CHINITO: Chapter 5 (Si Jean)

2745 Words
Pumayag na lang si Jeff sa pakiusap ng kanyang nanay na doon na lamang sila pansamatalang titira sa bahay ng bagong pamilya ng kanyang tatay. Sumakay sila sa sasakyan ni William na Sportivo at sinimulan niya na itong paandarin. Bago niya ito pinatakbo ay lumingon muna siya sa anak na nasa likuran na nakaupo. “Anak, salamat ha” sabi ni William sa kanya “Salamat kasi pumayag ka na doon muna kayo matulog ng ilang araw sa amin” pero ngumiti lang si Jeff na may pait ang kanyang mukha “sigurado ako na magugustuhan mo ang bahay namin at magkakasundo kayo ni Jean. Nagkita na kayo diba… nung bumisita sila sa bahay?” “Yup” tanging sagot niya. Kinuha niya ang kanyang telepono sa bulsa ng bag at nagdesisyon ipaalam kay Riley ang tungkol sa kanilang paglipat. Nang pagkapasok nila sa bahay ay napanganga si Jeff sa tatlong palapag na bahay nina Natalie dahil ang gagara at mamahalin ng mga gamit na sa loob ng bahay. May malaking swimming pool sa bandang likuran, may entertainment room na kung saan pwedeng manood ng paborito mong pelikula at higit sa lahat, mas malaki ng tatlo o apat na beses ang living room nila kesa kay Joyce na sala. Namangha talaga si Jeff sa kanyang nakita na tila sa panaginip o sa TV niya lang ito makikita. “Good Evening Joyce. Welcome sa bahay namin.” bati ni Natalie na palapit sa kanilang dalawa “Good Evening din Jeff” “Good Evening din” bati din ni Jeff. “Joyce, sorry pala kung wala sa plano ang pagtira ninyo dito ha” sambit ni Natalie “Wala naman kasi kami na mapaghing-an ng tulong kundi kayo lang eh” “Naiintindihan namin, Natalie. Huwag kang mag-alala. Ayos lang sa amin ni Jeff na dito muna titira” sabay siko ni Joyce sa anak sa tiyan “Diba anak?” “Po?” dugtong ni Jeff “Ang sabi ko… okay lang sa atin na dito muna tayo titira pansamantala” ulit ni Joyce “Ahh. Opo, tita. Okay lang sa amin” tingin niya kay Natalie. “Tita..?? Diba sabi ko sa’yo na ‘Mommy’ ang itawag mo sa akin?” “Sorry po. Hindi kasi ako sanay eh.” Ngumiti si Natalie sa sagot ni Jeff “Sige, kung ano ang kumportable sa’yo. Ikaw ang bahala” “Salamat po, tita” “Oo nga pala, kumain na ba kayo?” tanong ni Natalie kay Joyce “Wala pa, Natalie. Pero busog pa kami” “Busog?? Hindi kayo kumain diba? Bakit kayo mabubusog?” habang hinahatid ni Natalie silang dalawa sa lamesa. “Kumain na tayo. Gutom na din ako eh. Ahhmmm. Manang?” tawag niya sa katulong. Ilang saglit ang lumipas ay may pumasok na hindi masyadong katandaan na babae. Siya si Manang Beth. “Yes Ma’am?” “Pakitawag nga si Jean sa kuwarto niya” utos ni Natalie “Sabihin mo na kakain na” “Okay po, Ma’am Natalie” Bumaba kaagad ang anak ni Natalie na si Jean mula sa kanyang silid. Pero nagulat siya sa kanyang nakita na may kasama ang ina niya sa hapagkainan at muli na lang ito bumalik sa kuwarto. Pagkatapos ng hapunan ay pumasok si Natalie sa kuwarto ng anak at natagpuan niya si Jean na nakaupo sa gilid ng kama na naglalaro ng kanyang telepono. “Kanina pa kita tinatawag na kakain na, pero hindi ka bumaba…may problema ba?”tanong niya habang hinimas-himas ang likod ng anak “You know what’s my problem, mom” sagot ni Jean na hinampas niya ang cellphone sa kanyang tabi “Sila….!! si Joyce at ang kanyang anak! Bakit sila nandito?” Nagpabuntong-hininga