Kanina pa paulit-ulit na tumitingin si Alice sa wall clock habang tahimik na nakaupo sa sala. Halata ang kaba sa mukha niya. Mag-aalas nuebe na ng gabi, pero hanggang ngayon ay wala pa si David. Kanina pa niya inihanda ang dinner ng lalaki, sa pag-aakala na uuwi ito nang maaga.
Nakalagay ang mga plato sa mesa, at malamig narin ang pagkain. Napabuntong-hininga si Alice. Kahit ayaw niyang aminin, may bahagyang pag-aalala siyang nararamdaman para kay David. Hindi naman ito sanay na umuwi ng ganitong ka-late nang walang pasabi.
“Nasa trabaho lang siguro,” bulong niya sa sarili, pilit pinapakalma ang dibdib.
Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras. Nasa isip niyang tawagan si David, ngunit agad din niyang ibinaba ang mobile. Nahihiya siya. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaki—baka isipin nitong nakikialam siya sa buhay nito.
Umupo siyang muli sa sofa at niyakap ang sarili. Tahimik ang buong unit, tanging tik-tak ng orasan ang maririnig.
Kailangan pa niyang maghintay ng ilang sandali. Kapag wala pa rin si David, tatawagan na niya ito—bahala na kung masamain man siya ng lalaki.
Ilang segundo pa siyang nakaupo nang biglang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Napatingin siya roon at agad na nakahinga ng maluwag. Dumating na si David.
Ngunit kasunod nito ang pagkabigla niya.
Kasama ni David ang kaibigan nitong si Wilbert. Halatang inaalalayan ni Wilbert ang lalaki, halos nakasandal na si David sa balikat nito.
“Anong nangyari?” nagulat na tanong ni Alice habang mabilis na tumatayo at lumapit sa dalawa.
“Lasing siya,” maikling sagot ni Wilbert.
Agad na nakaramdam ng hiya si Alice. “Pasensya ka na, Wilbert,” mahinahon niyang sabi.
“Who said, I’m drunk?” sabat ni David, halatang wala sa sarili, habang tinutulungan siya ni Wilbert papunta sa sofa.
Marahan siyang pinaupo ni Wilbert. Napailing na lang si Alice at napabuntong-hininga.
“Sige na, Wilbert. Ako na ang bahala sa kanya. Masyado ka nang naabala,” sabi ni Alice, may halong pag-aalala sa boses.
“No worries, Alice. Kaibigan ko siya,” tugon ni Wilbert. “Naglabas lang siya ng sama ng loob. Pero sigurado ka bang kaya mo na siya mag-isa?”
Tumango si Alice kahit may kaba sa dibdib. “Oo. Salamat, Wilbert.”
Sa loob-loob niya, ngayon pa lang niya haharapin ang isang David na hindi niya kilala—isang David na may dinadalang bigat sa puso.
“Yeah, I can manage. Salamat sa paghatid sa kanya. Mag-ingat ka,” sabi ni Alice.
“I will, Alice,” nakangiting tugon ni Wilbert bago tuluyang lumabas ng unit.
Naiwan si Alice na nakatingin kay David, na ngayon ay nakasandal sa sofa at nakapikit ang mga mata. Mukhang pagod at sobrang lasing ang lalaki.
“David, kailangan mo nang pumunta sa kwarto mo para makapagpahinga ka,” mahinahong saad ni Alice sabay marahang kalabit sa braso nito.
Biglang nagsalita si David.
“Gusto mo ba si David?”
“Ha?” Nagulat si Alice at napatingin sa kanya.
“Sabi ko, gusto mo ba siya?” ulit ni David, nakapikit pa rin ang mga mata.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Lasing ka na,” sagot ni Alice, pilit pinapakalma ang sarili.
“Sabi ko hindi ako lasing!” mariing sabi ni David.
“Sandali—anong ginagawa mo?” nautal na tanong ni Alice nang bigla siyang hilahin ni David sa braso. Nawalan siya ng balanse at halos mapa subsob sa mukha ng lalaki.
“I just realized… maganda ka, Alice,” mababa at mabagal na sabi ni David, nakatitig sa kanya gamit ang mapupungay na mga mata.
Parang natigilan si Alice. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit ganito si David? Marahil epekto lang ito ng alak.
“Bitawan mo ako, David. Lasing ka lang,” nanginginig na sabi niya.
“Hindi nga,” sagot ni David.
Bago pa siya makalayo, biglang dumampi ang labi ni David sa kanya. Nanigas si Alice sa gulat. Ito ang unang halik niya, at wala siyang ideya kung paano tutugon. Saglit siyang nawalan ng ulirat.
“Your lips taste sweet,” bulong ni David sa gitna ng halik.
Hindi namalayan ni Alice na bahagya na pala niyang tinutugon ang halik ng lalaki. Ngunit ilang segundo pa ang lumipas nang mapansin niya na hindi na gumagalaw si David. Bigla itong napahinto.
Tulog na pala ito.
“Sh*t,” pabulong na mura ni Alice, namumula ang mukha sa hiya. Gusto na lang niyang maglaho sa sobrang kahihiyan.
Agad siyang humiwalay kay David at inayos ang sarili. Inalis niya ang sapatos ng lalaki at maingat itong inihiga ng maayos sa sofa. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kwarto ni David para kumuha ng kumot. Ayaw na niya itong gisingin—baka kung ano pa ang mangyari.
Tinakip niya Ang kumot sa katawan ni David at tumingin dito sandali. Magulo pa rin ang isip niya. Unang beses niyang nakita si David na lasing, at unang beses din niyang maranasan ang isang halik na hindi niya kailanman inakala.
Lutang at antok ang pakiramdam ni Alice nang umagang iyon habang abala siya sa kusina, naghahanda ng almusal. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip niya ang halik na nangyari sa pagitan nila ni David kagabi.
Ayaw pa nga sana niyang makita si David. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki. Paano kung maalala nito ang nangyari? Paano kung banggitin nito ang halik? Sa isip pa lang, parang mahihimatay na siya sa sobrang hiya.
“Ay! Palaka!” napasigaw si Alice nang biglang may sumulpot sa likuran niya.
Napahawak siya sa dibdib at mabilis na humarap. Si David pala iyon.
“I said good morning. Are you okay?” kunot-noong tanong ni David habang nakatitig sa kanya.
“Ako? Okay?” Magulong sagot ni Alice.
“Oo. Tinatanong kita,” sabi ni David. “Kanina pa ako nagsabi ng good morning, pero parang wala kang naririnig. Mukhang kasing lalim ng dagat Ang iniisip mo. Biro ni David.
“A-ah—e ano bang dapat mangyari?” patay-malisyang sagot ni Alice. Sa loob-loob niya, taimtim siyang nagdarasal na huwag na huwag banggitin ni David ang tungkol sa halik. Kung hindi, baka tumakbo na lang siya palabas ng bahay.
“Ewan ko,” kibit-balikat ni David. “Ikaw ang tinatanong ko.”
“Wala naman,” mabilis na sagot ni Alice. “Uminom ka na lang ng kape para mawala ang hangover mo.” Agad niyang iniba ang usapan.
“Yeah, thanks. Kailangan ko talaga ng kape,” sabi ni David habang umuupo. “Ang sakit ng ulo ko dahil sa alak.”
“Here,” sabi ni Alice sabay abot ng tasa. “Ingat, mainit pa.”
“Salamat,” sabi ni David, saka uminom. “By the way,,thanks.”
“For what?” nagtatakang tanong ni Alice.
“For preparing my food Everyday,” sagot ni David. “At kinumutan mo rin pala ako kagabi. Sobrang lasing ko na, hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sofa.”
Parang biglang nawala ang bigat sa dibdib ni Alice. Ibig sabihin, wala siyang maalala. Hindi nito naalala ang halik.
“Wala ’yon,” mahinang sagot ni Alice. “Trabaho ko yon.”
“Still, thank you,” sabi ni David, seryoso ang tono. “Umupo ka na. Kumain ka na ba?”
“A-ah, hindi pa,” sagot niya.
“Then sit and eat with me,” sabi ni David. “Ayokong marinig na tapos ka na naman kumain nang mag-isa.”
“Okay,” natatawang sagot ni Alice.
Umupo siya sa tapat ni David at nagsandok ng kanin. Nagulat siya nang si David pa mismo ang naglagay ng ulam sa plato niya.
“Kumain ka ng maayos,” sabi ng lalaki. “Mukha kang puyat.”
“Halata ba?” nahihiyang tanong ni Alice.
“Konti,” biro ni David. “Mukha kang puyat pero maganda pa rin.”
Napaubo si Alice sa biglang sabi nito. “Ah—salamat?” sabay iwas ng tingin.
Napangiti si David. “Relax ka lang.”
Maya-maya, tahimik silang kumakain. Pero kahit tahimik, may kung anong kakaibang pakiramdam sa pagitan nila—hindi na tulad ng dati.
Muling napag-isa si Alice nang araw na iyon. Napaisip siya. Kailangan na talaga niyang sanayin ang sarili habang nasa poder siya ni David, hangga’t hindi pa naaayos ang problema nila ni Olivia. Sa mga nakaraang araw, naging maayos ang pakikitungo ni David sa kanya. Oo, may mga pagkakataong masungit ito, pero naiintindihan niya iyon. May pinagdadaanan ang lalaki.
Ngunit kung ang tanong ay kung minamaltrato ba siya ni David—hindi. Ramdam niya ang kabaitan nito. Responsable, maayos makitungo, at may malasakit. Kaya mas lalo siyang nagtataka kung bakit nagawa ni Olivia na iwanan ang ganitong klaseng lalaki.
Ngayon lang niya napagtanto na baka hindi niya talaga lubusang kilala ang matalik niyang kaibigan. Katulad ng mommy ni Olivia na unti-unti ring lumabas ang mga ugaling hindi niya inaasahan.