’s Table habang doon nagliligpit ng gamit ang kanyang kuya.
“Hello kuya” panimulang bati ni Jeff
“O Jeff. Kamusta ka na?”
“Okay lang naman po ako, kuya”
“Good to know that… nga pala, kamusta kayo doon ni nanay sa bahay nina tatay?”
“Okay lang naman po, kuya. Masaya naman kahit papano”
“Ganon ba? Sige. Salamat. Makakaalis na kayo”
“Sige po, kuya” at tumalikod si Jeff sa kuya at nagsimula nang lumakad patungo sa kanyang kaibigan na biglang…
“Ahh. Jeff??” tawag ulit ni Joshua sa kapatid na tila may nakalimutang ito na sasabihin.
“Yes po?”
“Congratulations”
“Saan po kuya?”
“Wala naman. Proud lang ako sa na-achieve mo, hindi lang sa academics but sa pamamalakad ng negosyo na binigay sa’yo”
Napa-ngiti lang si Jeff sa kanyang kuya “Thank you kuya. Salamat sa pag-appreciate ng mga nagawa ko” tumalikod uli si Jeff at tuluyan nang lumabas ng silid-aralan.
Nagmamadaling lumabas ng silid-aralan si Jeff dahil nakita niya na naghihintay sina Jacqui at Alvin sa labas. Sa kanyang paglabas ay hinarang siya ng pamilyar na babae. Ito ay walang iba, kundi si Cloe.
“Mahilig ka talaga humarang kung saan ako dadaan anoh?” sambit ni Jeff sa kanya “Hobby mo ba yan?”
“Bakit? Bawal ba? May babala ka ba dito na inilagay na kung saan hindi ako pwedeng humarang? Ay. Tama nga. Kapatid ka nga pala ni Sir Dy. Ginigawa ang lahat para mapasa’yo ang pabor. Sorry po…”
“Still being sarcastic and bitter of what just happened?”
“No. Gusto ko lang naman i-tama dahil ako dapat ang Number 1 sa class, at hindi ikaw”
“Cloe… pwede ba? Huwag mo akong idamay sa ka-shungahan mo? At kung naniniwala ka na luto ang exams, why not ipaulit natin? Para malaman talaga natin kung sino ang walang utak sa atin.”
“Talaga… at hindi kita uurungan diyan. At kung mapatunayan na may ginagawa ang kuya mo para mag-top ka lang sa klase, mapalayas ang kuya mo dito sa University dahil sa kasalanan na nagawa niya nang dahil sa’yo…kawawa naman siya”
“Mas kaawa-awa siya kapag nalaman ng buong University kung ano ang tinatago mo” balik naman ni Jeff
“What do you mean?”
“You know exactly what I mean, Cloe. Subukan mo lang akong kalabanin at malalaman ng buong student body ang ginagawa mong imoral”
Napanganga at nagulat si Cloe sa narinig kay Jeff na nalaman niya ang kanyang sikreto. “ Wala kang ebidensya, Jeff.”
“Sigurado ka…?” linapitan ni Jeff ang kanyang bibig at may ibinulong sa tenga ni Cloe “…kamusta naman ang pagpasok n’yo ni kuya sa lodging house two days ago?”
Lumayo siya kay at nagtungo sa direksyon na naghihintay na kaibigan. Samantala si Cloe naman aytulala at parang natatakot ang mukha.
“Bes, ano ba ang pinagsasabi mo na imoral kay Cloe?” tanong ni Jacqui
“Basta... Napuno lang kasi sa kanya dahil ako ang sinisisi niya sa hindi niya pag-top sa klase”
“Oo nga eh. Mahilig mag-buntong ng sisi. Dapat lang sa kanya na pagsalitaan siya ng ganyan.” Pagsang-ayon ni Jacqui.
***
Oras na ng uwian at umuwi kaagad si Jeff sa bahay ng tatay para makapag-pahinga na. Pero sa kanyang pagpasok ay nagtaka siya dahil may dalawang maletang nakatayo malapit sa pintuan ng kanilang kwarto. Kaagad siyang pumasok sa silid at nadatnan niya ang nanay na umiiyak ito habang nililigpit ang huling batch ng mga damit nila.
Nilapitan niya ang nanay at umupo ito sa kanyang tabi. At doon niya nakita ang maraming pasa at kalmot sa mukha at braso ng nanay.
“Nay, sino ang gumawa sa’yo nito?”
“Wala ‘nak. Utang na loob, Jeff. Bumalik na tayo sa bahay natin” pagmamakaawa ni Joyce “Mabuti pa doon. Malaya tayo sa mga galaw natin. Ayaw ko na dito”
Tila nagtaka talaga si Jeff sa iyak ng nanay at sa mga pasa at kalmot niya sa katawan. Ano ba talaga ang nangyari kanina habang nasa paaralan siya?
Ngayon niya lang nakita ang nanay na nag-iiyak ng ganito na parang bata na nagmamakaawa na umuwi na sa kanilang bahay.
“Bakit nay? Si tatay ba at ang kanyang asawa niyang si Natalie ang gumawa sa’yo nito?”
“Hindi… hindi sila anak”
“E sino nga nay? Sino ang gumawa sa’yo nito?” tanong ulit ni Jeff na tumataas na ang kanyang boses.
“Kailangan na nating umuwi dahil pinapalayas na tayo nila dito. Dumating na sila, nak”
“Sino nga…? Nay naman… pwede ba? Pakisagot naman yung tanong ko...” tila natataranta na si Jeff.
“Ang lola mo ang gumawa nito..!!” sigaw ni Joyce habang umiiyak.
Nanlaki ang mata ni Jeff sa sinagot ng nanay.“Ang akala ko ba na sa susunod pa sila na linggo uuwi dito? Bakit napaaga?”
“Tinawagan daw sila ni Jean na naghihingi ng tulong sa kanila dahil inaapi daw natin siya”
“So…ginawa nila sa’yo ‘to para makaganti sa hindi naman nating ginawa..? na ang apo nila mismo ang nag-umpisa?” pahayag ni Jeff na tila nagagalit na sa mga taong gumawa sa kanyang nanay na pambubugbog “grabe sila nay…salabahe talaga ng bruhang Jean na yan. Pareho siya talaga sa kanyang hayop na lola”
“Tama na, nak. Umalis na tayo dito bago pa nila tayo maabutan” pagmamakaawa muli ni Joyce sa anak.
Tumigil si Jeff sa kanyang pagsasalita at tinulungan niya na lamang ang nanay sa pagliligpit ng kanilang mga gamit.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas na sila ng bahay upang umalis na doon para hindi sila maabutan.
“Anak, sandali lang. Isara muna natin ang gate”
“Huwag na nay. Hayaan mong bukas yan. Para may makapasok na magnanakaw”
Itutuloy…