Chapter 5

1793 Words
Maaga pa lang ay nasa kusina na si Alice. Tahimik ang buong bahay habang abala siya sa paghahanda ng pagkain para kay David. Sa tabi niya ang kanyang cellphone, naka taas Ang volume, sakaling tumawag si Olivia at agad niyang marinig ang tunog ng ring. Halos tapos na rin siyang magluto. Maingat niyang sinandok ang kanin at inilagay sa baunan ni David. Pagkatapos, inilagay niya ang ulam sa isa pang lunch box. Sanay na sanay ang galaw ng kanyang mga kamay, pero ang isip niya ay magulo pa rin. Pagod siya, hindi lang sa katawan kundi pati sa damdamin. Marami pa ring tanong sa kanyang isipan—mga tanong na wala siyang sagot. Ngunit pinilit niyang ngumiti, kahit mag-isa lang siya. Iniisip na lang niya na ito ang kabayaran sa lahat ng nangyari. Kahit sa totoo lang, alam niyang wala naman talaga siyang kasalanan. Huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa, umaasang darating din ang araw na magiging malinaw ang lahat. Bihis na si David at dala na niya ang bag papunta sa trabaho. Nilapag muna niya iyon sa sofa bago dahan-dahang nagtungo sa kusina. Mula roon, rinig niya ang kalabog ng mga plato. Naamoy din niya ang mabangong pagkain, dahilan para kumulo ang kanyang tiyan—palatandaan na gutom na siya. Hindi muna siya pumasok. Tahimik lang siyang tumayo sa may pinto at pinagmamasdan ang babae na nakatalikod sa kanya. Abala si Alice sa paghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto, maayos ang kilos, parang sanay na sanay. Sandaling napahinto si David, hindi niya alam kung bakit. May kung anong kakaibang pakiramdam sa dibdib niya habang pinapanood si Alice sa simpleng ginagawa nito. Sa isip ni David, hindi naman masama na napadpad si Alice sa unit niya. Sa totoo lang, naging maayos ang mga kain niya simula nang dumating ito. Masipag si Alice sa gawaing bahay at magaling magluto. Hindi niya maiwasang ikumpara. Ang girlfriend niyang si Olivia na hindi pa siya kailanman ipinagluto. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang pumasok sa kusina para ipaghanda siya ng pagkain. Madalas, ang ginagawa lang ni Olivia ay umorder, dahil wala raw itong hilig sa pagluluto at hindi rin marunong. Pero kahit ganoon, hindi naman na-turn off si David. Mahal niya si Olivia. Dahil mahal niya ito sa kahit ano pa man ito. Umaasa pa rin siya na babalik ito at magiging maayos ang lahat. “Nandiyan na pala kayo,” narinig ni David ang boses ng babae. Napabalik siya sa ulirat mula sa kanyang pag-iisip. “Good morning,” seryosong bati niya kay Alice. “Umupo ka na, handa na ang pagkain mo. Ito ang baon mo,” sabi ni Alice habang inilalapit ang packed lunch na nasa loob ng paper bag. “Let’s eat,” aya ni David. “Mauna ka na, mamaya pa ako kakain,” tanggi ni Alice. “Why?” tanong niya. “Hindi pa ako gutom,” sagot ng babae. “I don’t believe it. Come on, sit and eat with me,” giit ni David. Sa halip na makipagtalo, tahimik na sumunod si Alice. Kumuha siya ng plato at umupo sa kabilang upuan. Gutom na si Alice, pero mas gusto sana niyang kumain mag-isa. Nahihirapan siyang mag-concentrate kapag kaharap niya ang lalaki. Naiilang siya. Kapag mag-isa lang siya, mas nalalasahan niya ang sarap ng pagkain. “Masarap ang luto mo. Nag–cooking class ka ba?” tanong ni David habang kumakain. “Salamat, pero hindi. Simpleng luto lang ‘yan. Kahit sino kayang gawin ‘yan,” sagot ni Alice. Sandaling natahimik si David bago muling nagsalita. “Anyway, I’m sorry sa nangyari kagabi.” “Ang alin?” tanong ni Alice. “Tungkol sa inyo ni tita. Sana maintindihan mo. Nalulungkot lang siya dahil sa pagkawala ni Olivia,” paliwanag ni David. “Hindi naman big deal sa akin ‘yon. Naiintindihan ko siya. Kaibigan ko rin si Olivia at nag-aalala rin ako para sa kanya,” mahinahong sagot ni Alice. “You’re a good friend to Olivia, Alice,” sabi ni David. “May balita na ba sa kanya?” tanong niya. “Sa ngayon, hinahanap pa rin siya ng private investigator ko,” sagot ng lalaki. “Mabuti naman. Sana makabalik na siya,” wika ni Alice. “Yeah, I hope so,” tugon ni David. Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na si David dahil papasok na siya sa trabaho. Kinuha niya ang bag at tuluyang lumabas ng unit. Naiwan na naman si Alice, mag-isa, tahimik na nag-iisip sa magulong sitwasyong napasukan niya. Hindi niya akalaing hahantong siya sa ganitong kalagayan. ———— “What’s up, bruh!” tukso ni Daniel pagpasok niya sa opisina ni David, kasunod si Wilbert. “What are the two of you doing in my office this early?” tanong ni David na nakataas ang kilay. “Dinadalaw ka namin. Baka nagbigti ka na rito,” asar ni Daniel sabay malakas na tawa. “Gag***!” iritadong sagot ni David. “Matino pa naman ang isip ko.” Halos ibato na niya ang hawak na ballpen kay Daniel kung hindi lang siya nagpigil. Napangisi lang si Wilbert habang pinagmamasdan ang dalawa, sanay na sanay na sa bangayan. “Nasa ibang lugar na naman si Olivia, ayon sa private investigator. Mukhang nag-eenjoy ang girlfriend mo, David,” sabi ni Wilbert sabay lapag ng papel sa harap ni David. Agad itong kinuha ni David at binasa Ang nilalaman ng papel. “As long as she’s okay, alam kong babalik siya sa akin,” sabi ni David, habang binitiwan ang papel matapos basahin ang laman nito. Tahimik siya sandali, iniisip ang kalagayan ni Olivia at ang mga pangyayaring nagdulot ng lungkot sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat, may pag-asa pa rin siyang babalik ito sa kanya balang araw. “Pansin ko lang, broh… mukhang hindi ka naman brokenhearted, ha? Parang okay ka na kay Alice. Sabagay, maganda naman siya at sexy,” pabirong sabi ni Daniel habang nakangisi. “Diba, broh?” dagdag pa niya habang na kay Wilbert Ang tingin. Why not? Sang ayon ni Wilbert na Hindi nagustuhan ni David. “Kung balak niyo maglaro ng babae… wag si Alice. Iba na lang,” seryosong sabi ni David. “Bakit hindi ,? single naman si Alice?” tudyo ni Daniel, “She’s my substitute bride!” mariing sagot ni David. “Yon na nga… maliban na lang kung mahal mo na talaga si Alice,” dagdag ni Daniel, tahimik na nakatingin kay David. “Kung babalik na si Olivia pre, Pwede ko bang ligawan si Alice,? seryoso ako.,” seryosong wika ni Wilbert. Tahimik si David. Walang nasagot. Sa loob-loob niya, ayaw niyang ipamigay si Alice kay Wilbert. Pero Alam niyang walang mali kay Wilbert—mas matino pa nga ito kaysa kay Daniel—pero naguguluhan siya sa sitwasyon. “This is not good”, sa isip niya. ——— Samantala may Hindi inaasahang bisita si Alice ng hapon yon. Ang mommy ni Olivia. “Pasok po Kayo” magalang na saad niya. Niluwagan Ang pinto. Kita niya sa awra ng ginang na tila laging naghahamon ng away. “Talagang papasok ako, dahil ito Ang magiging tahanan ng anak ko kapag bumalik na siya.” Mukhang feel na feel mo ang pagiging wife ni David,? “Wala po akong alam sa sinasabi ninyo, Mrs. Ledesma. Kung nandito po kayo para insultuhin ako, makakaalis na po kayo,” mahinahong sabi ni Alice, nakatitig sa babae na may halong tapang at pag-aalangan. “Wala kang karapatan sabihin ‘yan sa harap ko! Si David lang ang pwedeng mag sabi niyan sa akin, dahil sampid ka lang!” galit na sigaw ng mommy ni Olivia, ramdam ang galit at kayabangan sa bawat salita. “Nabanggit pala sa akin ng kaibigan ni David na si Wilbert na nasa ibang bansa daw si Olivia,” mahinang sabi ni Alice, pinipilit panatilihing kalmado ang tinig habang sinasabi Ang mga salitang yon. Natigilan ang ginang, tila walang salitang lumalabas sa bibig niya. “A—Are you sure? Baka gawa-gawa mo lang ‘yan,” wika niya, halatang nag-aalangan. “Ay, hindi po. Hindi ako ang nagsabi niyan. Si Wilbert po,” mabilis na paliwanag ni Alice. “Hindi pa tayo tapos!” biglang sigaw ng ginang bago tuluyang tumalikod. Kinuha ni Alice ang pagkakataon at sinundan ng tingin ang ginang. Na tila walang Bakas na pag alala sa mukha nito. Matapos banggitin ni Alice Ang tungkol kay Olivia. Pumunta siya ng kusina upang uminom ng malamig na tubig para siyang natuyuan ng laway ng makaharap Ang mama ni Olivia. Naaalala niya nung Hindi pa nangyari Ang kasal dati-rati sa tuwing dumadalaw siya sa bahay nila Olivia isang mahigpit na yakap Ang sinasalubong ng mommy ni Olivia sa kanya. Pinagluluto pa siya ng paborito nitong pagkain. Pero ngayon halos gusto siyang burahin sa mundo. Matapos niyang uminom ng tubig hinugasan niya agad Ang baso. Saka lumabas sa kusina at siyang dating ni David galing trabaho. Huminto siya at hinarap Ang lalaki. “Nandito kanina ang mama ni Olivia,” bungad ni Alice kay David pagkadating nito. “Uunahan ko na siya, baka magsusumbong na naman sa’yo na ginawan ko siya ng masama,” dagdag niya. “Anong pinunta niya dito? May sinabi ba siya tungkol kay Olivia?” tanong ni David, seryoso. “Gaya ng dati… ‘yung mga akusasyon niya na ako ang may kasalanan sa lahat at wala akong karapatan dito, dahil si Olivia lamang ang importante,” paliwanag ni Alice, mahinahong tinatalakay ang nangyari. “Intindihin mo na lang,” sabi ni David, mahinahon. “Hanggang kailan?” tanong ni Alice na naiinis. “Don’t worry. Huwag ka nang magbubukas ng pinto kapag pumunta siya. Ako na ang bahala kung magsumbong siya, para Hindi kayo nag aaway,” paliwanag ni David. “Okay,” tugon ni Alice. “Kumain ka na. Iwan mo na lang, pagkatapos ako na ang bahala,” dagdag niya. “Kumain ka na ba? Sabay na tayo?” tanong ni David. “Tapos na ako,” sagot ni Alice. “Next time, wait me na lang,” dagdag ni David. Napakunot noo si Alice. “Malungkot kumain kapag mag-isa lang.” “Okay” “Nag-message ba sayo si Wilbert?” Pahabol na tanong ni David ng akmang tatalikod si Alice. “Oo, kanina,” sagot ni Alice. “Ano ang sabi niya?” tanong ni David. “Binalita niya ang tungkol kay Olivia. For sure, nasabi na niya sayo ang tungkol dito,” paliwanag ni Alice. “May sinabi pa ba siyang iba?” “Wala, tungkol lang kay Olivia,” may pagtatakang sagot ni Alice . Tahimik na tumalikod si Alice, iniisip ang mga katanungan ni David na hindi niya maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD