CHINITO: Chapter 4 (Lihim na Gusto)

2566 Words
Kinabukasan ng tanghali.Nakaupo at kumakain ang mga magkaibigan sa dining hall ng kanilang paaralan. “Oww. Emm.” tanging reaksyon ng kaibigan na babae ni Jeff, si Jacqui. “So it means, kapatid mo siya sa ama?” “Unfortunely. Yes” sagot ni Jeff sabay tango ng ulo “Isang malditang-spoiled brat na kapatid” “Hindi naman siguro, bes. Baka naman tama ang nanay mo na sinusumpong lang siya” “Naku. Hindi ako naniniwala. Sigurado ako na may galit ang Jean na yan sa amin” “Pano mo naman nalaman?? Nabasa mo ang isipan niya? Ganun?” “Hindi. Feeling ko lang” “Hay naku, girl. Yan ka na naman sa mga kutob mo” “Hindi kaya ako nagkakamali sa mga kutob ko” sagot naman niya “Remember mo nun na naging cold na ang boyfriend mo nun sa’yo? Kinutuban ako nun, kaya binantayan ko siya at nakita ko nga na may iba siyang babae” “Hindi kutob yon. Siniraan mo lang siya sa akin. Alam ko naman na bet na bet mo din ang ex ko na yun eh” sabat ni Jacqui “Kaya gumawa ka ng kuwento para magkahiwalay kami.” “Uy grabe ka. Hindi ako ganun kasama noh?!” at umiba ang timpla ng mukha ni Jeff. “Hahaha. Biro lang, ‘to naman. Sensitve?” sabay himas ng kamay ng kaibigan “Hindi na kita bibiruin kasi alam ko na marami na kayong pera at may panglilibre ka na sa amin” ngiti pa ni Jacqui. “Ayon. Libre. Galing mo din, bes” “Hindi ba totoo? Diba anak ka pala ng isang successful na negosyante dito sa Iloilo?” paalala ni Jacqui sa kanya “Kaya pala magkapareho kayo ng apelyido, kala namin coincidence lang lahat pero totoo nga na ama mo siya. Ang ganda noh? Kahit anong ihingi mo sa Daddy mo, bibigay niya sa’yo. Ang swerte mo, girl” “Hhmmm. Siguro tama ka, pero hindi ko naman kailangan ng karangyaan niya para makuha ko ang gusto ko. Tinuruan kami ni nanay na magsikap para makuha ang gusto namin” “Kung sa bagay, tama ka girl” dugtong ng kaibigan “Pero let’s face it. Magiging madali na sa’yo na makuha ang gusto mo dahil may tutulong sa’yo” “Ewan ko” “Bakit naman? Galit ka ba sa Daddy mo?” panghuhula ni Jacqui. “Hmmm. Medyo.” sambit ni Jeff “Pinipilit ko naman na patawarin siya pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, naiinis ako eh” “Sige lang. Balang araw, mapapatawad mo din ang Daddy mo” “Sana nga, bes” sambit ni Jeff. “Kaya mo yan, you go girl!” sigaw ni Jacqui at napatingin sa kanila ang ibang estudyante na nakaupo malapit sa kanila. “Pang ilang beses mo na nasabi ang ‘girl’? ang sagwang pakinggan” “Hahaha… bakit? Ayaw mo?” pabirong tanong ni Jacqui sa kanya “Ewan ko sa’yo. Tapusin mo na yung kinakain mo. Ang hinhin mo naman kumain. Ikaw na lang kaya ang hinihintay namin oh” “Okay boss… heto na” sabi ni Jacqui “by the way friend, kamusta na kayo ni Riley?” “hmmm.. ok lang naman..mag fo-four months na kami this February 3” sagot ni Jeff “Wow ha… tagal naman pala” sambit niya “haaayy..buti ka pa, may boyfriend samantala ako…. NGANGA… bigyan mo naman ako friend” “Hay naku. I-enjoy mo kaya ang pagiging single” payo ni Jeff sa kanya “Parang hindi ka kasi mabubuhay ng walang lalake eh” “Ay grabe siya. Hindi naman sa ganun” tanggol ni Jacqui sa sarili “Alam mo naman na lumaki ako na walang ama diba? Kaya naghahanap ako ng lalakeng magmamahal sa akin. Pero virgin pa ako ha. Kahit tignan mo pa ‘to” “Titignan ko?? Yuck. Sorry, bes. Hindi ko na yan type” tawang tawa silang dalawa sa kanilang kulitan pero meron siyang napansin sa isa nilang kasama. “Hoy Alvin, kanina ka pa ba diyan? Kamusta ka na? hehe” tuloy ang pangungulit ni Jeff “Ok ka lang?...ang tahimik mo ngayon..” “Ok lang ako. Sama lang ‘to ng pakiramdam” nanghihinang sagot ni Alvin “Maayos ka pa naman kanina sa pagpasok natin dito ah…baka sa pagkain” sabi ni Jeff “Hindi Jeff…kanina pa ‘to sa paggising ko sa bahay” sambit niya sa kaibigan “Pero kaya ko pa naman” “Sure ka?” tanong ni Jeff na may halong pagdududa pero tumango lang si Alvin. “Baka nagseselos dahil topic natin ang lover mo” sabat ni Jacqui sa usapan at sinulyapan siya ni Alvin na nangungusap ang mga mata na tila pinahihinto ang sinasabi ni Jacqui. “Ha? Bakit nagseselos?” tanong ni Jeff “A..e..wala…sumasabat lang ako sa nababasa kong article dito sa sss” palusot naman ni Jacqui. “Ahh..kala ko dito sa usapan namin” sambit ni Jeff sabay tingin kay Alvin “Vin, kumain ka ng mabuti ha” tumango naman ang kanyang kinakausap “by the way guys, anong oras na ba?” “1:43pm na..bakit?” sagot ni Jacqui “Oh s**t! Late na ako” nagmamadaling tumayo si Jeff “OA mo. 2pm pa magsastart klase mo” paalala ng babaeng kaibigan sa kanya. “Kahit na…late na ako at malayo pa ang room ko..alis na ako guys…kita na lang tayo mamaya after class sa bench” at kaagad umalis si Jeff Matagal na silang magkaibigan na tatlo simula pa nung highschool pa lamang sila at hanggang ngayon, sa pagtapak nila sa kolehiyo ay magkasama pa rin sila sa iisang University pero magkaiba na ang kani-kanilang mga kurso; Si Jacqui ay kumukuha ng Nursing, si Alvin naman ay kumukuha ng Criminology at si Jeff ay isang Marketing student. Masaya ang kanilang pagkakaibigan, ika nga, #Frienship Goals. Lahat ng mga sikreto nila na hindi alam ng ibang tao ay alam nila. Pero hindi naman lahat…. “Ikaw talaga Jack…muntik na tayo dun ah” sabi ni Alvin “Ok lang yan, nailusot ko naman eh..hehe” kinindatan niya si Alvin at nakita niya na parang nag-aalala at kabado “Alvin, kung ako sa’yo…sabihin mo na kay Jeff ang totoo. Hindi naman siya magagalit. Naninibaguhan kasi ako ngayon sa’yo…ang tahimik mo” “Nahihiya kasi ako na sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, Jack. Baka ma-ilang siya sa akin…at tsaka, meron na siyang lover. Wala na akong pag-asa sa kanya” napayuko lang si Alvin matapos niya itong sabihin. “Ano ka ba?! hindi pa katapusan ng mundo noh” sabi niya kay Alvin “hindi pa sila kasal at may pag-asa ka pa kay Jeff. At kung iniisip mo na ma-iilang siya kapag nalaman niya ang nararamdaman mo…so what? Atleast nasabi mo sa kanya ang totoo at wala kang pinagsisihan doon…ok?..” Napangiti lang si Alvin sa mga payo sa kanya ng kaibigan at muling bumalik ang kanyang pag-asa kay Jeff. *** Natapos ang huling klase ni Jeff pero wala pa rin si Riley na parating naghihintay sa bench. Nagtaka siya dahil tuwing pagkatapos ng huli niyang klase ay naaninag niya si Riley na naghihintay ito sa kanya. Kinuha niya ang kanyang telepono at dinial ang numero ni Riley. Nag-ring ito ng ilang sandali at may sumagot sa kabilang linya. Riley: Hello babe? Jeffrey: San ka na? R: Dito sa mall. Bakit? J: Kanina pa kaya kita hinihintay dito. Katatapos lang huling klase ko eh. R: Ha?? Magkikita ba tayo? Hindi mo naman sinabi babe eh J: Hmmm. Diba parati mo tong ginagawa? Bakit hindi mo alam? R: Sorry babe. Nagtext kasi si Fred na magkita kami ngayon dito eh. J: Ganun? So, magkasama kayo ngayon? R: Oo babe. Meron siya kasing problema eh. Pinakausapan niya ako na magkita kami para mailabas niya sa akin ang sama ng loob niya. J: Ah Okay. R: Babe. Galit ka? J: Hindi. Hindi ako galit. R: Weh? Iba na ang tono ng boses mo eh J: Sige na. Baka naiistorbo na ako diyan sa date ninyo R: Date? Hindi ‘to date noh. Yan ka na naman eh.Nagtatampo na naman oh. J: Sige na. Bye na. Uwi na ako. R: Babe please. Sunduin na kita diyan ngayon. Wait mo na lang ako diyan Sinundo nga ni Riley si Jeff sa kanyang paaralan gamit ang sasakyan. Sumakay si Jeff dito at nagulat ito sa kanyang nakita. “Hello” bati ni Fred sa kanya. “Oo nga pala, babe. Sasakyan ‘to ni Fred. Nagpahatid lang ako sa kanya dito” paliwanag ni Riley. “Hindi mo naman sinabi na kasama mo si Fred sa pagsundo sa akin” sagot naman ni Jeff na tila nagbubulong sa kausap. “So ano? Personal driver mo na siya ngayon?” “Babe naman. Nagboluntaryo siya na sumakay na lang ako sa kanya. E mabuti na yon na makalibre sa pamasahe diba?” “Saan ba kayo magdedate, bes?” dugtong ni Fred sa usapan. “Ahhmm. Balik lang tayo sa mall, bes” Napatingin si Jeff sa kanya dahil nagulat ito tawagan nilang dalawa. “Bes…??” ulit ni Jeff. Pero hindi sumagot si Riley at ngumiti lamang ito. Nang pagkadating nila sa mall ay nagpaalam si Fred na papasok na muli sa kanyang trabaho habang silang dalawa naman ay maglilibot. “Babe. Ang tahimik mo. Galit ka ba?” “Hindi. Hindi ako galit” “Talaga??” tanong ni Riley na lumalambing ang boses. “E bakit lumalabas yan sa ilong mo ang pagkakasabi mo” “Alangan naman sa pwet ko lalabasin? Mapagkamalan pang utot yan” “Hmmp. Pilosopo naman ng babe ko eh. Halika ka nga dito” sabay hila kay Jeff at inakbay ito ng mahigpit. “Aray. Dahan-dahan naman” sambit ni Jeff “Oo nga pala, ano ba ang problema ng ‘bes’ mo?” “Lovelife, siyempre” sagot ni Riley at nagsimula na siyang magkuwento “Iniwan na siya kasi ng lover niya, pinagpalit sa bago.” “Matagal na ba sila?” “Mga three months” dugtong ni Jeff “Pero on and off ang relasyon nila eh” “Ha?Bakit?” “Kasi si Fred. Parati niyang binebreak itong partner niya. Konting away, break. Hanggang sa nagsawa na ang isa at itinigil na lang nila ang kanilang relasyon” “Immature, ganun?” “Hmmm. Parang ganun na nga, babe.” “E ano ang pinayo mo sa kanya?” “Sabi ko, ganyan talaga ang buhay. Akala mo na kayo na, pero hindi pala. Kaya move-on na lang.” “Wow. Lalim ng hugot ah” “Hehe. Hindi naman, babe. Payong kaibigan lang” “Magkaibigan lang?” “Oo naman. Teka, nagdududa ka na naman ba?” “Ha? Wala akong sinabi” “Babe… alam ko nagseselos ka na naman.” Sabay hawak ng kamay ni Jeff “Wala kang dapat pagselosan, okay? Ikaw ang mahal ko” “What if kung mahal ka niya?” “Ano bang klaseng tanong yan” “Sagutin mo na lang. Please” “Edi sasabihin ko sa kanya na may partner na ako. At alam niya naman na hindi na ako pwede” sagot ni Riley “At isa pa, hindi ko siya mahal noh. Ikaw ang mahal ko” “Talaga lang ha?” “Oo nga. Babe naman, nagdududa ka na naman” “Hindi ako nagdududa, naninigurado lang ako.” “Hmmmm. Gusto mo lang ng lambing eh” sabay yakap ni Riley sa kanya . Ngumiti naman si Jeff sa ginawa sa kanya “Kita mo, nakangiti ka na. Sorry na, babe ha” “Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan” “E kasi ikaw eh…” sagot niya kay Jeff at natapatingin naman ito sa kanya “Basta… hehe. Kumain na lang tayo. Baka magalit ka na naman eh” Umupo at tumambay sila sa parking lot pagkatapos nilang kumain. Gusto nila kasi na lumanghap ng preskong hangin. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon din si Jeff na umuwi.Sinundo naman siya kaagad ni Riley at pumasok sa kanyang trabaho bilang call center agent. *** Nang pagkadating ni Jeff sa kanilang bahay ay nakita niya sa kanyang pagpasok ang mga malalaking bagahe. Nakita niya din na nakaupo ang kanyang ama sa sala at tila may hinihintay. “Anong nangyayari dito kuya?” tanong niya sa kanyang Kuya Jeremy na kakalabas lang sa kanyang kuwarto. “Lilipat daw muna kayo ni nanay sa bahay nila” “Kaninong bahay?” “Bahay ni tatay at sa bago niyang asawa” “Ha?.. Bakit?” tanong niya ulit “Ewan ko din eh..kakarating ko lang. Tanong mo kaya kay nanay” nagulat si Jeff sa balitang nalaman mula sa kuya at agad niyang pinuntahan ang nanay. “Saan ba siya?” “Sa kuwarto niya, nag-iimpake pa rin” Kaagad naman ito pinuntahan ni Jeff ang nanay sa silid. Nakita niya nga na nag-iimpake nga siya ng kanyang mga gamit. “Nay, ano ‘to?” “Lilipat muna tayo sa kanilang bahay, anak” sagot naman ni Joyce. “E bakit?? Kanino namang plano na ‘to? Kay William na naman ba?” “Jeffrey..!” sambit ni Joyce “marunong kang rumespeto sa kanya dahil ama mo siya” “Bakit nga tayo lilipat dun…??” “Pansamantala lang naman, anak” paliwanag niya “aalis kasi ang tatay mo at si Natalie at walang magbabantay sa kapatid mo. Hiniling ng tatay mo na tayo na lang ang magbabantay kay Jean” “At pumayag ka naman agad?” dugtong na tanong ng anak. “Para naman magbonding kayo at mawala na ang galit mo kay Jean” sambit ni Joyce “pumayag ka na,anak…” Tumingin na lamang siya sa mga natirang gamit na pinapasok ng ina sa huling bagahe. “Wala na naman ako magagawa, nay. Dahil nakahanda na ang mga gamit ko” Tumayo si Joyce at hinawakan ang kamay ng anak “Salamat anak. Dahil pumayag ka. Ginagawa ko ito para makilala mo pa ang kapatid mo na si Jean. Isa ito sa mga hakbang para magiging maayos na kayo ng ama mo at ang pamilya natin” “Hay naku, nay. Bakit pa ba? Hindi na natin sila kailangan” “Kailangan mo, Jeff. Kailangan mo dahil ama mo siya” mas lalo pang hinigpitan ni Joyce ang paghawak niya sa kamay ng anak “Mahirap kung wala kang kinalalakhan na ama sa paglaki mo. Walang gumagabay sa’yo” “Nandiyan ka naman nanay diba? Ikaw ngaang tumayo na ama at ina sa aming magkakapatid. Hindi na namin siya kailangan” Napahinga na lamang ng malalim si Joyce sa sinabi ng anak “Hindi mo pa naiintindihan sa ngayon, anak. Pero balang araw, maiintindihan mo din ‘to. Magtiwala ka lang sa nanay” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD