She was reluctant at first to go to the provincial restroom. Kasi bukod sa walang toilet seat at sa drum kumukuha ng pangbuhos, pag tumayo siya ay kita ang ulo hanggang leeg niya. Yun puwede siyang ma-bosohan.
Kaya to make her feel safe and secured, I promised her I would not look, and I would be on guard.
Kaya eto, naambunan na ako at nilalamig dito sa labas. Kahit may sakit ako, basta para kay Rori, deleted ang ‘lagnat’ sa bokabularyo ko. Kasi ang laman ng vocubalary ko ay Rori lang. At para mas ganap ang serbisyo ko sa prinsesa ko, sumalok pa ako ng tubig duon sa lalagyan ng drinking water at inabot ko sa kanya kanina para pang hugas niya. Baka kasi ma-UTI ang baby ko. Tapos, ako naman nag-toothbrush.
Nagmadaling lumabas si Rori sa kubeta at lumapit sa’kin dala yun tabo ng pangsalok ng inumin. Hinugasan niya ung pangsalok bago ibinalik sa lalagyanan nito. Na-realize ko may pagka-OC pala itong si Rori dahil hindi mapakali na hindi nagtutoothbrush. Inalok ko yun’ toothbrush ko pero tumanggi. Natawa na lang ako. Parang hindi ko siya nahalikan kaninang madaling araw,a?
Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa loob ng kubo. Sumunod naman siya sa’ken. Sabi niya sa kuwarto na lang daw niya siya magpapalit ng damit. At dahil sa iisa lang ang lamparang gamit namin at nagtitipid din kami ng gas, ibinigay ko sa kanya ang lampara. Ako naman nagpalit na ako ng pangtulog sa sarili kong kuwarto. Sinampay ko yun basa kong damit sa bintana para matuyo. Bukas ko na lang lalaban kasama nung damit ni Rori.
Saglit akong lumabas sa kusina para uminom ng paracetamol. Habang umiinom ako ng tubig para malunok ko un paracetamol, napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Rori dahil iyong kuwarto lang niya ang may ilaw sa buong kubo at dahil tumatagos ang mga maninipis na ilaw mula sa awang ng pader ng kuwarto na gawa sa pawid.
Hindi ko naman alam at sinasadyang makita si Rori sa awang ng pawid na pader na nagtatangal pala siya ng kaniyang kasuotan at paharap pa siya sa direksyon ko. Naibuga ko tuloy yun nag-iisa kong paracetamol at yun tubig sa bibig ko.
Napakamot ako ng ulo kasi hindi ko mahahanap yung tableta sa dilim ng paligid. Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at humiga na sa banig nang padapa.
Pinilit kong makatulog para pigilan ang nararamdaman ko.
May lagnat na nga ako, makakaramdam pa ako ng pangangawit sa puson. Sobrang parusa naman sa’ken nun. Hay, buhay!
Hindi ko alam kung sadyang nilalamig ako kahit nakakumot dahil sa lagnat ko, o sadyang malamig dahil may bagyo. Naririnig ko ang hangin na parang sumisipol at ang agos ng dagat na gumagawa ng bahagyang nakakatakot na parang ungol sa tindi ng bagyo. Nakakatakot ito sa hindi sanay makarinig ng ganoon tunog.
Nag-alala tuloy ako kay Rori. Pinakiramdaman ko siya. Hindi ko naman siya naririnig. Siguro tulog na iyon dahil napansin ko kagabi na may pagkatulog mantika yun’ baby kong yon. Siguro gumugulong gulong na yon sa banig dahil malikot nga siya matulog.
Papikit abuti ang mata ko ng marinig ko ang isang tunog ng hayop sa ilalim ng kubo. Siguro nakawalang baboy iyon at nagtago sa ilalim ng kubo. Nakarinig ako ng tili pero hindi ng baboy, kungdi tili ni Rori. Narinig kong may kumalampag at biglang bumukas ang pintuan ko. Dahil sa madilim, hindi niya yata ako nakita at nadapa siya papunta sa’ken. Lalo siyang tumili sa takot.
“Percival!!!” Nasambit niya na humihingi ng tulong habang parang hinahanap ako sa dilim. “Aswang! Aswaaang!” Nanginginig ang boses niya at umiiyak na.
“Rori, ako ‘to!” Sabi ko sa kanya at inakap siya papunta sa dibdib ko dahil nakadagan na siya sa’kin. Kamuntik pa niyang ma-tuhod ang manhood ko sa pagpapanic niya habang nakadapa sa’ken. “Relax, baby!” Sigaw ko dahil hindi na niya ako marinig sa pagsigaw niya.
Napatahimik siya pero parang nanginginig pa rin. Mabilis naman siyang tumili at parang tatayo na, habang hila ang kamay ko. Inaaya niya na ako na tumakbo.
“Relax, baby. It’s just a pig.” Sabi ko habang inaalalayan ko siyang tumayo.
“No-no-no! Pls-believe-me-Pyke! I-saw-it-with-my-own-eyes-when-I-peered-into-the flooring! It-was-black-and-hairy!” Nakaakap siya sa leeg ko na parang gusto nang sumampa sa’ken kaya binuhat ko na siya ng pa-bridal style.
“Baby, wait! Relax.” Pag-alo ko sa kanya habang binabalanse ang sarili ko sa sobrang likot niya.
Narinig namin ulit yung baboy at tumili na naman siya. Hinigpitan niya ang akap sa leeg ko. Halos masakal na’ko nang marinig niyang nasa ilalim ng sahig namin nanggagaling yun tunog ng baboy.
“Nyaaaaaaah! Pyke-I’m-so-sorry-I-left-our engagement! I-didn’t-know-what-to do-and-I-panicked! I-tried-to-contact-you-but-I-was-too-scared-because-you-always-say-mean-things-to-me-that-I-get-so-hurt-because-I-wanted-you-to-like-me-for-being-me! But-you-would-tell-me-I’m-maarte-and-justthismorning-you- commented-on-my-clothes-but-this-is-who-I-am-and-you-don’t-like-it-hu-hu-hu! I-love-you-so-much-and-I-don’t-wanna-die-without-telling-you-that-but-please-let’s-run-from-heeeere! Ayoko mawala ka sa’ken!” Ang bilis bilis at tuloy tuloy na sabi ni Rori. Walang stop for air, no punctuation, not even a comma!
At, narinig ko lahat ‘yon loud and clear.
Shiiiit! Gusto kong magsusuntok sa ere sa sobrang tuwa! Gusto kong kunin yun’ baboy sa ilalim naming, para akapin, halikan at magpasalamat ako!
Damn! Ang fairy princess ko... mahal niya pala ako! I’m the luckiest man in the world!
Narinig ko ang boses nila Kuya Ruben at Ate Jovi. Sumigaw si Rori para sabihin iligtas ng mga ito ang mga sarili nila dahil merun aswang sa ilalim ng kubo. Pumunta ang mga ito sa may bintana ng kuwarto ko at may hawak ang mga ito na malaking dahon ng saging bilang pantakip sa kanilang mga ulo upang hindi mabasa ng ambon at may dala din silang isang lampara.
Dumungaw ako sa bintana habang buhat pa rin ang prinsesa ko. Mula sa ilaw nina Kuya Ruben at Ate Jovi, napansin ko na t-shirt ko lang ang suot ni Rori. Wala itong pambaba kaya iniwas ko ang bandang pang-upo at hita ni Rori sa may bintana.
“Ayos lang po kami Kuya Ruben, Ate Jovi! Natakot lang po si Rori sa baboy na sumilong sa ilalim ng bahay niyo. Kulay itim daw.” Sagot ko.
“Itim? Ay, si Popoy pala iyon! Alaga iyon ng kapatid ko. Nakawala na naman siguro sa kulungan niya dahil takot sa kulog, kaya nagtatakbo at nakarating dito.” Sagot ni Kuya Ruben at lumapit sa ilalim ng kubo. May hinila itong isang maitim na katawan. Isang malaking itim na baboy ang nahila ni Kuya Ruben sa ilalim ng sahig ng kubo, habang si Rori ay karga ko pa din at yumakaps ng mahigpit sa akin sa takot.
“Baby, tingnan mo. It was just a pig.” Marahan kong bulong sa tenga niya habang nakatago ang mukha niya sa may leeg ko.
Nakapikit si Rori pero dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya, habang si Kuya Ruben naman at Ate Jovi ay nilalagyan ng tali sa leeg yun’ baboy.
Nakita ni Rori ang baboy at tumitig ito sa kanya. Natakot siya. “Nakatitig siya sa’ken! Waaaah!”
“Maybe it’s asking help from you kasi uulamin na siya sa susunod na buwan. Don’t be scared. Si Popoy nga ang dapat matakot sa’yo dahil carnivorous ka!” Biro ko pa.
Napatitig si Rori sa’ken. Yun’ titig na hindi niya mawari kung maiinis ba siya sa’ken o matatawa.
Nagpaalam na sina Kuya Ruben at Ate Jovi sa’men dalawa. Karga ko pa rin si Rori. Nawili na yata. Nang makaalis na ang mag-asawa, dumilim na naman at ang lampara sa kabilang kuwarto na lang na awang ang tanging kakaunting ilaw naming dalawa.
“Okay na ko...” mahinang sabi ni Rori sa’ken. Ibinaba ko siya pero yun’ kamay niya ay inilagay niya sa leeg ko. “Parang sobrang init mo.”
“Hindi ako naho-horny sa’yo baby, a!” Pabiro kong pagtanggi, pero ang totoo, nahihilo na’ko. Alam ko mataas na ang lagnat ko.
“Sobra ka naman! It’s not what I mean...” natatawang sagot ni Rori. Relaxed na ito. At napansin ko rin, may kaunting lambing na sa boses niya.
Kaunting warm up pa siguro at mas lalambing na sa akin ang baby ko! Ayiii! Kinikilig ako, ‘nak ng patola talaga, oo! Para ‘kong binabae!
Nilakasan ko na ang loob ko. Niluboslubos ko na ang moment na ito bago pa mawala. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang niya at inilapit siya sa’ken, habang kinakapa niya ang noo ko sa dilim.
“Mainit ka talaga, bab--- I mean, Pyke... Pykie. May lagnat ka.” May pag-aalala sa boses niya. Hinila niya ako at kinapa niya ang banig, tapos pinahiga niya ko, saka kinumutan. “Uminom ka ba ng abut? Sabi mo iinom ka ng gamot. It should take effect in a little while.” Sabi pa niya at nakaupo na sa banig, katabi ko.
“Hindi...ako naka-inom... ng gamot, baby.” Malambing kong sabi kahit paputol putol, habang kinakapa yun’ kamay niya tapos nilapit ko sa dibdib ko. Hindi siya nagsasalita pero alam kong alam niya na malamig na malamig ang mga kamay ko. Nagsisimula na kasi akong makardam ng pagchi-chill,pero alam kong mainit na mainit na ako. Sinusubukan ko lang labanan at libangin ang sarili ko.
“Ang lamig ng mga kamoy mo. Bakit hindi ka uminom ng gamot?” Parang yamot niyang tanong at hinihila ang kamay niya sa’ken.
Binitiwan ko na ang kamay niya. Ayoko kasing mag-creep out siya sa’ken kung hindi ko bitawan ang kamay niya.
“Sorry, baby. Na...hu...log ko ka...nina sa may ku...si...na kasi ma...di...lim...” paliwanag ko habang pinipilit wag manginig ang baba ko, tapos tumagilid na ako sa kanya para akapin ang sarili ko. Maginaw na kasi ang pakiramdam ko.
Panay ang sabi ko sa kanya ng baby pero hindi naman niya tinututulan. Siguro gusto rin niyang tinatawag ko siyang baby. Ayii! Kahit may lagnat ako, kinikilig ako!
Inaabot niya yata ako, pero likod ko lang ang nakapa niya sa dilim. “Nanginginig ka! Giniginaw ka ba?”
“A...yos... lang... baby.” Sagot ko para hindi siya mag-alala. Lalo siyang lumapit. Alam ko na malapit ang mukha niya sa mukha ko kasi naramdaman ko ung mahabang buhok niya sa mukha ko.
Kinapa niya ang mukha ko, tapos tumayo siya, at pumunta sa kabilang kuwarto. Mabilis niyang kinuha yun lampara kaya inabutan niya akong nakaa-akap sa sarili ko. Ako naman hindi nakapag-panggap na ayos lang ako dahil napatitig na lang ako sa kanya. Paano naman kasi, ang suot lang niya ay t-shirt ko na hanggang kalahati lang hita niya ang haba. Manipis na cotton shirt pa naman yon. Mas manipis pa sa kamison kaya bakat ang hugis ng katawan ng prinsesa ko at bakat din yun’ hinaharap niya. Napapikit ako. Siyempre ayoko makita yon kahit abuti ko rin naman kanina, kaya nga naibuga ko yun tableta. Ayoko din mapatingin dahil baka isipin niya na binabastos ko siya. Tinanong niya kung may bimpo ako sa knapsack ko. At dahil boyscout ako, siyempre merun.
“Wala naman eh...” sabi niya tapos saglit na nag-isip. Lumabas siya sa kuwarto tapos pumunta siya sa may likod ng bahay. Mga ilang minuto din siyang tahimik sa labas at tila abala kaya minabuti kong tumayo na at sinilip siya sa labas. Napansin kong parang naglalaba siya ng maliit na tela.
“Baka maulanan ka. Ano ba yan’ nilalaban mo? I’ll just be the one to do it.” Alok ko tapos lumapit sa kanya kahit nahihilo na ako.
“No, no! I can manage.” Sabi niya at nagpiga piga ng tela. “Pls lie down, baka mabinat ka pa.” Pakiusap niya.
Dahil masunurin ako sa prinsesa ko, humiga na talaga ako at inintay siya bumalik. Pag balik niya, may nilagay siya sa ulo ko na tela para daw hindi umakyat sa ulo yun’ fever ko.
Kinuha din niya ung unan at kumot niya. Nilapag niya yun unan sa banig, tapos yun kumot ibinalot niya sa’ken. Bale dalawa ng kumot ang gamit ko.
“Giniginaw ka pa rin ba?” Tanong niya habang hawak ako sa braso.
“A...a...yos... lang, ba..by ko.”
“Kung ayos ka lang, bakit ka nanginginig?” pag-aalala niya, tapos inakap ako.
Sarap naman feeling! Wow! Heaven!
“Ma...gi...naw lang p-pero...ok lang...” Sagot ko. “Thank you, baby!”
“Nakakapaso yun’ init mo... dapat yata dalin ka na abuti sa ospital.” Nag-aalala niyang sabi.
“This is nothing... I won’t die ... just because of this... lalo na yakap mo ko, and I heard what you said earlier... Totoo... yon...diba?”
Nagtakip siya ng mukha at mahinang tumili sa kahihiyan habang ang ulo niya ay nasa bandang dibdib ko. Tapos maya maya, sumagot na siya. “Yes...”
Napangiti ako. “I love you, Rori. I always have.”
Tumingin ako sa kanya dahil tinatago niya ang mukha niya sa’ken. Nakita ko nakangiti siya. Tapos, dahil sa kakatingin ko sa kanya, nahulog tuloy yun’ tela sa noo ko sa dibdib ko. Kinuha ko para ibalik sana sa ulo ko. Pagkuha ko, na-realize ko hindi pala bimpo ang nasa ulo ko.
Black cotton underwear.
Natawa ako. “Kaninong underwear ito?”
Napabangon siya at hinila niya yun’ underwear. “Akin. Eh wala ako makitang bimpo eh!” Napahiya niyang sagot.
Para hindi na mapahiya si Rori, hinila ko siya at inakap bago ko binalik yun sa ulo ko. “Salamat, baby.”
Saglit na katahimikan. “Ano’ng ginagamit mo ngayon?”
Bahagya niya akong pinalo sa may braso. “Do I really have to answer that?”
“No, baka lalong tumaas ang temperature ko...” sagot ko na lang tapos akmang kukurutin niya ako sa tagiliran pero nahawakan ko yung kamay niya at pinaakap ko siya sa’ken.
Pakiramdam ko gagaling na’ko bukas!