si Natalie at umupo sa tabi ng anak “Jean… We’re going to Manila tomorrow kasi, for a business trip” paliwanag ni Natalie “Sila muna ang makakasama mo dito habang wala kami.” “Without asking my permission??” dugtong ni Jean “Mom…! Alam mo naman kung gaano ako naiinis sa kanila. Bakit sila pa??” “Desisyon ng Daddy mo ‘to, Jean. At isa pa, mabuti na din yan para magkakilala kayo ng Tita Joyce mo at ang kanyang anak” “No!!” pagmamatigas ni Jean “Ayaw ko silang makilala. Ayaw ko sa kanila!” “Jean, diba napag-usapan na natin ‘to?” paalala ni Natalie sa kanya “Just face the reality na may ibang pamilya ang Daddy mo. Sila ang legal na pamilya. Be cooperative na lang dahil pati ako, nahihirapan din” “Sama na lang ako sa inyo mommy,please? I promise that I’ll be a goodgirl sa lakad ninyo pero huwag niyo lang ako iwan sa kanila” pakiusap ni Jean sa kanyang mommy. “Hindi pwede, may pasok ka at business trip ‘yon, hindi vacation trip” sambit ni Natalie “Hhmmp!! E bakit sila pa nga…???! Pwede naman na kami lang ni Manang Beth dito sa bahay” sabi ni Jean at nagsisimula na naman ang kanyang sumpong. “At lalong hindi pwede dahil walang magbabantay sa’yo na kadugo mo bilang guardian mo” paliwanag niya sa anak “What if kung may PTA Meeting ang school niyo?? Walang aatend sa’yo.” “Kadugo?..Mom, are you joking?.. hindi ko sila kadugo” sabi ni Jean na gumagalaw na ang kanyang mga mata “wala akong kadugo na mukhang pera…” “Jean, ikaw ha..tama na yan” suway ni Natalie “hindi kita pinalaki na bastos…” “Totoo naman eh… if I know, tumatalon na sila ngayon sa kaligayahan dahil dito na sila titira” sambit ni Jean “at lalo na ang anak ni Joyce na ‘yan…” “I said….Stop it…Jean” “Ooowwwwkaaaay….” Sabi ni Jean “Oo nga pala mommy, ilang araw kayo mag-sa-stay sa Manila?” “Fourteen days” sagot ni Natalie na binukas ang pintuan at lumabas “What??! Two weeks??...ang tagal naman…two weeks din ako na magtitiis sa mga walang pinag-aralan at walang kwentang tao…Haay!!... makatulog na nga…. BWISIT!!” sabi nito sa sarili. *** Nakaupo sina Riley at Jeff sa bench kinabukasan pagkatapos ng kanyang klase. “So, how’s your stay sa bahay ng tatay mo, babe?” tanong ni Riley. “Hmmm. Okay lang” “Okay lang?? Napaka vague naman ng sagot mo, babe” sagot niya kay Jeff “i-elaborate mo kaya. Put it in to details” biglang napangisi si Jeff sa sinabi ni Riley sa kanya “Oh? Bakit ka tumatawa? What’s wrong?” “Wala po. Hehe. Pinapagana mo na naman kasi ang pagka call-center agent mo eh. Panay ang Ingles” Napakunot nang noo si Riley sa dahilan ni Jeff sa kanya “So…?? Anong masama dun?” “Soplado naman. Binibiro lang eh” “E ikaw kasi babe. Wala sa lugar yung biro mo” “Ganun?? Ang sakit naman” “Ayan.. ikaw na naman ang galit” “E sino ba ang hindi magagalit? Napakasoplado mo kaya ngayon” “Hay naku. Sige na nga. Sorry na po” at napakunot din ng noo si Jeff “Oh bakit na naman??” “Ang init ng ulo mo ngayon. May problema ka ba?” “Hmmmm. Meron” “Kaya pala” sambit ni Jeff “Ano yun?” “Sa work.” “Bakit? Tinanggal ka na?” “Hindi babe” “E ano?” “May kaaway lang ako kagabi. Nagsagutan kami at muntikan kami magsuntokan” “Ha?? Ano ba ang dahilan ng away ninyo?” “Remember mo kahapon yung tungkol sa ex ni Fred?” napatango si Jeff ng mabagal bilang sagot sa tanong “Siya yun ang umaway