Tahimik ang bahay ng hapong iyon. Nakaupo si Alice sa sala, hawak ang baso ng tubig.
Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto ng kwarto.
“Alice,” tawag ni David.
“Bakit?” agad niyang sagot, mabilis na tumayo.
“May tanong ako,” sabi ng lalaki habang naglalakad papunta sa kanya. “Busy ka ba?”
“Hindi naman,” sagot niya. “Anong kailangan mo?”
Sandaling tumahimik si David, parang nag-iisip kung paano magsisimula. “Mamaya kasi may dinner sa bahay namin.”
Napatigil si Alice. “Dinner?”
“Oo,” tango ni David. “Family dinner. Gusto ni mama na makilala ka, bilang asawa ko.”
Parang may mabilis na kumalabog psa dibdib ni Alice. “Totoo?”
“Yeah,” sagot ni David. “Kung ayos lang sa’yo.”
“Ay—oo naman,” sagot niya kahit ramdam niya ang kaba. “Sasama ako.”
“Sure ka?” tanong ni David, seryoso ang tingin. “Hindi kita pipilitin kung ayaw mo.”
“Hindi,” umiling si Alice. “Kasama yan sa papel ko rito.”
Bahagyang napangiti si David. “Salamat.”
Tumango lang si Alice. Sa loob-loob niya, alam niyang hindi magiging madali ang gabing iyon habang kaharap Ang mama ni David.
Habang nasa biyahe, tahimik silang dalawa. Si Alice ay nakatingin lang sa labas ng bintana, habang si David ay tutok sa pagmamaneho.
“Kinakabahan ka ba?” biglang tanong ni David.
“Konti,” tapat na sagot ni Alice.
“Don’t worry,” sabi ng lalaki. “Nandito lang ako.”
Napatingin si Alice sa kanya. “Salamat.”
“Mama can be intimidating,” dagdag ni David. “Pero huwag mo lang masyadong dibdibin. Mabait si mama, Hindi nangangain ng tao” Biro ni David upang pilit pagtakpan Ang tension na namamagitan sa loob ng sasakyan.
Tumango si Alice. “Susubukan ko.”
Marahang kinuha ng lalaki ang kabilang kamay ni Alice.
“Ang lamig ng kamay mo,” bulong ni David habang idinampi iyon sa kanyang pisngi.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Alice.
“Y-yeah… dahil sa kaba,” mahina niyang sagot. Hindi na siya kumawala at hinayaan na lang si David na hawakan ang kanyang kamay. Unti-unti, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.
“‘Wag kang mag-alala,” seryosong saad ng lalaki. “Nandito lang ako.”
Pagdating nila sa pupuntahan, sinalubong agad sila ng isang malamig na tingin.
“David,” tawag ng mommy ni David. “Andito na pala kayo.”
“Oo, Ma,” sagot ni David. “Ito si Alice.”
Tumingin ang babae kay Alice mula ulo hanggang paa. “So, ikaw ang asawa?”
“Opo,” mahinahong sagot ni Alice. “Magandang gabi po.”
Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip, tumango lang ito. Tuloy kayo sa dining area. Ready na ang dinner.”
Sumunod Ang dalawa habang hawak ni David Ang kamay ng asawa. Si Alice naman lalo nadagdagan kaba Pero ramdam niya Ang marahang pagpisil ni David hudyat na relax lang Ito at wag matakot hangat nasa tabi niya Si David.
Habang kumakain, ramdam na ramdam ni Alice ang bigat ng tensyon sa mesa. Tahimik ang buong dining area, tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Halos bawat galaw niya—mula sa paghawak ng baso hanggang sa pagsubo ng pagkain—ay sinusundan ng malamig na tingin ng mommy ni David.
“Hindi ka ba sanay sa ganitong situation?” biglang tanong ng ginang habang marahang pinapatong ang kutsara sa plato.
Napatingin si Alice. “sanay naman po,” maayos niyang sagot, kahit bahagyang nanginginig ang kamay niya.
