Six

3993 Words
FAIRY PRINCESS, KUNG DALAGANG FILIPINA KA NGA, BAKIT GANITO ANG MGA DAMIT MO? NEXT TIME, BAGO KA MAG-DECLARE NA DALAGANG FILIPINA KA, MAGSUOT KA NG SAYA.-  PERCIVAL "He called me fairy princess, pero why so cold? Why so sungit? Why so antipatiko?" nasambit ko habang mangilid ngilid ang luha kong binasa ang note. What did he mean by that? Did he check on my stuff? Nakakahiya. Nanduon pa naman ang mga undergarments at nighties ko. Did he mean bastusin ang mga taste ko sa clothes?  I almost crumpled the note that the room boy gave me along with my 6 travelling bags. I am still in Percival's suite. It's 7AM and I just woke up from the knock at the door by the room boy. I was so excited to see my bags pa naman. Sobrang tuwa ko dahil pati mga jewelries na bigay sa'ken nila dad at mom ay natretieve. Sabi ng room boy, nasa lobby daw si Percival with a certain policeman who returned my travelling bags. Pero binasa ko muna ang note ni Percival, at eto nga, inis at hurt na naman ako sa kanya!  Kagabi pa naman ay masarap ang tulog ko. Parang nagcontinuation pa nga sa panaginip ko yun nangyari kaninang madaling araw. Kinilig kaya ako kahit mahalay yun! Hihihi! Pero sinira niya ang gising ko dahil sa note na binigay niya! Kainis talaga yan' si Percival! Wala ng ginawa kungdi punahin kung ano ang mali sa'ken! Ugggh! That man is starting to get to my nerves again, the way he did when I was 5 years old. Bakit ba kasi may crush pa'ko sa kanya hanggang ngayon? Kakainis talaga! Paano naman kasi ang cutie pie ni cutie Pykie! Hay naku! Enough na nga with my whining about him! I will remind na lang myself the sole purpose why I am here in Palawan. It's to convince him to be the model of Valentino. I'm just so confused about what happened kaninang madaling araw. He kissed me passionately, and we almost did it. Pero nakita ko sa mukha niya ang pagsisisi nung naitulak ko siya sa sahig. Galit na galit siya sa sarili niya na hinalikan niya ako and we almost did it. Tapos, ngayon umaga, itong note na'to ang bubungad sa'ken. Ano pa ang dapat kong isipin?  Klarong klaro naman! Ayaw niya sa'ken! Napabuntong hininga ako at napahawak sa puso ko. Masaaaakiiiiit! Parang gusto kong maluha. I was just rejected. I'm a reject! Siguro sa paningin niya, I'm ugly! Waaah! Me? Ugly! Kahit ano palang gawin kong ayos, he would never like me! Waaaah! I can never get him back to like me! Waaah! I need to talk to my friends. I'm hyperventilating! Hinanap ko ang tote bag ko sa kuwarto. Wala duon. Lumabas ako ng kuwarto at napatingin sa sofa. Nakita ko ang black Chanel tote bag ko. I took out my phone and dialed the first name in my group phone list. Si Jackie.  Pag-ring ng phone ay humiga ako sa kama at iniligay ko ang mga paa ko sa dingding. Sa umaga kasi ganuon ang exercise ko. Nagsi-sit ups ako with my legs up against the wall. Mga about 100 times. "Hello, Rori!" bati niya sa'ken. "Waaaah! I'm ugly! I'm so freagin' ugly!" Hingal kong iyak. Hingal dahil mahirap palang umiyak habang nagsi-sit ups. Hehe! Sinubukan ko lang, baka kasi mag-work. Eh hindi ko pala kaya, so nag-rest muna ako habang ngumangalngal sa kaibigan ko. "Huh? Bakit mo naman nasabi yan? You're an epitome of beauty and elegance!" Sabi ni Jackie. "Kaya wag ka ng umiyak kungdi shoshonget ka!" Pag si Jackie ang nagsalita, super naninwala ako kasi she's very honest. Kaya nga bagay din siya sa line of business niya kasi she is so meticulous when it comes to cooking. One wouldn't be short changed when it comes to cleanliness, quality, and service whenever she would cater to people. "Si Percival kasi eh... nilalait na naman ako! Huhuhu!" "Naku, wag ka magpapaniwala dun! Kahit hindi pa namin nakikilala yun, feeling namin he likes you naman talaga! Magpapadala ba siya yearly ng teddy bear, flowers at chocoloates tuwing birthday mo o kung Christmas, Valentine's Day, April Fool's Day, All Saint's Day, Ramadan, Flores de Mayo, Edsa People Power day, Ninoy Aquino day, Rizal Day, Bonifacio Day, at isama mo na rin ang lahat ng holiday sa US, kung di ka niya like?" "Ganun ba yun?" "Oo naman, Sweet cube! Kaya can you stop crying na? Masakit sa tenga eh. Anyway, the gang is here. We're having breakfast. I prepared a different kind of Tapa! Nilagyan ko ng Sprite and Tomato Sauce, then sugar." Lalo kong na-miss ang mga barkada ko. "Oh my, Jack! Yummmy! You make me wanna fly out of Palawan!" Naaliw na ako dahil sa kuwento ni Jackie. "Wag ka mag-alalala. Wala ka naman namiss kasi hindi namin makain yun' inexperiment kong tapa. Dapat pinakuluan ko muna kasi tumigas siya when I fried it. Buti na lang may adobong manok din akong hinanda. Alam mo naman si Shayla, adobo monster. Teka, i-speaker phone kita." "Hindi ako adobo monster ha!" Si Shayla, isa sa mga kaibigan ko na super shy but super kind din. She's the most patient, understanding, at hindi nagagalit sa'min. She's also my muse. Ako ang nagme-make up at ayos sa kanya. And I get the opportunity to dress her up during her beauty pageants. She joins beauty pageants para may money siya because she has a family problem, and she stows away from home most of the time because her stepfather is kadiri! Incestuous! Kasi Shayla is really beautiful. Pero, hindi siya naliligawan because she's scared of guys, and because guys who know her don't attempt to court her even if they like her. That's because of Lucio Santiago. "Kulang pa nga sa'yo yun' adobo." Rainbow teased her. Rainbow naman is our racer. She looooves cars and she's my lady mechanic. She's also a beauty, but she never likes to dress up or look like a lady. Kapag nakikita ako niyan, kailangan she's neat na and presentable kasi I always give her a lecture about being a lady. Natutulili daw ang tenga niya sa'ken kapag sinesermonan ko siya. Daig ko pa raw kasi ang isang nanay. But, I know deep inside her, she loves me for being like that—like a mommy. Kasi she grew up without a mommy. Her mom passed away when she was born. Kaya lumaki si Rainbow with 5 men in her life. Her dad, and older brothers. His Dad and two older brothers are in car manufacturing business. Her 2 younger brothers are both soldiers. What I like most about her is that she's very loyal best friend to all of us. You can always count on her. "Pahingi naman! Ang tigas nung niluto ni Jack eh!" si Tanya naman yun. She's the most intelligent amongst us. She wants to be a lawyer. She's beauty and brains, pero may pagka-nerdy. Tuwing may event lang siya nagpapa-ayos sa'ken. Most of the time, she likes to wear her goggles, este thick glasses, kaya I'm so naiinis kasi I gifted her contact lenses which she hardly use. Sinasabihan ko nga siya na matututong na yun' contacts na gift ko sa kanya. I don't know if nakonsensya ata siya or tuwing magkikita lang kami niya sinusuot yun' contacts niya. "Tanya, are you wearing your goggles again?" sabat ko sa usapan. Nagkatawanan sila. Alam ko na that she didn't wear her contacts. "Sabi niya wag daw kami maingay!" Si Pinkie iyon. She's our eventologist. She's always in every celebrity events and parties. She's a disc jockey and life of the party. Marinig ko lang ang mga kaibigan ko, sobrang natutuwa na ako. Siguro yun din ang naging dahilan kung bakit kahit papaano nakapag-cope ako sa pagkawala ng magulang ko. Hindi kasi nila ako iniwan. Nung matapos yung burial ng parents ko, natutulog sila sa bahay. Nagsli-sleep over. Tapos si Rainbow ang naghahatid sundo sa'ken kasi natutulala ako. Si Shayla naman, sa'min nagsstay which is sooo good for me. Mahiyain nga lang si Shayla kasi parang parrot, paulit