sa akin kagabi” “So, it means na kasama mo sa trabaho ang ex ni Fred?” “Yup. At kagabi ko lang nalaman” “E bakit ka niya inaway, babe?” “Akala niya kasi na ako ang pinalit ni Fred sa kanya. Siguro nagselos din” “Ahh okay” tanging sagot ni Jeff “I feel him” “Bakit babe?” “E kasi nagseselos din ako. Pero hindi ko na lang pinapahalata” “Hmmm. Babe naman eh. Diba ang sabi ko sa’yo na wala kang dapat na pagselosan?” “Oo. Pero hindi mo maalis sa akin na magselos babe eh” sagot naman ni Jeff “Yung parang na-iinis ako sa kanya tuwing magkasama kayo” Hinawakan muli ni Riley ang kanyang kamay “Magtiwala ka lang sa akin, okay? Mahal kita” *** Umalis sina Natalie at William kinabukasan ng alas otso ng umaga papuntang Manila para dalawin at i-tsek kung ano na ang nanyayari sa kanilang mga negosyo na naka-base doon. Hapon na nang magising si Jean at pumunta siya sa kusina upang maghanap ng pagkain. Natagpuan niya doon ang kanilang katulong na si Manang Beth na naghahanda ng hapunan para sa kanila. “Manang..?” tawag niya ditohabang naghahanap ng pagkain sa ref “Yes po, Ma’am Jean?” “Ano yan?” sabay turo sa niluluto ni Manang Beth “Piniritong Isda po, Ma’am” Pumuti muli ang mata ni Jean sa inis “Alam ko na isda yan. Ang tanong ko, kung bakit ganyan ang niluluto mo? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyang ulam” “Ito po kasi ang order ng mommy niyo, Ma’am eh” “What?!” biglang pagtaas ng tono ng boses niya. “Si Mommy talaga….” “E masarap naman po ito, Ma’am. Hindi niyo lang po kasi tinitikman.” “Ay teka po. Hindi ko kailangan ng opinyon mo kaya tumahimik ka” “Sorry po” sabay yuko ni Manang Beth. “Ahhmm. Manang. Kelan po ba ang huling bakasyon mo sa inyo?” Napahinto at napaisip ang babae kung kailan ba ang huli niyang uwi sa kanila dahil matagal na pala iyon. “Ewan ko nga ma’am..siguro mga limang taon na” sagot ng katulong. “Ang tagal na pala Manang noh?..hmmmm..hindi mo ba sila namimiss?” “Namimiss po Ma’am…” sagot niya kay Jean “Sobra po talaga…gusto ko nga na silang yakapin ng mahigpit” at napatulo ang luha niya dahil naalala ang asawa at ang mga anak sa probinsya. “Talaga? Gusto mo ba silang puntahan ngayon?” nabuhayan ang katulong sa tanong sa kanya ni Jean. “Gusto ko sana Ma’am, pero walang mag-aalaga sa’yo kung aalis ako at baka mapagalitan ako ni Mommy at ni Daddy mo” “Haaay Manang” lumakad papunta si Jean sa direksyon ng katulong “No worries… Matanda naman ako at alam ko kung ano ang gagawin ko dito. At tsaka, meron din naman akong kasama” paniniguro ni Jean sa kanya. “Pero sabi ng Mommy mo – ” “Na umuwi ka daw at magbakasyonmuna” dugtong ni Jean “ ‘yon ang pasabi niya sa akin tungkol sa’yo” “Sigurado ka Ma’am?” “Syempre…mukha ba akong nagsisinunggaling?” sagot niya na nakataas na naman ang isang kilay “at ito ang pera…bumalik ka daw after 12 days” habang inaabot ang sobre na may lamang pera. “Ma’am, ano ‘to?” tanong ng babae habang binibilang ang isang bigkis na pera. “Pera nga… hindi ka ba nakahawak ng ganyang kalaking halaga na pera?” tanong niya “Kung sa bagay, pulubi pala kayo” “Alam ko po Ma’am, pero bakit ninyo ako bingyan ng ganitong kalaking pera..? pinapalayas niyo na ba ako..?” “Wag ka ngang tanga..! Gagamitin mo yan para pambili sa mga pasalubong sa mga anak mo” “Ahh.. sige po