Bumangon ako sa kama para pumunta ng banyo. Masakit ang ulo ko. Siguro kung saan na naman akong bar nagpunta kagabi at nalasing kaya masakit na naman ang ulo ko. Tinungo ko na ang bathroom at naligo kahit madilim pa sa labas. Siguro madaling araw pa. Nag-warm bath ako kasi parang masama ang pakiramdam ko. Tapos nag-toothbrush ako at nag-suot ng t-shirt at boxers. Automatic na kasi sa'ken yon tuwing umaga na maligo at magtoothbrush kahit tulog pa ang diwa ko, tapos magja-jogging ako, breakfast, basa ng news, magche-chek ng mobile phone, at laptop. It's routinary but it works for me. I feel under the weather now though kaya humiga ulit ako at pumikit, not minding my surrounding. Pero napamulat ulit ako ng mata. Sa pagkakaalala ko, nasa immersion dapat ako ngayon pero bakit nandito nga pal