ulit na nakakahiya raw na ang tagal na raw niyang nagiistay sa bahay. Ang hindi niya alam, yun' pag-stay niya sa bahay keeps me sane kasi she accompanies me. Mababaw lang akong tao. Madali akong aliwin at patawanin, at mas lalong madali lang akong paiyakin. Madali din ako mag-sorry, at madali rin sa'ken mag-forgive. Kaya nga ewan ko ba kung bakit pag-dating kay Percival, upset na upset ako. Siguro kasi pag nahu-hurt niya ang feelings ko, hindi ko man lang naalalang nag-sorry siya sa'ken. Pero gayunpaman, finoforgive ko siya. Katulad na nga lang ngayon, wala na naman ang inis ko sa kanya. Biglang may tone sa aking mobile phone na nagsasabing may incoming call ako. I immediately said goodbye to my friends and told them that I miss them so much. Then, ended the call, and answered the incoming one. It was the Marketing Direcotr of Valentino reminding me that I only got 2 months before the stockholders will pull out their investments and transfer to other companies of Pizzo Group of Companies. My gosh! Ganuon ba kaimportante itong si Percival? Ugh! I immediately took a bath, and carefully chose what I will wear for today. Naalala ko ulit ang sinabi niya sa note.   FAIRY PRINCESS, KUNG DALAGANG FILIPINA KA NGA, BAKIT GANITO ANG MGA DAMIT MO? NEXT TIME, BAGO KA MAG-DECLARE NA DALAGANG FILIPINA KA, MAGSUOT KA NG SAYA.- PERCIVAL Hmp! Saya ba kamo? Then, saya I shall wear!  Anything for you my cutie Pykie!       I felt so guilty about what happened early this morning with me and Rori. I thought I was dreaming because in my dreams, I was imagining she wanted to be intimate with me. I only realized that our intimacy was real when she pushed me. Damn! Nahalikan ko siya! Damn! I had the guts to touch and kiss her breasts... Her breasts? s**t talaga! I'm having mixed emotions because I wanted to kiss her, but I feel so guilty about it! F*** talaga! Nakakahiya kay Rori! I respect her so much, and I feel so bad that she had to remind me that she's dalagang Filipina.  I'm so stupid!  Gusto kong iumpog ang sarili ko sa dingding. Napailing na lang ako habang nag-iisip. Nasa restaurant ako ng hotel namin ngayon at nag-iintay dumating si Paul Diokno na captain ng kapulisan dito sa area namin sa Palawan. Kababata ko si Paul at sa kanya ako humingi ng tulong kahapon para makuha ang gamit ni Rori. Tinawagan niya ako kaninang 6:00am para ipaalam na nahuli na ang taxi driver at kalaboso na ito ngayon. Sinabi rin ni Paul na ito na ang mismong maghahatid sa mga maleta ng bisita ko. Interesado raw itong makilala yung bagong salta dito sa Palawan. Sinabi ni Paul na chinek niya raw ang gamit ng bisita ko as part of their SOP at ang se-sexy daw ng mga damit. Siguro daw ang sexy ang may ari. Tinatanong pa'ko kung nakita ko na raw yun' may ari nung gamit. Na-bad trip talaga ako duon kasi ibig sabihin non nakita ni Paul yun' mga gamit ni Rori katulad ng mga undergarments. Gusto kong suntukin si Paul sa asar. Pero inisip ko na lang hindi naman alam ni Paul na kay Rori yun' mga gamit na yon. Wag ko lang makita ng personal kay Paul na pinagnanasaan nito yun' may ari nung gamit na nakuha nila kungdi bibigwasan ko talaga yun' kolokoy na g*gong 'yon. Pasalamat 'tong si Paul masama ang pakiramdam ko. Parang magkaka-trangkaso ako. Simula kasi ng dumating ako dito sa Philipines ay tuloy tuloy ang mga meetings ko at events. At dahil sa umuulan ulan ngayon panahon na ito, may kadalasan na naambunan o nauulanan ako lalo na pag palipat lipat ako ng venue ng meetings sa isang araw. Lalo pang sumama ang pakiramdam ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Dagdagan pa na masakit ang ulo ko dahil tinoma ko ba naman ang isang bote ng alak ng mabilisan kagabi makatulog lang. Tsk! Iba kasi ang tama ni Rori sa'ken e! Nang dumating si Paul ay