Ma’am..Maraming Salamat talaga” hinawakan niya ang kamay ni Jean at pumiglas siya sa pagkahawak ng katulong na tila nandidiri ito. “Don’t Touch Me!!” galit na sabi ni Jean “Magbihis ka na at umalis agad basta 12 days, andito ka na.” “Pero gabi na Ma’am at wala nang bus na bumabyahe sa mga oras na ito” pangangatwiran ng katulong. “Oh sige…ipabukas mo na lang ang pag-uwi mo” pagsang-ayon ni Jean “Pero ngayon na magsisimula ang bakasyon mo…” “Ano ang ibig mong sabihin Ma’am?” “Haayy. Ang tanga mo talaga. Ang sabi ko, pwede ka nang magpahinga at iwan mo na diyan ang mga gawain mo na hindi natapos.” sabi niya sa katulong “Pero Ma’am—” “—huwag ka nang kumontra, okay? Pumasok ka na sa kuwarto mo at magpahinga na” utos niya sa katulong. Sinunod na lamang ni Manang Beth ang utos sa kanya ng amo na magpahinga na sa kabila sa mga nakatambak na mga gawain sa kusina. Umakyat muli si Jean sa kanyang silid para doon magpalipas ng oras. Pagkalipas ng ilang oras ay bumaba uli siya at pumunta sa living room para manood ng palabas sa telebisyon. “Manang!!..Manaang!!” biglang sigaw si Jean na tila galit na galit ito “Ano ba?! Ang tagal!!” Lumabas agad si Joyce sa kanyang silid nang marinig ang tawag ni Jean “Oh, Jean..Bakit? Tulog ang Manang Beth mo. May kailangan ka ba sa kanya?” “Oo” sambit ni Jean “Sige, gigisingin ko muna siya Jean” sagot ni Joyce “Hindi niya pa nga natapos ang gawain dito sa kusina eh” “Huwag na. Huwag mo na siyang gisingin” “E bakit?” “Kasi ikaw ang gagawa ng mga gawain niya” “Bakit ako…??” “ Sino pa ba ang mukhang katulong dito, maliban kay Manang?” pang-iinsulto ni Jean sa kanya “Diba ikaw lang?” Tumahimik na lang si Joyce sa sinabi ni Jean sa kanya at ngumiti lang ito. “Sige, Jean. Kung yan ang gusto mo. Ako na ang tatapos” “Good. And by the way, its Ma’am Jean. Iyon ang itawag mo sa akin simula ngayon” “Opo… Ma’am Jean” sagot niya “Pupunta na po ako sa kusina, Ma’am” “Okay. Oo nga pala, Joyce.” “Yes Ma’am?” “Itapon mo na lang ang niluto na pritong isda ni Manang Beth. Hindi ko gusto yan” “Pero Ma’am. Sayang lang kung itatapon lang natin” “Bakit? Pera mo ba ang ginagamit namin para ipambili ng mga ulam namin dito?” “Hindi po” sagot ni Joyce na mahina ang boses “Oh ganun naman pala eh. Huwag kang magreklamo!” sigaw niya sa ina ni Jeff “Sundin mo ang utos ko!” *** Dakong alas-siyete na ng gabi nang makauwi si Jeff sa bago nilang tinitirhan na bahay. Napansin niya na nasa kusina ang ina at kaagad naman ito dumerecho doon. “Magandang gabi, nay” mano ni Jeff sa kamay ng ina “Hay naku nay. Ang hirap pala dito sa subdivision, minsan lang pala makapasok ang mga tricycle dito. Buti pa dun sa atin, madali lang makasakay” “Masasanay ka din, anak” sagot ni Joyce habang nagluluto sa ulam ni Jean “Kamusta pala ang araw mo, nak?” “Okay lang po, nay” at tinignan ang kawali dahil gutom na gutom na din ito “Bakit ang liit lang ng niluluto mo nay? Akin lang ba yan?” “Hindi, nak. Kay Jean lang ito” “Ha? Bakit sa kanya lang? at nasaan si Manang Beth?” “Inutusan kasi niya ako na ipagluluto ko siya ng ulam niya” “Ganun? E saan yung atin??” “Edi delatang sardinas lang.” biglang sumabat si Jean sa usapan ng mag-ina na kakapasok lang sa kusina “yan lang ang uulamin ninyo..” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD