Nakatulugan ko si Percival sa sobrang tahimik namin. Halos isang oras rin kasi kaming bumibiyahe tapos baku bako pa ang daan kaya para yatang nahehele ako sa pagyugyog ko o baka kasi naalog ang utak ko. Nakatulog tuloy ako. Hehehe!
Nagising na lang ako ng sinara ni Percival ang pintuan niya at lalapit sa'ken para siguro gisingin ako. Pero tumigil siya ng paglapit nang magmulat ako ng mata. Sana pala hindi ko na lang minulat kaagad ang mata ko. Malay ko, baka balak pala niyang i-kiss ako. Sayang naman! Na-feel ko na kaya siya kumiss kaninang madalang araw. How delighting! Hihihi!
"Nandito na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang tinakpan ko ang bibig ko para mag-hikab. Siyempre pati pag-hikab dapat lady-like.
"This is not the barrio yet. I must walk on foot. I will leave you now and Mang Arturo will drive you back to the hotel unless you can drive back by yourself?"
"I told you I will not leave until you say yes to model for Valentino." I adamantly said in British accent. Yes, when I need to stand my ground or be forceful, I couldn't stop myself from talking in British accent. I got that from watching English cartoons as a kid and got their accent. As a kid, I was a bit of a loner because kids my age don't get me, so I played alone in my own little castle at home. When I was in high school, that was when I met my five friends because we all went to the same exclusive school.
Napakamot sa ulo si Percival at napakunot noo. "How are you supposed to go hiking with me at this time of the day wearing that? And you're not even wearing the proper shoes. At lalong wala kang baon damit for the immersion. Alangan naman na yan ang suot mo buong linggo?"
Napalunok ako.
Think Rori! Bloody think hard! If I agree to go back to the hotel to get my stuff and just go back here, tatakasan kaya ako ni Percival? Ang sagot ay OO with capital letters! I've got a feeling that the moment na umalis ako, tatakasan ako nito dahil something's telling me he's avoiding me!
"Bakit mo ba ako pinoproblema? Akong bahala sa sarili ko." Confident kong sabi kahit ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko, pero carrybells. Basta makahanap ako ng tela, gunting, sinulid, karayum, o pardible, makakagawa ako ng paraan na magkaroon ako ng damit at underwear. Anyway, hindi naman ako mahilig mag-brassiere so less problem.
Yun lang, wala akong silicon pads. Wala din akong lotion, facial wash, night cream, bath cream, body wash, perfume, make up...Oh my, my make up!
I gasped. I started to feel insecure! Truly! Security blanket ko kasi ang make up! Huhu! All for the love of Valentino, for the first time in my adult life, mukha akong canvass na walang kulay! Huhuhu! Naiiyak na ako deep inside.
Napansin kong napahawak sa ulo si Percival at ipinatong ang ulo sa manibela ng sasakyan niya bago nagsalita.
"Fine." Anito at lumabas na ng pinto at inilagay ang knapsack nito sa kanayng likod. Bumaba siya kaya ako naman ay nagmadali din buksana ng pintuan ko. Nagulat ako dahil nasa tapat na siya ng pintuan ko at nakalahad ang kamay. Napatingin ako sa kanya na may halong gulat at pagtataka.
Gentleman ang peg? Ayii!
"Do I need to carry you just so you can go down?" medyo irritable na si Percival. Natakot tuloy ako sa kanya. Ibinigay ko na ang kamay ko at inalalayan niya akong bumababa sa Hummer niya. Nung nakababa na ako, binitawan na niya ang kamay ko at hinawakan ako sa likod para i-lead ako sa mga taong nasa tapat ng isang maliit na bahay. May nakasulat duon na Barangay Hall. Nagulat ako. Ganito kaliit ang baranggay hall? At nasa liblib na lugar pa? At, walang mashadong sasakyan? I wondered how they go to the city. Anyway, dahil curious ako, tinanong ko. They said naglalakad daw sila.
Oh, my gulay! Are they serious? At dahil saglit akong natameme sa sagot nila, si Percival na ang pumutol ng katahimikan. Pinaliwanag niya sa aken na hindi alam ng mga taga-barrio na siya ang may balak na mag-sponsor ng pag-aaral ng lahat ng estudyante sa barrio na iyon. Ipapakilala lang kami na mga nag-immersion na representatives ng World Vision.
At dahil may paparating daw na bagyo, kailangan daw namin magmadali maglakad papunta sa barrio. Naroon daw si Ate Jovi na kukopkop sa amin ni Percival habang nag-iimersion.
Great! I will climb up the hill in my long dress and stilletos at dapat mabilis daw kami maglakad dahil parating na raw ang bagyo. Pansin ko nga parating na iyon dahil madilim na ang paligid kahit na mage-11:30am pa lang.
Napatingin sa'ken si Percival. May bahagyang pag-aalala sa mga mata niya.
"Are you sure you want to go through this? You still got a chance to back out. Sa hotel very convenient ka." Sabi nito.
Back out? Para ano? Para matakasan niya ako? No way!
"Hay naku! Parang mountainlet lang, I will back down na? Of course not! Go!" Sabi ko sa kanya at nauna sa paglalakad.
Nakita ko pa siyang napatawa at inulit ang salitang mountainlet dahil alam naman niyang walang ganung salita. Ako lang ang nagsabi nun. Napailing na lang siya at saglit an kinausap si Mang Arturo. He asked him to get my stuff in the hotel tapos ibalik ang Hummer sa Barangay para pupuntahan daw namin kinabukasan nang makakuha ako ng damit, tapos tinawagan niya ang kanyang assistant para ibilin na kunin sa kanyang room ang mga gamit ko. Matapos ang call ay sumunod siya sa akin sa paglalakad.
May path paakyat sa mountainlet at I assume duon kami dadaan. Nanguna sa paglalakad si Kuya Ruben.
I will show you how graceful I can be even while hiking with my stilletos! Mayabang ko pang sabi sa sarili ko. Gora! I can do this!
Habang binabagtas namin ang mabato-batong path, hindi ko napigilan mag-hum para malibang. Nangunguna sina Kuya Ruben at Percival habang ako ay mabagal na naglalakad. Kailangan mabagal ako para hindi ako mahirapan maglakad sa stilettos ko. Mga ilang minuto pa ng paglalakad ay medyo nahirapan na ako kasi medyo masakit na ang mga paa ko. Iniangat ko na ang palda ko para hindi ako madapa, pero sa kasamaang palad, natapilok ako at tumumba. Nasugatan ang tuhod ko. Siyempre masakit dahil dumirekta sa tuhod yun mabatong lupa. Napaupo ako pero hindi ako umimik. Ayoko kaya mapahiya. Tahimik akong umaray sa sakit at inakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa lupa. Nagulat na lang ako nang biglang nasa tabi ko na si Percival. Medyo maputla siya at nag-aalala.
"Saan masaket? Kasi sabi ko sa'yo wag ka na sumama..." malumanay at may pag-aalala niyang sabi habang hawak ang binti ko. Parang kung turungin ako ay parang napaka-fragile ko. Napatulala lang ako. This is the kind of Percival I haven't seen ever. Yung sweet. Sweet? Totoo ba'to? "Kaya mo ba maglakad?" marahan niyang tanong sa'ken.
"Lakad?" natameme ang beauty ko. Promise! Anung nangyari at nagbagong anyo ang cutie Pykie ko? Sino ba'tong kaharap ko? Ang weird! Nae-engkanto ba kami?
Nanlaki ang mga mata ko. Saktong lumalamig pa naman ang paligid at mas lalong nagdidilim ang ulap. May kulog kulog pa! Kitang kita ko yung mga kulog sa langit. Parang ang lapit lapit nila! Umatras ako papalayo at tumili. "Aaaaaah! K-kung sino ka man, umalis ka sa katawan ni Percival!"
"Rori, what the hell are you talking about?" napakunot noo si Percival sa'ken. Lumapit naman si Kuya Ruben.
"Baka nagdidiliryo ang kaibigan mo. Tingnan mo kung may lagnat at madala natin sa ospital bago dumating ang bagyo." Si Kuya Ruben ang nagsabi.
Lumapit naman si Percival sa'ken at hinawakan ang noo ko. "Wala naman, Kuya Ruben. Ayos lang itong si Rori. Baliw lang talaga siya paminsan minsan." Napanganga ako sa kanya in disbelief that he called me baliw.
Me? Baliw? "Of course not! I'm not baliw!" Depensa ko.
"Bakit? May baliw bang umamin na baliw sila? Wala naman diba?" sagot niya sa'ken.
Naiinis na talaga ako! Pag ganitong pagod na ako, nagugutom, at may sugat, nakakaubos din siya ng pasensya!
"Ugh! I'm not baliw!" I said and stomped my foot, tapos muntik na naman akong dumausdos sa slant na bundok. Sinalo ako ni Percival.
"Tayo na! Parating na ang bagyo! Malapit na tayo sa bahay namin."
"Tara na," aya sa'kin ni Percival at tumalikod. Napatanga ako. What does he mean?
Humarap siya sa'kin. "Sakay na sa likod ko para mabilis tayo." Utos niya sabay talikod ulit.
"B-but I've never done this before!" Panic ko pero inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinila niya ang mga kamay ko papalapit sa dibdib niya. Napadikit ako sa likod niya at saka niya hinawakan ang bottom ko para kargahin ako. Napatili ako sa pagbuhat niya sa akin. Nakarating kami sa tuktok ng bundok overseeing the sea. I didn't know we'll be staying beside the sea. Ang ganda ganda! Naramdaman ko na lang na pababa na kami sa bundok. Mabilis kaming nakarating sa baba. Pumunta kami sa pinakamalapit na kubo. Ito pala ang kubo ni Ate Jovi.
Asawa pala ni Kuya Ruben at si Ate Jovi. Ipinakilala din kami ng mag-asawa sa mga kapitbahay na nagsipuntahan sa bahay ng mga ito dahil narinig nga ang pagdating ng mga ‘representatives’ ng World Vision. Ngayong unang araw abuti sa community ay wala muna raw kaming socialization with the neighbors. Magpahinga muna daw kami sa byahe tapos maghahapunan.
At dahil umuulan, madilim kaagad ang paligid. That’s when I realized there’s no electricity at nag-sindi lang sila ng lampara na may gasul.
So, does it mean na kapag balak ko na mag-freshen up later-- to wash my face and pee, I will use a lampara? Come to think of it, wala naman problema kung lampara ang gamitin ko. Yun’ panahon nga ng mga pharaohs, king and queens of ancient times, they survived without electricity for thousands of years. Ako pa kaya na 1-week lang naman makaka-experience ng ancient lights? Why not, diba? Carrybells ko ‘to! Aja! Wag lang ako makatabig ng lampara and set the whole place on fire diba? Kaya, ingat ingat din ako pag may time.
Palihim kong inikot ng mga mata ko ang buong kubo. Cute yun’ kubo. Naiisip ko kung paano magiging pretty yung kubo given its design. Cute kung may floral curtains. Tapos yun’ door ng rooms, lalagyan din ng floral curtains. Tapos yun’banggera, tatakpan ng floral curtains para hindi kita yun’ ilalim nito. Maganda rin kung may paper abuti balls on top of the windows. Maganda din kung may mga different sizes ng bilao as wall decorations and with different accents like flower, photo nilang mag-asawa, a quotation about love handwritten in small canvass. Tapos may hanging Japanese white lanterns or Capiz lanterns na magkakaiba ang haba ng strings on the side. Tapos yun’ transistor radio nila looks vintage.
How fabulous! So etsy! Luurv it!
Naputol ang pag-iimagine ko nang mapansin ko ang paghahanda ng mag-asawa sa lamesa. They served adobong manok on the table habang naghahanda ng plato at baso. Pero I wondered where was the spoon and fork. Nag-aya na ng hapunan si Ate Jovi.
“Hapunan means supper, right?” bulong ko sa kanya habang nakaupo kami sa rattan na bangko sa may sala.
Tumango lang siya.
“At 6pm?” tanong ko ulit.
Tumango lang ulit siya at binigyan ako ng look na parang mag-shut up na’ko. I got a little surprised though when Percival took my hand. Pinatayo niya ako. Sabi niya pupunta daw kami sa likod ng bahay para maghugas ng kamay. Paika-ika akong lumakad habang inaalalayan niya ako. Pagdating namin sa likod, kumuha siya ng makeshift na tabo at pinansalok niya sa isang malaking banga na katulad ng mga display na palayok sa garden abuti in Manila. Duon pala sila kumukuha ng tubig. Lumapit ako at gagayahin din dapat si Percival na naghugas ng kamay sa may gilid ng pintuan. I was about to dip my hand into the palayok when he stopped me.
“Don’t dip your whole hand inside. That also serves as our drinking water. Nanggaling pa yan sa well. “Pabulong na sabi ni Percival sa’ken.
That’s where we will drink water?
“Seriously?” I thought that he was just joking, and I really stared at him. Serioso nga siya. There was kirot in my heart. My heart goes to this community. Ngayon pa lang, I really want to think of a way to help them na. Habang naghuhugas ako ng kamay, sinita na naman niya ako kasi hindi ko daw tinitipid yun’ tubig.
“Sorry naman! First time ko diba? Hmp!” Pabulong kong sabi sa kanya sabay irap.
“Kung hindi mo alam ang gagawin mo, magtanong ka kasi...” poker face at pabulong naman na sagot ni Percival.
“Opo, kuya!” Sagot ko at inirapan siya.
Umalis siya sa tabi ko at pumasok sa loob ng kusina. Akala ko nag-walk out sa’ken. Pero bumalik siya at may bitbit na suka. Kinuha niya ulit ang tabo at sumalok ng tubig. Nag-squat siya sa harap ko at tumingala sa akin.
“Hugasan na natin yun’ sugat mo, tapos i-disinfect natin.” Sabi niya.
“Suka?” Medyo alinlangan kong pagtataka. Pinaliwanag niya sa’ken na puwedeng disinfectant ang suka. Nag-advice pa na pagbalik ko raw sa mundo ko, i-google ko raw. Inirapan ko na naman siya. Kung makapagsalita kasi siya parang alien lang ako! At alam kong gusto niya talaga ako asarin. Hindi niya made-deny yun dahil kitang kita ko sa mga nakangiti niyang mata. Nakakainis talaga siya!
At dahil wala pa naman akong abuti experience na madapa ever in my life, I guess hindi naman siguro masakit ang sugat na’to--- I think! Kaya I braced myself as I lifted my skirt up. Hindi naman ako nahihiya kay Percival kahit makita pa niya ang legs ko, anyway, hanggang tuhod lang naman ang kailangan kong itaas. At saka, hello, reality check lang sa’ken. As if naman he didn’t see me naked early this morning, right? Embarassing as it may be. Hindi na’ko mag iinarte... Kinikilig din naman ako eh kasi ang sweet niya! Huhugasan niya ung sugat ko! Hihihi---Aaaaraaaaaaay! Masakit pala!
Pagkahugas niya ng water, binuhusan niya ng suka yun’ sugat ko. Napaiyak na talaga ako sa hapdi ng sugat.
“Tiis lang, baby...” nasambit niya habang nakatungkod ako sa balikat niya, dahil naiangat ko ang tuhod ko palayo sa dumadaloy na suka. Tiningnan ko ang sugat ko. Malaki pala! Napahikbi ako na parang bata. Kaya siguro niya nasabi na para akong baby.
Whatever his reason was, kinilig pa din ako! Ang sarap kaya pakinggan na tawagin niya akong baby! Ang shweeeet shweeet!
Pagkatapos niya lagyan ng suka yun’ sugat ko, hinugasan niya yun’ binti ko ng marahan para siguro hindi amoy suka. Tapos kumuha siya ng panyo sa bulsa at pinunasan niya yun’ . Kungdi nga lang ako mashadong occupied sa hapdi ng sugat ko, pakiramdam ko parang may kakaiba sa paghimas niya sa binti ko, tapos bigla siyang napailing at parang sinisita ang sarili. Sino kaya ang baliw sa’min dalawa, diba?
Napatingin sa’min yung mag-asawa. Napatawa si Ate Jovi at nagsalita.
“Nakakatuwa sila Ruben, ano? Naaalala ko tayong dalawa noong kabataan natin.” Sabi ni Ate Jovi.
Sasagot abuti ako pero naunahan ako ni Percival na tumayo na ngayon at kinuha ang isang kamay ko. Nilagay niya sa balikat niya para maalalayan ako maglakad kasi nakakandirit na ako lumakad.
“Magkaibigan lang po kami, Ate Jovi.” Poker face na sagot ni Percival, at hinawakan ako sa siko para alalayang maupo sa mahabang bangko, pero sumabit ang palda ko sa kanto ng bangko. Tinulungan niya akong tanggalin iyon. Pero napansin ko na paghila niya sa palda ko ay nagkaroon ng punit ito.
Oh no! Ang mahal pa naman ng tela ng ginawa kong ensemble! Huhu!
Siyempre hindi ako nakapag-salita dahil nandoon sila Ate Jovi at Brgy. Captain Ruben. I intentionally averted my eyes at him, instead.
“Sorry...” pabulong niyang sabi at sumulyap sa’kin na tila natatawa
Nang makaupo na kaming lahat ay nagdasal na kami. Tapos, inalok nila ang kanin at ulam sa’min ni Percival. Inabot naman ni Percival ang kanin sa’ken. I wasn’t sure how I was going to get the rice from the bowl, and I guess, he knew it, so he was the one who took rice from the bowl and transferred it on my plate.
“Puwede na yan?” parang may pag-aalala niyang tanong sa’ken. Siguro iniisip niya na nandidiri ako because used his hand to get rice from the bowl.
Though I’m not used to it, I was touched with his gesture.
“Tama na iyan. S-salamat.” Namula at nahihiya kong sagot dahil palihim akong kinikilig.
Keshe nemen pinegsisilbihan ako ni Percival eh. How romantic!
Parang candle lit dinner ang peg pati ng set up namin! Mas lalo ko tuloy na-appreciate ang lampara.
How romantic, indeed! Hihihi!
Then, Percival put rice on his plate tapos he put 1 piece chicken on my plat,e before he placed chicken on his plate. I never thought that a simple gesture like this could be sweet, but I surprisingly found pagkakamay with him romantic! Hihihi!
Matapos kaming kumain, nag-alok si Percival na kami na daw ang maghugas ng pinggan. Sinegundahan ko naman ng sang-ayon. Nuong una, ayaw pa sana nila pero pumayag na din. Sa likod kami naghugas ni Percival ng mga ginamit na panluto at pinagkainan. Siya ang taga sabon at banlaw. Ako naman ang mistulang faucet. Taga-lagay ng tubig sa batya.
Nang matapos kami sa paghugas ng pinggan, ipinakita naman ng mag-asawa ang magiging kuwarto ko. Nagulat ako nang makitang lumang cabinet lang ang laman nito at may isang lugar na pinagpatungan ng banig at unan. Si Percival naman ay sa kabilang kuwarto. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay na iyon kaya nagtaka si Percival kung saan matutulog ang mag-asawa. Sinabi ng mag-asawa na duon daw sila sa kabilang kubo matutulog. Kamag-anak daw ng mga ito ang kapitbahay kaya may matutulugan daw silang bakanteng kuwarto duon. Percival offered that he will just sleep on the floor of the sala. Tumanggi ang mag-asawa at nag-insist na duon na raw sila sa kabilang kubo matutulog mapagkakain.
Nang magpaalam na sa’min yun’ mag-asawa, nagpasalamat si Percival sa unang araw abuti dito at saka sinarado ang pintuan.
I suddenly felt awkward when I realized kami na lang dalawa dito sa kubo. Nakaupo ako sa may sala at napatingin siya sa’ken. Dahil nga medyo awkward, nagdesisyon na akong tumayo at pupunta na sa bathroom.
“Maghihilamos lang ako saka gagamit ng rest room. Saan dito ang restroom?” tanong ko sa kanya.
Kinuha ni Percival ang lampara, ang knapsack niya, at hinawakan ako sa siko so sumunod naman ako sa kanya. Pero nagtaka ako dahil palabas kami ng kubo. Pinigilan ko siya. “Wait lang! Why are we going out? It’s raining.”
“I thought you wanted to go to the bathroom?”
“Yeah, but why are we going out?”
“The bathroom is that way.” He pointed at the direction outside.
There I saw the provincial restroom. Napanganga ako when he took out a towel and placed it above our heads, then led me to the wooden door. I saw the toilet bowl and a drum of water nung pinailawan niya ng lampara yun loob ng bathroom.
Napahawak ako sa braso niya ng mahigpit dahil na-culture shock ako. Pinigilan kong maluha sa habag na ganito pala ang sitwasyon sa ibang lugar. It was eye-opening for me.
“I told you, baby, it won’t be convenient for you. Tomorrow, I’ll send you to the hotel.” Masuyo tinakpan ni Percival ang ulo ko ng towel niya tapos hawak niya yung skirt ko ng bahagya para hindi sumayad sa lupa.
Napakurap ako. Unang una, ‘baby’ ang tawag niya sa’ken. Pangalawa, may lambing sa pagsasalita niya.
“Oh my gosh! Is it the end of the world? Bakit ang bait mo sa’ken?”tanong ko sa kanya at saka hinawakan siya sa leeg. Maiinit siya. Nagdedeliryo yata siya. “May lagnat ka ba?”
“Naaawa lang ako sa’yo kasi alam kong hindi ka sanay sa ganitong lugar. At saka wala itong lagnat ko. Malayo sa buto. Iinuman ko lang ito mamaya ng Paracetamol. Pumasok ka na sa loob. Do your thing na ang get a shirt inside the knapsack so you can change.” Sabi niya at tumalikod sa’ken. May sakit pala talaga siya.
“Kawawa naman ang baby Pyke ko.” Nagulat ako sa nasambit ko. Pati ako nakiki-‘baby’ na rin? Kakahiya! Tumingin ako sa kanya to see his reaction. Napangiti siya.
Ang puso ko, nalalaglag! What’s with that provincial bathroom, huh? This is not one of the typical places I imagined I will have a romantic encounter with my cutie Pykie! Kakaloka talaga, pero ayos lang. Kilig pa din!