“Talaga?” bahagyang ngiti ng babae, ngunit walang init. “Kasi parang hindi ka komportable.”
Napakunot ang noo ni David. “Ma, okay lang siya.”
“Relax lang,” sagot ng ginang. “Curious lang ako sa asawa mo, iho.” Muling ibinalik ang tingin kay Alice. “Saan ka nga pala nag-aral?”
“Sa probinsya po,” sagot ni Alice..”
“Ah,” maikling sambit ng babae. “Kaya pala.”
“Ma,” mariing tawag ni David, halatang hindi nagustuhan ang tono.
“Ano?” sagot ng ginang na tila inosente. “Nagtatanong lang naman ako.”
Tahimik na yumuko si Alice at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw niyang palakihin ang usapan. Ayaw niyang magmukhang bastos o apektado.
“Hindi ba mahirap para sa’yo ang buhay dito?” tanong muli ng ginang. “Ibang-iba sa probinsya, ‘di ba?”
“Medyo po,” mahinang sagot ni Alice. “Pero kaya ko naman pong mag-adjust.”
Sumabat si David. “Ma, tama na siguro Ang katanungan mo, since nasagot kana ni Alice.”
Sandaling natahimik ang babae bago muling magsalita. “Masaya ka ba sa asawa mo?” ngayon ay diretsong tanong ng ginang kay David.
“Yes, Ma,” walang pag-aalinlangang sagot ng lalaki habang bahagyang hinawakan ang kamay ni Alice sa ilalim ng mesa. “Masaya ako.”
Biglang tumahimik ang buong mesa. Napatingin si Alice kay David, may halong gulat at pasasalamat sa mga mata niya.
“Good,” sabi ng ginang matapos ang ilang segundo. “That’s all that matters.”
Ngunit habang nagpapatuloy ang pagkain, ramdam ni Alice na hindi pa tapos ang lahat. Sa likod ng malamig na ngiti ng mommy ni David, alam niyang may mga tanong at pagdududang hindi pa nasasabi—at iyon ang mas kinakabahan siya.
Pag-uwi nila, agad napabuntong-hininga si Alice.
“Okay ka lang?” tanong ni David.
“Oo,” sagot niya. “Sanay na ako.”
“Sorry,” sabi ni David. “Alam kong hindi madali.”
“Hindi mo kasalanan,” sagot ni Alice. “Naiintindihan ko.”
Sandaling nagkatitigan ang dalawa.
“Alice,” mahinang sabi ni David. “Salamat sa pagtitiis.”
Ngumiti si Alice. “Kasama iyon sa napag-usapan natin.”
“Still,” sabi ni David. “Hindi ko iyon nakakalimutan.”
May kung anong kumurot sa puso ni Alice sa sinabi ng lalaki.
“Good night,” sabi niya, pilit umiwas ng tingin.
“Good night,” tugon ni David.
Habang papasok si Alice sa kwarto niya, napahinto siya saglit. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero unti-unting nagiging mahirap ang pagpapanatili ng distansya. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo niyang nakikilala si David—at mas lalo siyang nalilito sa sarili niyang damdamin.
Sa kabilang kwarto, nakatayo si David sa dilim, iniisip ang parehong bagay.
Hindi nila namamalayan—ang simpleng kasunduan ay unti-unti nang nagiging mas komplikado.
Maagang nagising si Alice kinabukasan. Tahimik ang buong unit, tanging mahinang tunog lang ng aircon ang maririnig. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa dibdib, na pilit pinapakalma.
Hindi dapat, paalala niya sa sarili. Hindi dapat akong masanay. Hindi dapat akong umasa.
Ngunit kahit ilang ulit niyang sabihin iyon, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga salitang binitawan ni David kagabi—simple, pero ramdam ang sincerity.
Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Gaya ng nakasanayan, naghanda siya ng almusal. Habang nagluluto, bigla niyang narinig ang yabag ng paa.
“Ang aga mo,” sabi ni David.
Napalingon si Alice. “Ikaw rin.”
“Hindi na ako nakatulog ulit,” sagot ni David sabay kuha ng baso ng tubig. “May iniisip lang.”
“Oh,” sambit ni Alice. “Sorry.”
“Hindi ikaw,” agad na sagot ni David. “Family stuff.”
Tumango si Alice. “Gusto mo ng kape?”
“Please,” sagot ng lalaki.
Habang inaabot niya ang tasa, napansin ni David ang mga mata ni Alice na halatang puyat.
“Hindi ka rin ata natulog,” sabi ni David.
“Konti lang,” sagot niya. “Sanay na.”
Hindi na nagsalita muli si David. Umupo siya sa mesa at tahimik na tinitigan si Alice habang abala ito sa kusina.
“Alice,” tawag niya.
“Oo?”
“Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ni David, diretso ang tono. “Sa sitwasyon natin?”
Napahinto si Alice sa ginagawa. Dahan-dahan siyang humarap. “Nahihirapan,” sagot niya. “Pero alam ko kung bakit ako nandito.”
“Dahil kay Olivia,” sambit ni David.
“Oo,” tango ni Alice. “Kaibigan ko siya.”
“Even after everything?” tanong ni David.
Sandaling natahimik si Alice. “Hindi madaling talikuran ang taong minahal mo bilang kaibigan.”
Napabuntong-hininga si David. “You’re too kind.”
Ngumiti si Alice. “Ikaw rin naman.”
Bandang hapon, dumating si Wilbert. may dalang pagkain.
“Uy, newlyweds!” biro niya pagpasok pa lang.
“Tumigil ka,” natatawang sabi ni David.
Ngumiti si Alice. “Magandang hapon, Wilbert.”
“Mas lalo kang gumaganda ah,” biro nito. “Mukhang inaalagaan ka na ni David.”
Biglang nabulunan si Alice. “Ah—hindi—ano—”
“Tigilan mo,” singit ni David. “Ano’ng sadya mo?”
“It’s about work,” sagot ni Wilbert. “May business dinner Tayo mamaya. Important clients.”
“You will come with me” wika ni David kay Alice.
Napakunot-noo si Alice. “Kasama ako?”
“Oo,” sagot ni David. “Kung okay lang sa’yo.”
“Okay lang,” sagot niya, bagama’t ramdam na naman ang kaba.
————
Sa restaurant, magkatabi silang umupo. Pa Minsan-minsan ay may kumakausap kay David, at palaging ipinapakilala si Alice bilang asawa niya.
“And this is my wife, Alice,” paulit-ulit na sabi ni David.
Sa bawat pagkakataon, bahagyang ngumingiti si Alice—pero sa loob niya, may kung anong kumikirot.
Isang babae ang lumapit sa kanilang table, elegante at halatang may interes kay David. Dahil na kay David Ang tingin tila nag papa empress.
“So you’re the wife,” sabi nito kay Alice. “Lucky girl.”
“Thank you,” sagot ni Alice.
Ngumiti ang babae kay David. “You didn’t tell me you were married.”
Hindi sumagot si David. Sa halip, inilagay niya ang kamay niya sa likod ni Alice, marahan pero ramdam Ang pag alala.
“She is my priority now,” malamig na sagot ni David.
Nagulat si Alice. Hindi siya makagalaw.
Pag-alis ng babae, dahan-dahang binawi ni David ang kamay niya.
“Sorry,” sabi niya. “I had to.”
“Okay lang,” sagot ni Alice, kahit mabilis ang t***k ng puso niya.
Pag-uwi nila, pareho silang tahimik.
“David,” biglang sabi ni Alice. Salamat sa Kanina.”
“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot ni David. “Ikaw ang asawa ko. Kahit sa papel lang.”
Tahimik si Alice.
“Pero minsan,” dagdag ni David, “parang gusto kong kalimutan na peke lang ang lahat.”
Napatingin si Alice sa kanya. “David”
“Forget it,” agad niyang sabi. “Good night.”