dinala namin ang mga maleta sa opisina ko. Isa isa namin binuksan ang mga maleta, at totoo nga, ang se-sexy ng mga damit ni Rori. Lahat mga signatured. Kungdi mababa sa harapan ang mga blusa, sa likod mababa, at karamihan lacey. Wala din akong nakitang mga brassiere pero may isang box ng mga n****e silicon pads at isang small bag ng mga g-strings o t-back. Merun din isang small bag for normal underwear. Mabuti naman at merun pa siyang mga normal na damit siya kahit underwear lang. Akala ko ba dalagang Filipina siya? Bakit ganito ang mga damit niya? Nangseseduce ba siya? Buti sana kung ako yun' sineseduce niya eh. Arggh! Galit talaga ako! I'm not conservative, but just imagining Rori wearing these sexy clothes and being ogled by other men really make me feel overprotective and overljealous! Sa inis ko, hindi ko na itinuloy ang pagchecheck ng gamit ni Rori na kaharap si Paul. Pinasara ko na ang mga bag ni Rori at inutusan ang isa sa mga room boy na dalin ang gamit ni Rori sa suite ko, tapos nagsulat ako ng note kay Rori.     FAIRY PRINCESS, KUNG DALAGANG FILIPINA KA NGA, BAKIT GANITO ANG MGA DAMIT MO? NEXT TIME, BAGO KA MAG-DECLARE NA DALAGANG FILIPINA KA, MAGSUOT KA NG SAYA.- PERCIVAL Kahit naiinis ako, tinawag ko pa rin siyang 'fairy princess' sa note, dahil yuon ang nakasanayan kong tawag sa kanya pag gumagawa ako ng message sa card. Pagkatapos, kinuha ko ang Php 80,000.00 na nasa sealed envelope. Ibinigay ko kay Paul. Sabi ko sa kanya, siya na ang bahala sa mga staff niya. Sinabi ko rin sa kaniya na dalin niya ang mga staff niya dito minsan at libre breakfast. Pang-treat ko lang sa team niya dahil nga sa mabilis na pag-responde at recover sa mga gamit ni Rori. Inimbitahan ko na si Paul sa restaurant para mag-eat all you can breakfast. Nagse-serve kasi ang restaurant ng eat-all-you can breakfast for Php 499.00 that I conceptualized as I benchmarked in Manila last month. Pa-uso pa lang ang eat-all-you can breakfast at pumatok naman ito sa mga guests namin. Habang kumakain kami ni Paul ay tinanong ako nito kung babalik pa ako ng US. Pinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko lang kumpletuhin yun OJT ko para makuha ko na yung diploma ko sa Harvard University, saka ako babalik ulit sa Pilipinas para mamanage ko na ng full time ang mga negosyo ng magulang ko. They are currently in Europe now having a vacation while benchmarking. Habang nagkukuwento ako ay biglang napatulala si Paul. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Si Rori! Nakasuot siya ng backless na damit at parang itinali lang ang pang-harap ng blouse niya sa leeg, pero mahaba ang suot nityang palda. Kitang kita ang makinis at maputi niyang likod dahil naka-pusod ang buhok niya na parang Maria Clara. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. At nakita ko sa mukha niya na nahalata niya iyon. Parang natakot siya kaya imbis na lumapit sa'min ay naupo siya sa isa sa mga tables. Lumapit naman ang isang waiter at binigyan siya ng menu. Kinuha niya ang menu at itinago ang mukha niya roon na kunwari ay nagbabasa ng menu. Tumayo si Paul. "Pare, I've got to know her!" Anito. Gusto kong sumigaw ng 'HINDE PWEDE!'. Knowing Paul, mabilis ito sa mga babae kaya tumayo ako't sumunod sa dito. "Pare, let me introduce you to her." Pigil ko kay Paul, hindi ako nagpapahalatang nagseselos ako at kaunti na lang, susuntukin ko na ito. "You know her?" Nakangiting tanong ni Paul. Dahil sa kababata ko ito, alam kong tinamaan ito kay Rori. "Yes." Tipid kong sagot. Nauna akong lumapit kay Rori. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. "You took what I said literally!  Nag-saya ka nga, pero sumobra naman ang bawas mo sa pantaas mo." Pabulong kong komento kay Rori. Namumulang tumingin si Rori sa'ken. Parang maiiyak na ito."I didn't take what you said literally. My sarili akong fashion taste! Ano bang problema mo? Hindi naman ikaw ang nagsusuot eh! Ako!" "Kapag na-rape ka sa suot mo,wag kang lalapit sa'ken para humingi ng tulong." Matabang kong sagot. Napanganga si Rori sa sinabi ko. I'm sure na-offend na naman sa'kin si Rori. Anung magagawa ko? Hari siguro ako ng sablay, pero sa oras na'to, I'm just too impatient and I know I'll regret it na naman—later. Right now, hinubad ko lang ang suot kong jacket at ibinigay sa kanya. Ibinigay ko ito sa kanya. Saglit niya akong tiningnan,tapos umirap bago kinuha ang jacket at sinuot ito. Tinawag ko na si Paul at lumapit ito na parang may pagtataka sa mukha. Nagtaka ito pero parang nakuha na nito ang ginawa ko. I was being possessive of her. It means I know her. It means she means a lot to me. Yun ang nakuha ni Paul sa gesture ko kay Rori nang pagbigay ko ng jacket, at ang naunang pabulong na pagtatalo namin ni Rori. Bahagyang naglamlam ang mga mata ni Paul. "Paul, meet Rori. She’s the owner of the six travelling bags. Rori, si Paul, kababata ko dito sa Palawan, at captain ng police dito sa area namin." "Rori?" nanlaki ang mata ni Paul, tapos nakita ko ang pagbalik ng sigla sa mata nito. "Ikaw si Rori? Yung babaeng patay na patay si Percival?"pagkamay nito kay Rori. Alam ko saglit akong namutla at napalunok sa sinabi ni Paul. Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Rori. "Noon yon. Hindi na ngayon." Sinabi ni Rori at umirap sa'ken bago nakipag-kamay kay Paul. "Ganoon ba?" si Paul. "So does that mean puwede akong umakyat ng ligaw sa'yo?" Pareho kaming nagulat sa pagiging straightforward ni Paul.  Hindi kaagad nakasagot si Rori. "Uh, Paul, I'll go ahead. I've got to go to the immersion today and need to pack my bag." Paalam ko kay Paul. Tumayo si Rori. Ito ang inaasahang kong gagawin niya. Kahit nakatalikod ako ay napangiti ako. "Saan ka pupunta? Granny told me you will give us time to discuss our proposal?" "I've got so many things to do, so if you've got something to say, just text it to me and I'll try to respond to you-- if I'm not busy." Sagot ko at saka umalis ng restaurant. Tumungo na ako ng elevator papunta sa suite ko. "What?" napalakas ang boses ni Rori. Mabilis siyang tumayo at nagpasalamat kay Paul habang naglalakad para sundan ako. "Pasensya na ha and thank you pero I've got to talk to him eh. Thanks, ulit!" Pasara na yun' elevator nung hinarang ni Rori yun' kamay niya. Napa-ouch si Rori. Alam ko nasaktan siya nang maipit ang kamay niya sa elevator. Nagmadali naman akong buksan ang pintuan ng elevator, at hinawakan ang kamay niya. Ipinasok ko siya sa loob ng elevator bago ulit ito mabilis na nagsara. "Are you crazy?" galit kong nasabi habang hawak ang kamay niya. Siya naman ay namimilipit sa sakit. "Grabe ka naman kung makahila! Naipit nga ang kamay ko pero parang nabalian naman yata ako ng buto sa paghila mo sa'ken. A-ouch!" Reklamo ni Rori. "S-sorry..." Malungkot kong sinabi. Kinuha ko ang mobile phone ko at inutusan yun assistant ko na papuntahin yun' resident doctor sa hotel para matingnan si Rori. Pagdating namin sa floor ng suite ko, nilabas ko ang swiping card at inalalalayan siyang pumasok sa loob. Tumungo siya sa kuwarto ko. I was hoping she would stay in the sofa kasi balak ko sanang mag-impake at maligo. Naupo siya sa kama ko. Napatitig lang ako sa kanya na nakaupo sa kama ko habang hawak ang wrist niyang masakit. Pumunta ako sa ref at kumuha ng bag of ice tapos lumuhod ako sa harap niya. Marahan kong kinuha ang kamay niyang naipit ng elevator saka marahan ding inilagay ang icebag.  Hindi ako tumitingin sa kanya dahil baka yun gahibla kong pagpipigil ay mawala na ng tuluyang. "Saan ka pupunta?" malungkot niyang tanong. "Sa immersion..." matipid kong sagot. "K-kelan ba ako puwedeng makipag-usap sa'yo tungkol sa proposal namin?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya pero relax na ang boses ko. "What's that proposal you'd like to talk about ba?" "It's about you being the model of Valentino..." Napatawa ako. Model? Ako? "Why don't you just get a real model? I'm not a model, Rori. I'm a businessman." "But you're the perfect model for Valentino! You're handsome, a Harvard graduate, a rugby captain, humanitarian, environmentalist, active supporter of NGOs such as World Vision, comes from a politically powerful clan, and manages several businesses that help promote Palawan tourism." With conviction and feelings sinabi ni Rori sa akin yon. Yun' parang believe na believe siya sa mga accomplishments ko. Almost all of them are true except for the second part. I'm not a Harvard graduate yet. I still need to complete OJT hours dahil nga I postponed it when Rori's family needed help with Uncle Valentino's burial. Napatitig ako sa kanya. I wondered how she got all that information. Is that how she sees me? Because if she does, kikiligin talaga ako kahit lalaki pa ako! At dahil natuwa ako. Hindi ko na rin napigilan ikumpirma iyon sa kanya. "Is that how you see me?" Napakurap si Rori at saglit na namula. "That's how market research team described you as the perfect model for Valentino men's wear." Sabi ni Rori na namumula. Napahiya ako at ibinababa na lang ang tingin sa kamay niya na nilalagyan ko ng icepack. "If you don't think that I'm fit for that, then why would I believe your market research team? Convince yourself first, before you convince me." Yun na lang ang sinagot ko at saka tumayo. Alam ko, may sasabihin pa dapat si Rori pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Timing kasi na may kumatok. For sure, iyon na ang resident doctor. Sa sofa chineck ng doctor si Rori. Ako naman ay mabilis na naligo at nagbihis. Nag-impake na rin ako kaagad para sa 1-week immersion ko. Nagulat si Rori nang makita niya akong may dalang knapsack at palabas na ng kuwarto. "Saan ka pupunta?" napatayo siya sa sofa. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Yan na lang ba ang parating linya mo?" I smirked at her. Para siyang nataranta. Nagpaalam siya sa doctor at sinundan ako sa paglalakad palabas ng elevator. Hindi ko siya pinapansin. Tuloy tuloy lang ako hanggang sa entrance ng hotel. Dumating ang sasakyan kong Hummer through valet. Sumakay ako doon. Nagulat ako ng sumakay din siya. "You! You were in the airport, were you?" galit niyang tanong. Tumingin lang ako sa kanya. "So?" "You! How could you? You were there and you let me just sit there for almost an hour? And you even told Granny you couldn't pick me up? You're such a jerk! Muntik nang manakaw ang gamit ko dahil sa'yo!" Galit na sabi ni Rori. "Your things were returned to you, right?" Paalala ko sa kanya. "And I even paid almost Php 100,000.00 as reward. So, if you dont mind, I have an appointment and I need to go there now because I've been an hour delayed already by you." "No! I won't leave until you say yes to being a model to Valentino!" Nagmamatigas niyang sabi sa'ken. "Okay," sabi ko lang at pinaandar ang sasakyan. "Ikaw ang bahala. Pero sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang, ang pupuntahan ko ay hindi bagay sa mga spoiled brat at maarteng prinsesa katulad mo. It's not a place for you.  Walang yaya, walang signal, walang internet, walang cable, walang Starbucks, walang mall, at lalong walang spa at salon." "You make it sound so hard to live there. For your information, koboy ako!" Mayabang pa niyang sagot sa'ken. "Koboy? Ikaw? We'll see about that." Sinulyapan ko siya. Nakatitig lang siya sa'ken at namumula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD